Umupo si Dan sa tabi ng mama ko at tiningnan ang mga papel na nakakalat sa table. Maya-maya’y nag-uusap na sila. Seryoso ang mga mukha nila. Dahil pakiramdam ko na-out of place ako, lumapit ako sa kanila at umupo rin doon. Tutal, pang apatan naman ang table nila eh.
“Sure na po ba kayo na ito na lahat ng resibo? Tsaka, na-monitor n’yo po ba lahat ng paglabas at pagpasok ng pera?” tanong ni Dan kay mama.
“Oo naman. Ako ang namahala ng mga iyon. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kami biglang nalugi. Maayos naman ang pagpa-plano namin tsaka sinunod namin lahat ng tips ng mama mo.” sagot ni mama. Nakinig nalang ako sa conversation nila.
“Puwede ko po bang makita ang laptop n’yo?” tanong ni Dan sa mama ko. Nagkatinginan naman kami ni mama. Mukhang masaya si mama at appreciative sa mga ginagawa ni Dan.
Gusto kong lagyan ng kulay ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung ginagawa ba niya ito para mapalapit sa mama ko at sa akin o ginagawa niya ito dahil gusto lang niya talagang tumulong.
“Saglit lang po ha, pakiramdam ko, makukuha ko rin ito.” sabi ni Dan. Pinanunod ko lang siya habang pinag-aaralan ang mga papel at laptop ni mama. Palipat-lipat ang singkit niyang mga mata mula sa mga papel, sa laptop, minsan sumusulyap sa akin tapos balik trabaho. Nacu-curious tuloy ako dahil sa mga tingin niya. Napahikab bigla si Dan. Nanghingi si Mama ng cup of roasted coffee para sa amin. Kinuhaan pa ako, nakatunganga lang naman ako dito.
“Ayun! Gets ko na po!” sabi bigla ni Dan.
“’Di ba po may competition kayo?” tanong ni Dan. Napatingin ko doon sa coffee shop sa kabilang street.
“Oo, nagbukas sila month after we opened this shop.” sabi ni mama.
“Ang napansin ko po kasi sa financial statement n’yo, masyadong mahal ang ginastos n’yo for renovation and materials. Even costs of ingredients,” napatigil si Dan, nag-scroll down sa excel sheet ng financial statement na tinatawag nila.
“Tapos, ang pricing ng bawat product ay reasonable naman, malaki ang makukuhang tubo pero may isang bagay po kayo na na-over look.” pagpapatuloy ni Dan.
“Ano naman ‘yun?” sabay naming tanong ni mama.
“On the first month, maganda ang kita ninyo. I assume na humina ito noong binuksan ‘yung coffee shop sa kabila,” sabi niya.
“Exactly! The solution I thought of is improving the coffee’s taste and aroma kaso failed padin.”
“Mrs. Mateo, would you mind if I’ll take a look at the shop next door?” tanong bigla ni Dan. Nagkatinginan kami ni mama. What’s he up to?
“Uhmmm, sige.” sagot ni mama.
“Napakatalinong bata,” comment ni mama paglabas ni Dan ng coffee shop namin.
“Ma?” tanong ko.
“Oh bakit? Isipin mo, batang kasing-edad mo, alam na alam ang pasikot-sikot ng isang business. He’s too straight to the point, sinasabi niya ang mga bagay na sa tingin ko napansin ng dad mo pero takot lang sabihin sa akin.” sabi niya, sinisilip niya ang laptop niya.
“Kasi ma, kapag kinontra ka ni Daddy, inaaway mo agad.” sabi ko. Tumingin lang ng masama sa akin si Mama at bumalik sa laptop niya. Hay salamat, ‘di nagalit.
“Ikaw, Colleen. Bakit hindi mo alam ang mga ganitong bagay?” tanong ni Mama.
“Ma, may dahilan kung bakit Psychology ang course ko.” madiin kong sinabi.
“Sa tingin mo, si Arvin may alam sa mga ganito?” tanong niya.
“Siguro, BS Math course n’un with Financial chu chu. Basta, related din sa finance.” sabi ko.

BINABASA MO ANG
Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)
ChickLit"Everyday is a second chance." Book 2 of MFWH -- Genre: Romance, New Adult Language: Taglish Status: Completed Year Completed: 2014