3

146 2 6
                                        

“Sisimulan ko ang simple details about Dan,” sabi ni Georgina. Niyaya ko siyang dumaan sa MOA habang sinasagot niya ang mga pangugulit ko.

“Una, full name, Dante  Xian Santos Jr.” sabi ni Georgy.

“Xian?”

“Middle name niya ‘yun,”

“Ahhhhh,” sagot ko. Nagtataka ako sa pangalan ni Dan dati, wala kasing bakas Chinese, now I know. His dad is the Filipino one, and her mom is Chinese.

“Dante rin name ng dad niya?” tanong ko.

“Malamang, junior nga eh!” sagot ni Georgy. Oo nga naman. Ano bang klaseng tanong ‘yun, Colleen?

“Ako ba talaga ang first girlfriend ni Dan?” tanong ko pa.

Napaisip si Georgy.

“Yep, first girlfriend na sineryoso niya,”

So it means may iba pang nauna sa akin? Na hindi niya sineryoso?

I still have so many questions in my mind.

“Georgy, gaano kayaman sila Dan?”

Wew, natanong ko rin.

Georgy smiled. We continued walking until we stood near condo agents. Sa spot nila ay may miniature display ng condo na laman ng pamphlets na pinamimigay nila. Kumuha si Georgy ng isa.

“Alam mo ba Colleen, kung sino ang may-ari ng condo na ito?” tanong ni Georgy. I shook my head. Don't tell me na sila Dan?

“Lolo ko,” sagot niyang monotone.

“Ha?”

“Lolo ko nga,”

“Kaya Dela Cruz ang apelyido mo? Hermes Dela Cruz? Lolo mo siya?” tanong kong hindi makapaniwala. Georgina slowly nodded.

“Wow,” ‘yun nalang ang nasabi ko. We continued walking.

“Ang sagot ko pala sa tanong mo, halos nagkakapantay ang family ko at family ni Dan. I can’t say the numbers pero ‘yun.” pag-e-explain niya. Okay, Dan’s family are really rich but Georgy explained that they chose to be the silent ones. Sabi niya, iwas sila sa media.

Georgina smiled at me. Humawak siya bigla sa braso ko.

“Colleen, alam mo magkasundong-magkasundo tayo,” sabi niya.

“Yeah, I know. Ang saya-saya mong kasama eh!” sagot ko. Kapag kasama ko kasi siya, parang hindi siya mayaman. Para lang siyang normal na tao na makulit, maingay at maharot.

“Puwede ba kitang maging new bff?” tanong niya bigla.

Hindi ako nakasagot noong una. Seryoso ba siya? Nagkasama na kami ng ilang buwan pero, ang bilis naman yata. Best friends agad? Pero, masaya naman siyang kasama. Why not?

“Why not? Siyempre!” sagot kong excited.

“Yay!” sigaw ni Georgy. Georgy is an "it girl", a cool and intelligent it girl. Wow, I’m now best friends with her.

Best friends with my ex’s best friend.

Paalala ko sa sarili ko.

+++

Everything is pretty normal at school. Busy ang mga kasambahay ko kaya hindi nakagugulat kung palaging ako ang naiiwan sa bahay. I looked at myself while I was wearing our school’s t-shirt(our Type C uniform). Isang simple white shirt na may printed logo ng school namin. Simple yet elegant, simple yet beautiful, that’s how I will describe myself with this attire.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon