“Good morning, Mommy!” bati ko. That’s good about Face Time, one of Apple’s applications. Ang daling ma-contact ni Mommy at ni Daddy kahit nasa Canada pa sila. Kailangan ko palang pasalamatan si Mama dahil sa bagong Ipad na bigay niya. Dahil dito, mas madali silang makausap.
“Hi, Baby, kamusta?” bati ni Mommy. Komportable kami sa twelve hours interval ng Pilipinas at Canada. Six am na dito, at six pm naman kina Mommy, kaya walang problema kapag nag-uusap kami.
Napatigil ako sa pagsabi niya ng “Baby.”
No one calls me like that in the family even though I’m the youngest. If they do, bihirang-bihira.
“Colleen, may problema ba? How’s school?” tanong ni Mommy. Ready na akong pumasok. Isa na akong freshman College sa isang bago pero sikat na College sa Manila. I live in Cavite and I endure the everyday commute.
My mom is asking me about problems. Hmmm, wala namang gaano, pero gusto ko na rin ng sasakyan. Hindi tulad ni Kuya Kurt na pa-drive-drive na lang ng sasakyan niya. Nakapapagod din kayang mag-commute.
I hope you still remember my name, I am Colleen who is now Arvin’s girlfriend.
Nakita ko namang tumatawag siya sa cellphone ko. Hindi ko alam kung ano’ng uunahin ko, pero I know Arvin will understand that I have to talk to my mom first.
“Mommy, mamaya na lang tayo mag-usap okay? Monday ngayon, at ma-traffic ang biyahe pa-Manila,” pagpapaalam ko kay Mommy.
“Wait! Saglit lang, Anak!”
Hinihintay ko ang sasabihin niya habang hawak ang latest Ipad na regalo niya as a graduation gift. Mommy’s in her office suit and she’s beautiful as ever. Maraming nagsasabing nagmana ako sa kanya dahil maganda rin daw ako. Palaging sinasabi ni Arvin iyon sa akin.
“May balak kaming umuwi ng daddy mo, at hindi na kami babalik dito sa Canada, para sa inyo ng kuya mo,” sabi ni mommy.
Napatigil ako.
Dito? Sila ni Daddy? Balita ko kasi last month, nag-away ulit sila. I think they sort of had a cool-off. My mom and dad are married, pero para lang silang mag-syota na magsasama lang kapag trip nila, at maghihiwalay kung gusto nila. Basta, magulo silang dalawa.
The last time they are happy and together, I was in third year high school. Inter school quiz bees became opportunities for me to be closer to Arvin. Noong nanalo rin ako ng Science national quiz bee, bumalik si daddy sa family namin at nabuo kami. Nabuo nga kami pero saglit lang. I still live with my kuya in our parent’s house. Pinapadala lang ng parents namin ang perang kailangan namin.
I can’t imagine them here at our home every day. Masaya sana, pero, basta. Parang hindi ako panatag.
“Mommy? Tama ba ako ng narinig?” pumasok si kuya Kurt sa kuwarto ko.
“Oo, Kurt. Colleen, pakitapat kay Kurt ang camera, I want to see him.” Tinapat ko nga sa pinto ng kuwarto ko. Umalis naman agad si kuya Kurt.
“Mommy, alam mo, masaya sana pero hindi ako sure… if that will work out,” sabi ko.
Alam kong na-gets agad ni mommy ang gusto kong ipahiwatig. Kung sa Canada na nga lang, hindi na sila magkasundo ng dad ko, dito pa kaya. Tapos titira sila dito sa bahay at magkasama? They have tried a lot of times, pero magulo lagi eh.
“We will work out on that, baby.”
Baby.
Who calls me baby nga ba? Bukod kay Arvin, naalala ko bigla si Dan… my ex-boyfriend.

BINABASA MO ANG
Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)
ChickLit"Everyday is a second chance." Book 2 of MFWH -- Genre: Romance, New Adult Language: Taglish Status: Completed Year Completed: 2014