8

116 2 4
  • Dedicated kay Abbey Perlas
                                        

Imagine the whole month of August without talking, as in no talking. No text, no call, no chat, walang paramdam ng boyfriend, I mean ex-boyfriend. I really miss Arvin a lot and I hope he’s doing okay in school. That’s the reason why he is so busy. Scholar si Arvin at alam kong dapat unahin niya ang pag-aaral niya.

But this time, I saw him again. Nakatayo kami sa magkabilang side ng table, mga table na pinagdikit-dikit para maging mahaba. Our classmates are staring at us. Do they know that he and I just broke up?

One of our high school classmates is celebrating her birthday and she chose Jollibee Molino to be our place due to ease of access. Nakuha niya ang party place sa itaas kaya kami-kami lang ang nandito. Parang naging reunion na rin siya ng klase.

We are very happy, talking to each other, laughing and everything. Except for Arvin na unusually, kanina pa tahimik.

Nakahahalata na ang boys sa kanya. Nakakantiyawan na siya ng tungkol sa akin pero wala parin eh, dedma parin.

It’s very nice to see my high school classmates again. Ang saya-saya namin at nakipagkuwentuhan ako kay Nicole at Crestell. Believe it or not, close na kami ni Crestell.

Crestell told me things about her and Arvin. Alam naman daw niyang nawawalan na sila ng spark ni Arvin. At sinabi niyang moody nga raw si Arvin. Kailangan ko lang ng mahabang pasensiya.

When she mentioned that, natakot ako. Paano kung kami naman ang mawalan ng spark?

“Colleen! Hoy, Colleen!” sigaw ni Crestell para makuha ang attensyon ko.

“Bakit?”

“Paalis na sila Arvin, wala ka bang balak lapitan siya?”

“Ehhhh, bakit ako ang lalapit? “ sabi ko.

I don’t think making the first move is right.

“Sus, ‘wag mo nang pairalin ang pride mo, bilis na, habol na!” sigaw ni Nicole. Agad-agad akong napalakad sa stairs pababa. I rushed to go outside at nakita ko si Arvin kasama ang boys ng section namin na naglalakad na palayo. I called out for him, pero hindi yata nila ako rinig.

“Arviiiiiiin!” sigaw ko ulit. Wala, walang nalingon, kaya nilakasan ko pa.

“Arviiiiiiiiiiiiiiiiiiiin!”

Wala parin, hay. Ano ba’ng gusto ng lalaking ito?

“Hoy, Arvin Hagacer! Lumingon ka dito!!!” sigaw ko, may lumingon sa kanila na isa. Tinititigan tuloy ako ng mga motorista at pasahero sa mga PUV na nakatigil dahil traffic.

“Arviiiiiiiiiiiiiiin! Hayop ka! Lumingon ka dito! Mahal na mahal kita!”

Kahit ano, kahit ano gagawin ko, mapalingon lang ang lokong ito.

Ang layo na ng nalalakad nila, pero wala akong pakialam. May kumalabit kay Arvin at lumingon na siya sa akin.

“Colleeeeen! Ulitin mo ‘yung sinabi mo!” sigaw ni Arvin sa malayo.

“Sabi ko, mahal na mahal kita!!!” tapat ko sa sigaw niya. Nilagay ko pa ang mga kamay ko sa tapat ng bibig ko para mas maging mas malakas.

“Isa pa! Hindi ko narinig!!!” sigaw niya. Arghhh! Pasisigawin ulit ako.

“Lumapit ka dito! Loko ka!!!”

Gusto kong maglakad papasok sa loob(sa kahihiyan) pero nandito narin pala sa labas halos lahat ng kaklase ko.

“Sige, aalis nalang ako!!!” sigaw niya. Fine, siya na nga nilalapitan, siya pa itong lalayo. Effort padin kayang sumigaw.

Nakasimangot ang mga kaklase ko sa akin dahil sa ginawa ni Arvin. Nakaipon kami sa may parking ng Jollibee Molino.

“Okay, guys, one, two, three!” pagbibilang ni Nicole.

“Arvin! Pansinin mo kami!!!” sigaw ng mga kaklase ko na sabay-sabay. Nagulat naman ako.

“Mahal ka ni Colleen, sigaw n’yo, dali!” utos ni Sachiko.

“Mahal ka ni Colleen!” sigaw nga nilang sabay-sabay. Wow, gumagawa kami ng eksena sa Molino road.

Tinitingnan tuloy kami ng mga tao, kahit mga tao sa loob ng Jollibee, na-iintriga. Umiinit na ang mga pisngi ko.

“Isa pa, isa pa!” utos ni Nicole. Ano ba ‘yan, nahihiya na ako sa kanila. Pati ba naman sila, nadamay dito.

“Arvin!!! Pakinggan mo kami!!!” sigaw nila.

“Ano?!!!” sigaw ni Arvin sa kanila.

“Makipagbati ka na kay Colleen, sigaw n’yo, bilis!” utos naman ni Yeoj. Wow, full support talaga sila?

Sinigaw nga nila at pagkatapos n’un sumigaw na rin ako.

“Arvin, mahal na mahal kita…Sorry na!”

Nahihiya na ako dahil sa sinigaw ko. Nagtago ako sa likod ni Nicole. Nakakahiya, kababae kong tao, tapos ang lakas ng loob kong sumigaw ng ganoon sa isang kalsada. Ang dami pang mga tao at sasakyan!

“Colleen, Colleen,” sabi ni Nicole sa akin. Binaon ko ang mukha ko sa likod niya.

May sinisigaw si Arvin, pero hindi ko maintindihan kanina pa. Ang ingay ng mga kaklase ko eh. Naghiyawan sila bigla, lumalapit na raw si Arvin.

“Colleen, I love you too! Bati na tayo!!!” sigaw ni Arvin, pero nandito na siya. Malapit na siya. Sumilip ako para makita siya at maya-maya ay naglakad na ako papunta sa kanya nang nakayuko, dahan-dahan. Bigla naman siyang humakbang ng malaki para mapalapit sa akin. Niyakap niya ako. Naiiyak na ako, ano ba ‘yung ginawa ko? Nakakahiya!

“Colleen, sorry. Ano, bati na tayo?” tanong niya. I just nodded. Narinig ko namang nagpalakpakan at naghiyawan ang mga kaklase ko.

“Arvin,” mahinang tawag ko sa kanya, habang iniiipit niya ako ng yakap niya.

“Hmmm?”

“Ano ‘yung sinigaw mo kanina?” tanong ko.

“Ahhh, ‘yun ba?”

He released me from his hug and then he smiled and looked at my classmates.

“I love you, once, twice, trice.” sagot niya. Napapangiti naman ako.

“Colleen, I love you to infinity.” sabi pa niya.

Waaaaaah, naiiyak ako sa sa kilig. Sobrang nato-touch ako.

“Isa pa pala, Colleen, my love for you is stronger than the Alpha and Gamma Rays,” dagdag banat ni Arvin.

Nag-“Weeeeeh!” ang mga kaklase ko sa kanya at ngumiti nalang siya, iyong ngiting napahiya, habang tumatawa kami.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon