Photo Credit: shutterstock
Isang masayang araw ang natapos. Half-way through na kami sa baby thesis. Nakangiti kami ni Georgina dahil na-very good ang output na pinaghirapan namin. Paano ba naman, wala kaming tulog.
Nagtatawanan kami ng mga kabarkada ko palabas ng school noong biglang nanahimik si Georgina.
“Bakit, Georgy?” tanong ko. Tumingin ako kung saan nakabaling ang mata niya.
Si Arvin.
“Ayieeeeeee! Colleeeeen! Boyfriend mo!” pang-aasar ni Tania. Hinahampas-hampas ako sa kilig.
“Sige na, Colleen, puntahan mo na.” pag-uudyok ni Carla. Dahil halos ipinagtulakan nila ako.
“Ano’ng meron? Bakit ka nandito?” tanong ko.
“Bakit? Bawal ba ako dito?”
“Hindi naman, hindi ko lang ine-expect.” sabi ko. Ngumiti si Arvin at biglang gumaan ang pakiramdam ko. Actually, mas gumaan ang pakiramdam ko.
“Iba na schedule ko, kaya puwede kitang sunduin araw-araw.”
“Pero, ‘di ba sa QC ka nauwi?” tanong ko.
“Oo, pero hanggang sakayan lang hatid ko ha?” sabi niya. Tumawa ako.
“Sige na nga, pagbigyan!” sabi ko. Bigla niya akong inakbayan.
“Tara? Libre kita ice cream sa MOA,” sabi niya.
“Yay! Tara-tara!” excited kong sabi.
“Para kang bata minsan, Colleen.” puna niya sabay ngiti.
“Oo, para balance kasi ikaw naman ang tatay.”
Nagtawanan kami at masayang naglakad sa Macapagal Ave.
Katulad ng dati, kung saan-saan kami kumain ni Arvin. Nagugulat padin siya dahil sa katakawan ko. Sabi niya, mas matakaw pa raw ako sa kanya.
Nailang ako noong unang kinuha ni Arvin ang kamay ko pero naisip ko, bakit ba ako mahihiya? Bakit ako matatakot? Holding hands lang naman ‘di ba? Tsaka, boyfriend ko si Arvin. Nagpapawis ang mga kamay namin pero ayaw padin naming bumitaw sa isa’t isa.
Bakit ganoon? Pagkatapos ng week na ito, Prelim exam na namin. Wala naman akong alanganing subject, wala na rin akong dapat ipagalala dahil nakapagpasa na ako ng mga requirements pero kinakabahan padin ako. Para bang may naiwan pa akong school work. Parang may hindi pa ako napasang requirement.
“Bakit ka naman nakasimangot?” tanong bigla ni Arvin habang naglalakad kami.
“Naalala ko lang, hindi pa pala ako bayad ng tuition. Nakalimutan kong humingi ng pera kanina, exam na namin next week.” sabi ko at nagpilit ng ngiti. Tumungo lang si Arvin.
“Palibhasa kasi, wala kang tuition na binabayaran eh!” pagbibiro ko. Kinurot ko ang tagiliran niya. Sinubukan niyang umiwas kahit hawak padin ang kamay ko.
“Tama nga si Dan, sadista kang girlfriend!” reklamo niya.
Si Dan.
Bakit ba natural kay Arvin na sabihin ang pangalan niya, samantalang ako, maisip lang siya, napaka-awkward na ng pakiramdam ko?
“’Vin, kinakabahan talaga ako.”
“Bakit naman? Sa exam? Kayang-kaya mo ‘yan, Colleen. Ikaw pa!”
“Eh, hindi naman ‘yun eh. Hindi pa nga kasi ako nakakapagbayad ng tuition!”
“Eh ‘di agahan mo nalang sa Monday tapos magbayad ka agad.”
BINABASA MO ANG
Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)
ChickLit"Everyday is a second chance." Book 2 of MFWH -- Genre: Romance, New Adult Language: Taglish Status: Completed Year Completed: 2014
