10

117 1 4
  • Dedicated kay Shayne Ambe Martinez
                                        

“Good morning, hello!” bati ko kay Georgina na busy sa paggawa ng homework namin sa Algebra. Masaya na naman ang umaga ko kaya ngiting-ngiti ako. Monday, first day of the week. Hindi naman siguro masamang ngumiti ‘di ba? Kahit nagkalabuan kami ni Arvin kagabi.

“Hi, how’s your date? I mean, phone date.” ang unang tanong niya. Kapag hindi namin kayang magkita, nagde-date kami ni Arvin through any kind of technology, mapa-Skype or phone call. Basta magkausap kami. Ayos na.

“As usual, started well, ended unwell.” sagot ko. Binaba ni Georgy ang ballpen niya at tumingin sa akin.

“Seriously?”

Tumungo ako.

“So, I am assuming na nag-away na naman kayo or you’re in a cool-off or naghahamon ng break-up si Arvin?”

Umiwas ako sa tingin niya.

“Hindi kami nag-away, hindi lang siya nate-text sa akin.”

For the past 24 hours.

“Baka naman kasi sobrang busy ng tao!” sagot ni Georgy. Nainis ako sa sinabi niya, na para bang napakasimpleng dahilan iyon na puwede kong basta-basta palampasin. Ilang lingo mula noong gabi namin sa Starbucks, weird na naman ang state ng relationship namin.

Arvin is naturally sweet pero iba ang pagiging moody. Ang bilis din niyang magalit sa mga simpleng bagay. Dala ba iyon ng stress? Alam kong pare-pareho lang naman ang mga College students na nahihirapan eh. Pero sa kaso ni Arvin, kailangan kong intindihin na may scholarship siyang inaalagaan. Na kahit masakit tanggaping pangalawa lang ako sa scholarship niya. Ayos lang naman sa aking maging pangalawa sa buhay niya dahil alam kong mas importante ang pag-aaral namin. Nasasaktan lang ako kapag nararamdaman kong minsan, parang hindi ko na siya boyfriend at hindi na ako ang girlfriend niya.

Hindi naman siguro pabigat ang kalahating minutong pag-encode ng “Good morning” sa cell phone, ‘di ba? Ang aga-aga ng pagda-drama ko. Hay nako, nakakainis. Nakangiti na ako kanina eh!

Nakarating kay Dan ang balitang nag-aaway na naman kami ni Arvin. Siyempre, dahil kay Georgina. Tumabi si Dan sa table naming noong lunch time. Busy siya sa pagta-type ng isang assignment sa laptop niya habang kumakain ako. Si Georgina naman, gumagawa naman ng ibang homework.

Nahuhuli kong sumusulyap si Dan sa akin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pero nahihiya ako. Gusto kong makausap si Dan. Gusto ko siyang sabihan na lumayo sa akin dahil sa totoo lang, ang pagseselos ni Arvin kay Dan ang madalas na ugat ng mga away namin.

Palibhasa, alam ni Arvin na mag-best friend si Dan at Georgina. Palaging nakadikit sa akin si Georgina at dumidikit naman sa kanya si Dan. Kaya palagi rin kaming magkakasamang tatlo. Alam kong awkward pero ang presence ni Georgina ang palaging nagpapagaan ng pakiramdam kapag nandiyan sa paligid si Dan. Siguro, nasanay nalang ako.

“Guys, I think I have to go to the library. Wanna come with me?” tanong ni Georgy.

Himala, mag-aaral ang loka.

“Wow, mag-aaral ka?” tumigil si Dan sa pagta-type at tinitigan ang patayong si Georgy.

“Duh, hindi. Maghahanap ng lalaki.” sagot ni Georgy. Bitbit na niya ang shoulder bag at nagpaalam ulit sa akin. “Lib lang ako, Colleen. Bye.”

Sa isang sulyap ay wala na siya sa loob ng cafeteria. Tinitigan ko ang lalaking nasa harap ko. Tumitig lang din siya sa akin. Tila may gustong sabihin ang mga mata niya.

“Dan,” nasabi ko. Tumingin lang ulit siya, naghihintay.

“Ano…” mas mahirap pa pala ito kaysa sa inaakala ko.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon