Chapter Eleven

4K 95 2
                                    

Dedicated to Careza Gallano. Kababayan ko rin ang isang 'to. :)

***

CHAPTER ELEVEN



SHERIN SIGHED in relief matapos lagyan ng check ang pangalan ng panghuling guest na pinadalhan niya ng invitation para sa gaganaping party sa kompanya tatlong araw mula sa mga sandaling iyon. TJ told her she has to make sure na mapapadalhan lahat ng mga nasa listahan at kailangan din niyang i-follow up kung makakarating ang mga ito. Gaganapin daw ang party na iyon para i-celebrate ang pagti-take over ni TJ sa kompanyang dating kanila. She can't deny na matalinong negosyante ang binata pero alam niyang kung nabubuhay lang ang Dad at ang Lola niya ay nalulungkot na ang mga ito dahil sa pagkawala sa kanila ng kompanyang matagal na itinaguyod ng mga ito.



Napaayos siya ng apo at sinapo ang likod. Kanina pa siya nakaupo at tingin niya ay mag-aapoy na ang pang-upo niya ilang sandali na lang.



"Tapos ka na ba diyan?" tanong sa kanya ni TJ.



Nang tingnan niya ang binata sa mesa nito ay napakaseryoso ng mukha nito habang nakatutok ang atensiyon sa laptop. Unti-unti na siyang nasasanay sa ganoong side ni TJ at para sa kanya ay lalo lang iyong nakadagdag sa charm nito although mas prefer pa rin niya na palagi itong ngumingiti katulad noong 'sila' pa.



"Miss Falcon?"



Saka lang siya natauhan nang makitang sa kanya na nakatingin si TJ. Dahil siguro sa hindi niya pagtugon agad.



"Um, kwan, okay na po, Sir. Napadala ko na lahat ng invitations," sagot niyang napa-adjust sa suot na salamin.



Dahil palagi na siyang haharap sa computer ay kinailangan na niyang magsuot niyon para hindi masira ang mata niya sa exposure.



"Good. I want you to email this proposal to the four shareholders now."



Tumayo naman siya at lumapit dito. Nararamdaman pa rin niya ang pag-iinit ng pang-upo niya.



"Did you lose weight?"



Nagulat siya sa tanong nito dahilan upang mapatitig siya dito.



"Um, mukhang hindi naman," sagot naman niyang nagbaba ng tingin at napatitig sa mga palad.



Bakit naman nito napansin iyon eh kahit na siya ay hindi na nababantayan ang katawan simula nang magbago na ang lifestyle niya?

Sherin's Own Fairytale(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon