Georgina asked me to eat with her after our classes. Pumayag naman ako. Na-open up niyang topic si Dan. Gusto kong iwasan at kalimutan ang mga narinig ko noong isang araw pero doon at doon napunta ang usapan namin. Seems like I don’t have a choice. I just took a bite at my pizza.
“Colleen, I want you to understand that, kaya naghigpit ng sobra ang parents ni Dan sa kanya ay dahil na-misinterpret nila ang araw-araw na pagtakas ni Dan. Dan was a bit of a bad boy before, you know that. Sana hindi magbago ang pagtingin mo sa kanya,” umpisa ni Georgina. Hindi naman ako nakikinig. Nguya lang ako nang nguya.
“And, Colleen. I’m sorry about what I told you.”
“Ano?”
“I know things are harder for you lalo na’t magulo kayo ni Arvin… but you need to know something else, I mean a deeper side of the bet.”
Tiningnan ko siya nang masama. Ano kaya ang something else na iyan?
“Dan courted you because of a bet, already told you that.”
Parang nag-iinit ang ulo ko. Parang gusto kong sumabog. Para kasing minahal ko ang tao na niloloko lang ako for a very long time. Nagtiwala ako sa taong hindi ko dapat pinagkatiwalaan in the first place.
“Colleen, I’m sorry. Kasi, months after his first break up, hinahamon ko siyang magmahal ulit. Inaasar ko lang si Dan noon, tapos nakiasar ang tropa niya. Napikon siya and he sweared us that he’ll find another girl that will love him… and make him happy.”
Huminga ng malalim si Georgina.
“Then the bet started. Nagpustahan kaming hindi kayo tatagal ni Dan, ayaw naming maniwala na seryoso siya sa ‘yo dahil nga sa mga nangyari bago kayo magkakilala.”
“Ano’ng nangyari bago kami magkakilala?” pagtatanong ko.
“Uhmmm, his first time you know… His first love and his first uhmmm…”
“Oh,” nasabi ko. “Don’t continue, no need to.”
Huminga siya ng malalim.
“It’s a long story din, tapos iyon nga. I... I mean we, we never expected that Dan is serious about you. You know, Dan has a reputation of being a playboy until things went out of control. We don’t even know nga kung may nabuo sila ng first gf niya eh.”
“What?!”
Umiwas ng tingin si Georgina. I don’t want her to dwell on the same topic so I asked another question.
“Are you telling na ang panliligaw ni Dan ay peke? Kasi nga dahil sa pustahan?” tanong ko.
“Uhmm, noong una oo pero naging totoo rin.”
“Wow, so… naging kami dahil sa isang pustahan? Iyon ba ang point mo?” tanong ko ulit, nagsusungit.
“Yep, it was my fault. I always mocked him that he can’t even have ‘another’ girl. Sineryoso pala niya and the girl turned out to be you. ”
Nagulat ako sa mga narinig ko. The person in front of me, she’s behind the reason why Dan dated me two years ago. If Dan didn’t dated me, then things will not be this complicated.
“Colleen, you are the another girl that Dan unexpectedly love. I’m sorry if ngayon mo lang ito nalaman.”
“Georgy, I don’t know how to handle this.”
Gusto kong umiyak, actually umiiyak na ako. Dahan-dahan nang tumutulo ang mga luha ko. Galit ba ako? Hindi siguro pero ang bigat ng pakiramdam ko. Why am I feeling this way? It’s already in the past, right? Grabe, hindi ko maintindihan kasi ang gulo.
“I know you have the right to know. That’s the reason why I told you these things. I’m really sorry for starting that stupid bet.”
“Georgy, will you leave me alone?” tanong ko.
“Sige, Colleen but I have to make sure you’re okay.”
“I’ll be okay, don’t worry. Actually, I’ll be better if you leave me now.”
Nagbuntong-hininga siya bago tumayo.
Lalong nasira ang araw ko. Akala ko pa naman, itong pagkain kasama kay Georgina ang magpapagaan ng pakiramdam ko. It turned out na mas magpapalala pa ito.
+++
I shut everyone out of my life. No Arvin, no Dan, no Georgina. Wala ang mga taong iyan sa mundo ko pansamantala. Kaya ko namang umarteng okay sa bahay. Hindi kami nagpapansinan ni Georgina sa classroom. Nahahalata ng iba naming mga kaklase pero mukhang hindi nalang din nila pinapansin.
Nami-miss ko si Arvin pero naiinis ako dahil mas namimi-miss ko si Dan. Nagkakasalubong kami sa school pero umiiwas ako. Umiiwas din naman siya. Masama ang loob ko sa kanila ni Georgina dahil sa pagsikreto nila sa akin pero naisip ko, wala namang mangyayari kung magagalit at magagalit ako.
There’s no point of holding grudges against them. Bumisita ako sa guidance counselor namin kanina at medyo maliwanagan ako sa feelings ko. Medyo gumaan na rin ang pakiramdan ko. I know I have to sort things out especially now that I am feeling lost and burdened.
Nilapitan ko si Georgina noong nasa locker niya siya.
“Hi,” mahinang bati ko. Matamlay naman ang ngiti siya sa akin.
“Sorry,” sabi ko.
“Sorry s’an?” pagtataka niya. Tiningnan niya ako habang inaayos niya ang mga libro niya sa locker.
“For shutting you out,”
Ngumiti siya sa akin. “I should be the one saying sorry,” sabi niya.
“Wala na ‘yun. Friends again?” tanong ko. Nilapit ko ang kamay ko para makipag-shake hands.
“Of course!” masayang sigaw ni Georgy. Hindi lang nakipag-shake hands. Hinablot ako at nagsimula ang pagdaldal niya sa akin. Kumain kami ng ice cream bago umuwi. Nagtatawanan kami at nagbibiruan. Gusto raw sumama ni Dan pero hindi siya pumayag. Wow, Georgy and I are back to normal.
Paano naman kaya si Dan at si Arvin?
“Georgy, ano’ng gagawin ko?” natanong ko.
“Gagawin s’an?”
“Dan at si Arvin. I feel so confused. Alam mo ‘yun,”
“Wow, ang haba ng buhok ni Colleen. Wait nga, pakitali nga!” pagbibiro niya. Hindi ako napangiti man lang.
“Oh, bakit busangot ka parin diyan?” tanong niya. Kauubos lang namin ng ice cream. Naglalakad kami sa loob ng MOA, nag-iikot.
“Ehhhh, kasi, hindi ko parin alam ang gagawin sa kanilang dalawa.”
“Mahal mo kasi silang dalawa eh,” sabi ni Georgy.
“’Yun nga eh!”
“Alam mo, kalimutan mo muna ‘yan. Tara, kain ulit? Shoping? Or ice cream ulit?” tanong niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko. Gusto talaga akong tulungan ni Georgy.
“Georgy, may gusto akong tanungin sa ‘yo.”
“What’s that?” tanong niya.
“Ano’ng ibig sabihin ng rebound?”
Umiwas siya ng tingin, napaisip.
“Matagal na akong napapaisip, rebound ko lang ba si Arvin?” tanong ko ulit sa kanya.
Napa-iling siya at nagkibit balikat.
“Hindi kita masasagot Colleen, pero sabi ko nga sa ‘yo, clear your head first. Relax, take a break and let yourself think.”
Napa-oo nalang ako sa sinabi niya. Sa bagay, tama siya. Kailangan ko munang mag-isip.

BINABASA MO ANG
Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)
ChickLit"Everyday is a second chance." Book 2 of MFWH -- Genre: Romance, New Adult Language: Taglish Status: Completed Year Completed: 2014