Wala akong nahinging pera mula kay mama at daddy nitong weekend. Wala kasi sila sa bahay. Si Kuya, nakahanap ng mauutangan ng pera. Baka raw ibenta na rin niya ang sasakyan niya na kakaregalo lang sa kanya last year. Sayang. Ako naman, heto nganga!
Nakatayo ako sa harap ng cashier pero hindi para magbayad ng tuition. Madami paring mga nakapila, last minute bayad ng tuition. Naiinis at natatakot ako. Ayaw kong mag-special exam. Tsaka, nakakahiya! Nakakahiyang mag-special exam dahil wala kaming pambayad.
Napa-dasal nalang ako. Kung ano mang mangyari, bahala na si God sa akin. Kahit ‘di sigurado kung makakapag-exam ba o hindi, nag-aral padin ako.
Pagkatapos kong magdasal at pagkamulat ko sa mga mata ko, nasa harap ko si Dan. Mr. Good timing nga naman.
“Colleen, late ka na. Bakit hindi ka pa umakyat?”
“Ahhh… Ano… Kasi… Uhmmmmm,”
Ano ba ang puwede kong sasabihin?
“Wala pa kasi akong permit eh,” iyon nalang ang sinabi ko.
“Oh? Bakit? Nawala mo ba?” tanong ni Dan na nag-aalala.
Hindi ako nakasagot. Umiling nalang ako.
“Dan, kasi… wala akong pambayad … ng tuition.” nasabi ko rin. 5 minutes nalang at 8:15 AM na. 15 minutes lang ang grace period para sa mga late. Hala. Nakakainis talaga!
Pinahid ni Dan ang tumulong luha ko. Naiiyak na pala ako. Humakbang ako palayo, madaming tao.
“’Wag kang mag-alala, mag-withdraw lang ako saglit,” sinundan ko si Dan. Tumakbo papunta sa ATM machine ng school. Pinipigilan ko siya pero nalabas na niya ang ATM card niya.
“Dan, ‘wag na! Nakakahiya! Mag-special exam nalang ako.” sabi ko. Hawak-hawak ko ang braso niya pero hindi ko siya mapigilan.
“Pumili ka, Colleen, hiya o tuition fee mo?”
“Dan! Please, nakakahiya talaga. ‘Wag na.”
“Mag-e-exam ka ngayon o patuloy kang mahihiya?” tanong pa niya.
Wala akong nasabi, nakita ko nalang na lumabas ang mga blue paper bills mula sa ATM machine.
Binilang ni Dan bago inabot sa akin. Napatitig ako doon sa mga pera.
“Akin na nga ‘yang ID mo!” sigaw niya. Tila bumalik ako sa katinuan noong hinablot niya ang ID ko. Halos wala nang nagbabayad sa cashier kaya siya na ang nagbayad.
Gusto kong yakapin si Dan noong inabot niya sa akin ang maliit na pirasong papel na hawak-hawak ang kinabukasan ko. Nagpasalamat ako at tumakbo agad-agad sa classroom. Buti nalang, umabot ako.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Dan. Bakit ang bait-bait niya sa akin? Bukod sa pera niya ang ginamit para sa tuition ko for Prelim, siya pa mismo ang nagbayad.
Ano ba kasing sapak ko kanina at napatitig nalang ako doon sa pera? Nakakahiya talaga! Nakakahiya ka talaga, Colleen!
Parang gusto kong matunaw nalang kapag naalala ko ang ginawa niya. Sinubukan kong mag-focus muna sa exams ko. Pagkatapos ng exam ngayong araw, pinuntahan ko si Georgina at kinuwento ang nangyari, mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa walang kuwenta kong reaksyon kanina.
“Bakit ‘di mo sinabi sa akin?” tanong ni Georgina.
“Eh… ewan. Hindi ko kasi alam kung sino ang lalapitan.”
“I should have paid for it, not Dan. Now, you owe him.” pagpapaalala niya.
Shocks, tama si Georgy. I owe him.

BINABASA MO ANG
Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)
ChickLit"Everyday is a second chance." Book 2 of MFWH -- Genre: Romance, New Adult Language: Taglish Status: Completed Year Completed: 2014