27

77 1 2
                                        

So much of ignoring Arvin, it’s been a month. Within 4 days, Christmas na. Tinawagan ko siya kanina, walang sagot. Tinext, nag-message pa ako sa Facebook pero wala siyang reply. Iniiwasan kaya niya ako?

Napaisip tuloy ako sa mga pangyayari after ng cupcake launch. Minsan, gusto kong tanungin ang mundo kung bakit patuloy na masasamang bagay ang nangyayari sa akin? Alam kong independent na si Mama sa pag-handle ng business namin. Binitawan na siya talaga ng nanay ni Dan. Si Dan naman, ayun, pumupuslit para makapunta sa shop. Achievement din daw niya kasi itong maituturing.

Dahil sa naging magandang sales ng shop, masasabi kong naging “stable” ito. Unti-unti na rin siyang nagiging bukambibig ng mga tao sa Dasma. Tsaka, nailipat ni Mama ang shop sa kanto ng Sunshine Village, subdivision ito ng mayayaman. Dahil wala siyang competition at mayayaman ang mga tao doon, naibebenta niya ang kape niya ng mas mahal. Nag-level up ulit dahil balik si Mama sa mamahalin at mga dekalidad niyang ingredients.  Kung saan nakakuha ng pera si Mama, naka-utang siya sa Tita kong taga-US na Ninang ko rin. Wala na rin akong problema sa tuition fee ko kung sakaling malulugi ang shop kasi nag-promise si Ninang Jing na siya ang magpapa-aral sa akin. All is well ika nga nila.

Matatamis ang mga cupcakes, kasing tamis ng closeness ni Dan at Mama. Minsan, gusto kong magselos kasi parang anak pa niya si Dan kaysa sa akin. Pero, nilabas kasi ni Dan kay mama ang passionate baker and businesswoman side. Heto na naman sila, nag-uusap sa dining table namin. 

Yuhooo, I’m here! Gusto kong magpapansin pero ‘wag nalang.

Nakatitig lang ako sa kanila noong nag-uusap sila tungkol sa mga cake. Baka bukas-bukas, cake shop naman ang itayo ni Mama. Hay.

“Oh, Colleen. Nandiyan ka pala.” bati ni Mama pagkahatid kay Dan palabas.

“Alagang-alaga si Dan ha,” comment ko.

“Colleen, malaki ang utang na loob ko sa kanya. I know he’s your ex but…” napatigil siya.

“Sino ba’ng anak mo, si Dan o ako?”

Napatingin si Mama sa akin. I didn’t meant to say that. I bit my lips after saying that.

Freudian slips aka slips of the tongue, things that are kept on your unconscious mind unless brought to consciousness.

“Nagseselos ka ba, Colleen?”

Inaasahan kong magagalit siya o sisigawan ako pero nagulat ako sa tanong niya. Napatungo nalang ako.

“Ohhh! Sinasabi ko na nga ba!” lumapit siya para yakapin ako.

“Kasi Ma, ang daming nangyari. Parang si Dan at si Dan lang kausap mo. Tapos, hindi pa ako pinapansin ni Arvin. Alam mo ba, Ma, naguguluhan padin ako. Gusto kasi akong ligawan ulit ni Dan kaso mahal ko pa si Arvin. Ang dami kong gustong sabihin sa ‘yo kaso busy ka lagi sa business mo eh.” sabi ko habang yakap-yakap niya ako. Nagpunas muna ako ng sipon at luha.

“Ang baby ko, nami-miss pala ako.” niyakap ako ng mahigpit ni Mama.

“Eh ako, hindi n’yo na-miss?” paglingon ko, kabababa lang ni Papa mula sa hagdan. Kagigising lang niya.

“Pa!” sabi ko at yumakap sa kanya. Bihira ko na rin kasing maramdaman ang presensiya niya sa bahay. Aalis ng sobrang aga, uuwi ng sobrang gabi. Sabi ni Mama, kinuha si papa ng isang pabagsak nang kumpanya, bilang bagong Sales and Marketing Manager. Mom said they are working hard for the company kaya ginagabi siya.

Nag-group hug kaming tatlo. Na-miss ko ito. Minsan nalang namin ito ginagawa.

“Ma, kung may dapat kang bawian, hindi ako iyon.”

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon