“Oh, Colleen? Don’t tell me na nag-break na naman kayo ni Arvin?!” pasigaw na tanong ni Georgy.
“Uhmmmm, muntik na eh.” diretsong sagot ko.
“Oh my gosh! Ano’ng tingin n’yo sa relationship n’yo? Christmas lights? Puwedeng onn-off? Gan’un?”
Natawa ako sa sinabi ni Georgy, pero sa sarili ko lang. How can she be so positive about things? She can even joke about it.
Sabi na eh, wrong idea ‘yung nangyari. Birthday ko na next month. Ano naman kaya’ng puwedeng mangyari? Can I put them on the same room without fighting?
Wala sa wisyo ko mag-celebrate ng birthday pero dahil kabarkada ko si Georgy, may plano siya. Abangan ko raw ang surprise ng mga lalaki ko. Ayaw ko talaga kapag sinasabi niyang “mga lalaki ko”. Iba ang dating sa akin.
==
Iritable siguro ako kasi puyat kaming lahat. To the highest level dibdiban na yata ito ng baby thesis. Pero, para sa grade, hala sige puyat! Dahil din siguro sa puyat kaya biglang nahimatay si Georgina kanina. Sabay namin siyang pinuntahan ni Dan sa clinic.
“Georgy, gising. Georgy, inom ka na raw ng gamot.” dahan-dahan kong pag-alog ng balikat niya.
“Ako na nga ang gigising diyan!” sabi ni Dan. Kinabahan ako sa kung anong gagawin niya. Nilapitan niya ang tulog na si Georgy, at inalog niya ng malakas at sumigaw siya,
“Hoy, bakla ka! Gumising ka na! Sakit ka pa ng ulo eh!” nagulat ako sa lakas ng boses ni Dan. Maya-maya ay nakamulat na nga si Georgy at binato niya ng unan si Dan.
“Hayop ka, Dan! Kita mong may sakit ‘yung tao!” sigaw niya.
Nagpipigil ako ng tawa pero ang kulit talaga ng dalawang ito.
“Hoy! Pasalamat ka binuhat kita papunta dito!” sigaw ni Dan. Mag-aaway na naman ba sila? Nanahimik ako, pero tumataas-baba ang balikat ko sa pagpigil ng tawa.
“Bakit? Sinabi ko bang buhatin mo ako papunta dito? Lumayas ka nga dito! Ang panget mo eh!” reklamo ni Georgy. Nanonood din pala ang school nurse sa kanila at nakita ko si Doc na papunta dito, natatawa rin.
“Aba! Baka ikaw ang panget diyan! Hindi pa ba naiimbento ang suklay sa planeta n’yo?!” pang-aasar ni Dan kay Georgy. Bigla namang nanahimik si Georgy at humiga ulit. Nakita ko agad ang nagbagong expression sa mukha ni Dan.
“Georgy, okay ka lang ba?” tanong ko. Namumutla si Georgy at sinabi niyang masakit ang ulo niya.
“Iuwi n’yo nalang kaya si Ms. Dela Cruz. Nurse, maghanda ka nga ng gate pass para makauwi na siya.” sabi ni doc.
“Georgy, uwi na tayo ha, ihahatid kita pauwi.” sabi ni Dan, biglang naging sweet ang tono.
Awwwwwwww, ang cute!
Hinawakan ko ang noo ni Georgy, ang init padin. Hindi sumagot si Georgy.
Maya-maya’y nakatulog na pala ulit ito.
“Colleen, samahan mo akong iuwi si Georgy,” sabi ni Dan.
Pumayag ako. ‘Di baling maka-miss ako ng klase. Karamay ko naman si Georgy.
Nagulat ako dahil mag-isa lang si Georgy sa bahay niya. Paano iyon? Sa pagkatatanda may kasama siyang katulong dati. Madaming bahay si Georgy, bukod pa ‘yung condo na bigay ng lolo niya na malapit sa MOA at mansion nila sa Sunshine Village.
Nakuwento ni Dan sa akin na natangay ang mga gamit ni Georgy, pati ang sasakyan na binigay ng lolo niya ay tinangay ng personal driver niya. Hindi na raw nagsampa ng kaso si Georgy dahil ayaw niyang maabala pa. Tsaka, regalo na raw niya 'yung mga nanakaw. Minsan, hindi ko maintindihan takbo ng isip ni Georgina.
BINABASA MO ANG
Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)
ChickLit"Everyday is a second chance." Book 2 of MFWH -- Genre: Romance, New Adult Language: Taglish Status: Completed Year Completed: 2014
