CHAPTER THIRTEEN
"BAGO ko makalimutan," sabi sa kanya ni TJ nang handa na itong umalis ng opisina. Siya man ay nagliligpit na rin ng mga gamit niya.
"Yes, Sir?" tanong naman niyang nag-angat ng tingin.
Lumapit ito sa kanya at naglapag ng maliit na envelope sa mesa niya.
"It's Jervey's birthday on Saturday. He wants you to be there."
"Oh, okay." Dinampot niya ang envelope at pinagmasdan."Thank you so much."
"Gusto mong sumabay sa 'kin pag-uwi?" alok pa nito.
She actually wanted to.
"No, thanks," pero sa halip ay magalang na sabi niya."Nakakahiya naman sa inyo. May dadaanan pa kasi ako."
Tama nang magkasama lang sila sa trabaho. Pakiramdam kasi niya ay paulit-ulit lang na nahuhulog ang loob niya rito.
"Ikaw ang bahala," sabi naman ng binata saka siya iniwan.
Malungkot siyang napabuntong-hininga habang nakatayo sa kabilang kalsada at pinagmamasdan ang dating Carina's. Nami-miss na niya ang mga araw na nasa opisina lang niya siya at kung minsan naman ay nakikipagkwentuhan sa mga empleyado niya. Kahit kapos siya sa pera ay ayaw niyang ibenta iyon dahil umaasa siyang balang-araw ay mabubuksan pa niya iyon.
"Sana dumating pa ang araw na iyon," mahinang sabi niya at tumalikod na.
"YES, hello, Attorney?" aniya sa kabilang linya. Kararating lang niya sa tinutuluyang bahay nang makatanggap siya ng tawag mula kay Attorney Dominguez.
"Yes, hello, hija. I have some good news for you," sabi naman ng abogado.
"Talaga po? Tungkol saan?"
"May kakilala ang pamilya niyo na lumapit sa akin. Ang sabi niya interesado raw siyang bilhin ang coffeeshop mo sa malaking halaga."
"T-talaga po?" hindi makapaniwalang sabi niya."Sino naman po?"
"Kwan, ang totoo kaibigan siya ng kumausap sa akin kaya hindi ko pa kilala. Bibilhin daw niya sa halagang isa at kalahating milyon. Papayag ka ba?"
Napatakip siya sa bibig niya. Napakalaking halaga naman ng binanggit ng abogado.
"Sigurado po ba 'yong kaibigan ng kumausap sa inyo, Attorney?"
"Oo naman, hija. Lalakihan niya ang tawad kung naliliitan ka."
"Pero Attorney, mahalaga po sa akin ang coffeeshop na 'yon. 'Yon na lang po ang alaala ng pamilya ko na hindi ko kayang ipagpalit sa malaking halaga kahit pa napakalaki ng utang namin."
"Pero sayang naman iyon, hija. Papaano kung tawaran niya iyon sa halagang fifteen million?"
Natahimik siya. Ganoon ba talaga ka determinado ang gustong bumili ng coffeeshop niya?
"Kung ganun din lang naman, Attorney, bakit hindi na lang gamitin ng taong iyon ang pera niya para magpatayo ng maraming coffeeshop? Bakit pa niya pag-aaksayahan ng panahon ang shop ko?"
"S-so you're turning down the offer?"
"Yes, Attorney. I'm so sorry. Hindi ko talaga kaya. Sabihin mo na lang sa taong 'yon kung sino man siya na ibang coffeeshop na lang ang paglaanan niya ng panahon at pera. At maraming salamat po kasi nag-abala pa kayong tawagan ako."
"Walang anuman, hija. Alam mo naman na hindi ka na iba sa akin, 'di ba?"
"Kayo rin naman po, Attorney."
HINAWI niya ang buhok na napunta sa mukha at inipit iyon sa likuran ng tenga niya. Hindi niya inaasahan na makakabalik pa siya sa clubhouse ng pamilya nina TJ. Doon kasi gaganapin ang sinasabing birthday celebration ni Jervey.
BINABASA MO ANG
Sherin's Own Fairytale(Completed)
Romance(This is in Third Person's POV.) Sherin fell in love with TJ at the wrong time. Nang mga panahong halos mawalan na siya ng pag-asa ay saka niya ito nakilala at binigyan siya ng kakaibang sayang hindi pa niya nararanasan kahit kailan. But since she l...