28

101 1 5
                                        

Matapos ang lahat ng usapan noong pasukan, hinila ako ni Georgina sa girl’s cr Habang naglalakad kami, kinuwento ko ang nangyari noong pasko.

“You’re the best live teleserye ever. So you’re willing to live with this love triangle?” tanong ni Georgina.

“Bakit? Love triangle?”

“Duh, Arvin asked you to give Dan a second chance pero kayo parin. All of you are so complicated. Tapos, ampon pa ng nanay mo si Dan.”

“I know.” nasabi ko. Kung may paraan lang para pareho silang manatili sa buhay ko, gagawin ko. Pero sabi nga nila, hindi puwedeng mamangka nang sabay sa dalawang ilog.

“I want to give Dan a second chance, pero hindi habang boyfriend ko si Arvin.” nasambit ko.

“Naku, Colleen. Mapapahamak ka sa second chance na ‘yan.”

“Georgy, sa tingin mo. Ano’ng dapat kong gawin? Napaisip na rin ako na ako nalang siguro ang dapat umalis. Kasi, nasira lang naman ‘yung relationship nilang magpinsan dahil sa akin eh.”

“Obviously, you still have feelings for Dan. Pero, Colleen nashu-shunga ka na ba? Ikaw ang aalis? Ang insensitive mo naman! Masasaktan silang dalawa.”

“Eh kahit ano’ng gawin ko, may masasaktan at masasaktan eh.” sagot ko.

“Huwag mo rin naman saktan ang sarili mo.” sabi niya.

Saktan ang sarili ko?

 “Oh, torned between two lovers.” kanta niya.

Napabuntong-hininga ako.

“Loving you both is breaking all the rules…” pakantang pagsagot ko.

Hindi ko alam kung bakit pero napatawa kami.

“Hanggang kailan ang second chance na ‘yan? Hanggang sa mag-break kayo ni Arvin?”  biglang nagseryoso si Georgina.

“E- Ewan.”

“By the way, ‘di ba sabi mo moody si Arvin?” tanong ni Georgina. Napatingin ako sa kanya, nagtataka.

“Wala lang. Moody rin kasi si Dan, pero ang napansin ko baliktad ang pagka-moody nila.”

“Paano?”

Ngumiti si Georgina mula sa salamin. Para bang nagandahan lang siya sa nakita niyang repleksyon.

“Si Arvin, most of the time busangot…bihirang ngumiti. Si Dan naman, palaging nakangiti pero kapag tinopak, parang katapusan na ng mundo.”

Napangiti ako, naglaro sa utak ko ang hitsura ni Dan kapag siya naman ang busangot. Hindi nga bagay, kasi mas sanay ako na palaging nakangiti si Dan at nawawala ang mga mata niya.

“Hayyy, sayang. Gusto ko pa naman kayong yayain ni Arvin, double date tayo.”

Nasira ang daydream ko dahil sa sinabi ni Georgina. Double date?

“Ikaw, ako, Arvin at Dan?” dire-diretsong tanong ko. Tumungo si Georgina at napailing ako.

“Pleeeeeaaaaaase! Let’s just go out as friends, nothing else. No awkwardness, tsaka don’t worry. I’ll make Dan behave well.”

Ayaw ko sana pero nadala ako sa pangungulit ni Georgina, tsaka isa pa, bakit ka tatangi sa best friend mo?

 ==

Magka-holding hands kami ni Arvin na pumasok sa mall. Masaya ako dahil pumayag siya. Sakto namang nandoon na si Dan at Georgina sa meeting place namin. Mukhang nagsasagutan pa sila.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon