Nagsawa akong i-approach si Arvin. Nakakasawa rin naman kasing umasa sa wala. Maayos kong natapos ang first semester. Ganoon nga siguro kabilis ang panahon. Ganoon kabilis ang panahon na walang Dan at walang Arvin sa buhay ko.
First semester in College success! Katatapos lang ng major exams pero I don’t feel relaxed at all. Ilang araw na rin ang nagdaan sa sembreak namin.
Gaano na ba katagal kami ni Arvin na hindi nag-uusap? Napansin ng parents ko na matamlay daw ako nitong mga nakaraang linggo. Just then, Arvin appeared. He was cheerful like we never had a fight.
He said I needed to come with him. May pupuntahan daw kami. Nag-commute kami, sumakay ng isang bus na pa-Dasma. Kinabahan ako sa mga possibilidad ng naisip ko. Tinatanong ko siya kung saan kami pupunta pero palagi nalang siya sumagot ng "basta".
Halos tumalon ang puso ko noong nadaanan naming ang Montessori de Dasmarinas, ang dating school ni Dan. Inaliw ko nalang ang sarili ko sa pasa-soundtrip. Bumaba kami sa isang village, sumakay ng tricycle at binaba kami nito sa isang mansion.
Pamilyar sa akin ang mansion.
“Welcome to Santos Residence,” sabi ni Arvin noong nakaalis na ang tricycle.
“Arvin!” nasabi ko dahil sa takot. Para kasing bumalik ang takot ko noong mga panahong naririnig ko ang boses ng nanay ni Dan sa telepono. Bakit nandito kami?
Hindi ito ang first time ko sa bahay nila Dan pero bakit ganoon padin ang pakiramdam ko? Para kasing may hindi magandang mangyayari.
“Ano’ng meron? Bakit mo ako dinala dito?”
“Birthday ni Dan,” sagot niya.
Napanganga nalang ako sa harap niya. Nanlalamig ako pagpasok at ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa loob ay iba’t ibang tao na kasing-edad(siguro) din namin ni Arvin. Naka-civillian clothes din sila tulad namin. Buti nalang, hindi suit and tie na nakikita ko sa mga pelikula.
Halos mapalundag si Georgina sa tuwa noong nakita ako. Nakapantalon siya, suot ang trademark belt niya at naka-sando na green. Hindi kaputian si Georgina pero bagay sa kanya ang light green shade ng sando niya.
“Colleen!” bati niya at bigla akong niyakap. Malaki ang sala nila at doon naipon ang mga kapwa naming teenager. Nakita ko rin ang fiancé ni Dan na nakasuot ng dilaw at bulaklaking dress. Umiwas siya ng tingin sa akin. Binabati si Arvin ng ibang tao. Kilala rin niya ang mga ito. May mga paikot-ikot na naka amerikana. Puno ang bahay ng iba’t ibang klase ng tao.
Umakyat kami ni Arvin, nakakasalubong padin ng madaming tao hanggang sa umabot kami sa isang terrace. Nandoon, tahimik at magkaharap na nakaupo ang nanay at tatay ni Arvin. Bigla akong kinabahan dahil ito ang unang beses ko silang makakausap bilang girlfriend ni Arvin. Nakita ko sila noong graduation at napakilala ako ni Arvin pero nililigawan palang niya ako noon.
“Ma, Pa, kilala n’yo na siya.” pagsasalita ni Arvin. Ngumiti sa akin si Dr. Hagacer. Nakipag-shake hands sa akin.
“Ang singer na si Colleen, kamusta, hija?” tanong niya sa akin.
“Ayos lang po. Ito, medyo hirap sa college,” sagot ko. Wala sa mukha niya ang katandaan ng edad niya. Palagi parin siyang nakangiti, isang tunay na kabaliktaran ng anak niyang pamisteryoso.
“Bakit hindi mo naisipang dalhin ang girlfriend mo sa bahay natin, ‘Vin?” tanong ng nanay niya. Ngumiti siya sa akin.
“Pagpasensiyahan mo na si Arvin ha, napaka-moody pa naman niyan.” dugtong niya. Napatingin ako kay Arvin. Nakatungo siya, nahihiya. Ngumiti nalang ako.
“Ayos lang po. Kilala ko naman na po si Arvin,” sagot ko. Tumingin ako sa kanya, para ma-comfort siya.
“Ma, Pa, pupuntahan lang namin si Dan.” sabi ni Arvin. Ngumiti ako ulit bago kami umalis.
BINABASA MO ANG
Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)
ChickLit"Everyday is a second chance." Book 2 of MFWH -- Genre: Romance, New Adult Language: Taglish Status: Completed Year Completed: 2014
