17

94 2 2
                                        

Nakita ko si Arvin sa swimming pool, nakataas ang pantalon at nakababad ang mga binti. Malalim ang kanyang iniisip. Isang stockroom sa garden ang labasan ng kabilang pinto mula sa hideout. Sa nakikita ko, magandang pagpa-plano nga ang ginawa nila kung saan ito nakatayo. May daan mula sa kuwarto ni Dan at may daan mula sa garden nila.

Wala nang mga tao, naglilinis na ang mga katulong ng mga kalat. Tila wala nang buhay ang mansion nila Dan.

“Hello,” bati ni Arvin noong makita ako. Ngumiti ako at tumabi sa kanya, nag-indian sit lang ako.

“Kamusta?” tanong ko.

“Ito, nagmumuni-muni.” sagot niya. Umiwas siya ng tingin, ginalaw-galaw ang mga binting nakababad sa pool.

“Arvin, may gusto akong itanong.”

“Sige lang,”

“Close ba kayo ni Dan? Ang weird kasi eh, you know about the hideout at nakita ko ang concern mo kaninang nag-spill out si Georgina.”

Ngumiti si Arvin sa malayo, tila may naaalala.

“Close kami ni Dan dati pero nag-iba ang mga bagay noong lumaki kami. Una, naikumpara kami palagi, pangalawa dumating ka.”

Hindi ako makahinga dahil sa sinabi ni Arvin. Pakiramdam ko, napakalaki ng gulong dinulot ko.

“Gusto kong marinig ang buong kuwento,” sabi ko. Pero hindi ko alam kung handa ako. Hinakawan ko ang tubig ng pool, nilaro ng mga daliri ko. Tumingin sa paligid si Arvin, alam kong kinakabahan siya.

“Please, Arvin.” sabi ko pa.

“Magpinsan ang papa ko at papa niya.” pag-uumpisa niya. “Tapos, nagmahal ng isang intsik si Tito. Against all odds ang relationship nila dahil nga ayaw ng Chinese mag-asawa ng Pinoy.”

Narinig kong huminga ng malalim si Arvin bago nagpatuloy.

“Okay sila noong una, walang problema at madaming pera pero noong usapang negosyo na, wala na. Palagi kaming pumupunta sa bahay na ito noon para makalaro ko si Dan. Hindi rin kasi ganoon kasaya ang childhood niya.”

Tiningnan ko ang mukha ni Arvin, malungkot ang mga mata niya.

“Kaya naisipan ng papa ko na dapat, palagi kaming magkikita. Kapag kasi nandito kami, naliligtas si Dan sa palo ng papa niya. Ewan ko ba d’un. Hindi anak ang tingin niya kay Dan, palagi nalang niyang sinaktan at nililipat ang galit kay Dante Jr.”

“Ang mama naman niya, business man ang tingin sa kanya. Bata palang, sinanay nang maging madamot si Dan.”

Natawa ako. Siguro kasi, hindi iyon ang pagkakilala ko sa kanya. Si Dan, madamot? “Hindi ako nagbibiro ha,” pagputol ni Arvin sa tawa ko.

“Alam ko,” sagot ko at ngumiti nalang siya sa akin.

“At iyon nga, pumasok ang high school, naging sunod-sunod ang achievement ko samantalang si Dan, nakilala sila kuya Anthony at mga kabarkada niya ngayon. Naging bad-boy ang tingin nila kay Dan pero hindi maisip ng mga magulang niya na kasalanan din naman nila kung bakit naging ganoon ang anak nila.”

Galit ang tono ng pananalita ni Arvin. Ito siguro ang dahilan kaya matindi ang pag-aalala ni Arvin kay Dan kahit pa naging magkaaway sila dahil sa akin.

“Nagkakausap padin kami ni Dan, hanggang sa isang araw natanong niya kung bakit galit na galit ako noong pumunta tayo sa school nila. Tinanong niya kung girlfriend daw ba kita at daig ko pa ang isang asawa magselos. Sinabi kong hindi pero hindi ko sinabi sa kanyang gusto kita.”

Tinitigan ako ni Arvin. Tumingin lang ako pababa. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang pakinggan ang pagpapatuloy ng kuwento.

“Tanda mo iyong panahong magka-chain kayo ni Dan sa MDD? Noong nag-quiz bee tayo?” tanong ni Arvin.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon