NICK
Halos hindi siya makapaniwala kung paano kumilos ang babae. Mala black belter ang mga galaw nito at walang takot na nakipag laban sa limang bandido na walang kahit anumang sandata kundi ang mga kamay nito.
"Who is she? "
Tanong niya sa sarili hindi niya makita ng maayos ang mukha nitong natatabunan ng mahaba nitong buhok. Ngunit isa lang ang kanyang napansin. Matangkad ito para sa isang tipikal na babae. She's also have a fair and long legs that shapely in a good way. Maluwang ang suot nito ngunit hindi maitatangging sexy ang babaeng animo master ng kung Fu kung kumilos at makipaglaban. At doon pa lang ay napapahanga na siya rito. First time in his life na makakita ng babaeng magaling makipaglaban ng aktuwal. Aaminin niyang nakuha nito ang kanyang interest at atensyon.
"Bitoy, dalhin natin sila sa loob ng isla! "
Sukat sa sinabi nito ay bumaling ito sa kanya. Napasinghap siya ng makita ng malinaw ang mukha nito. She has a pair of amazing eyes a pointed nose and a luscious pinkish lips. She was a goddess a beautiful one ...
"Ikaw!anong tinitingin-tingin mo dyan? "
Asik nito sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay nito ngunit hindi man lang nabawasan ang itinatagong ganda nito.
"Nothing, gusto ko lang magpasalamat sa pagligtas mo sakin. "
Nakangiti niyang wika dito. Nang bigla itong tumigil sa paglalakad at paghila sa kanya. Kinalagan na nito ang kanyang mga paa kanina ngunit ang kanyang mga kamay ay nanatiling nakagapos. Nabigla siya ng tingnan siya nito ng masama.
"Wala akong balak na iligtas o tulungan ka. Nagkataong dito kayo sa isla namin napadpad, at kinakailangan kung ayusin ang gulong dala ninyo! "
Napasipol siya at napangiti sa katapangan ng babae. Nararamdaman niyang may thrill itong kasama.Hindi siya sumuko sa pakikipag-usap rito.
"By the way, may I know your name? "
"Tumigil ka kung ayaw mong gilitan ko yang dila mo, sa lahat ng ayaw ko ay ang maingay. Hindi ako nakakapagtimpi tandaan mo yan! "
Muling asik nito sa kanya. At sa mga sandaling ito ay pinigilan niya ang sarili na huwag umimik. She's different at nais niya itong paamuin.
MAYUMI
Malapit na akong mabwisit sa lalaking ito, napakadaldal kung hindi lang siya magandang lalaki nunkang mapasalita at pagtuunan ko siya ng pansin.
Oo, humahanga rin siya, alangan! babae lang naman siya at may nararamdaman. Ngunit hindi niya malaman kung bakit ngayon lang siya kinabahan ng husto sa lalaking napadpad rito. Ibang klase iyon ng kaba na hindi niya maipaliwanag. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa kanyang itsura. Para siyang basahan kung ikukumpara sa makisig na estrangherong ito. Lihim niya itong pinagmasdan at hinagod ng tingin. Kung akala niyang matangkad na siya sa taas na limang talampakan at siyam na pulgada ay nagmukha parin siyang pandak sa tabi nito. Sa tantiya niya nasa anim na talampakan at dalawang pulgada ang tangkad nito. Mahusay ang katawan nito na batid niyang epekto ng mga de kuryenteng kasangkapan. Natural dahil sa bundok at probinsiya lamang uso ang mag-igib at magsibak ng kahoy, at sa itsura ng lalaki nunkang mapahawak mo ito ng malakalabaw na trabaho. Napaismid siya sa naisip. Wala sa bokabularyo niya ang humanga sa isang estranghero na mukhang sosyal.NICK
Hindi siya maaaring magkamali. Isang tribo. May tribo sa loob ng islang ito at doon sila dinala ng babae. Ang mga lalaki roon ay tanging mga bahag lamang ang suot. Samantalang ang mga babae ay sa moderno ng damit ang mga kasuotan katulad ng babaeng ito na nagdala sa kanila dito.
"Tata iloy, sila ang mga estrangherong natagpuan namin sa pantalan. Ang limang iyan na hila-hila ni bitoy ay mga bandido,at ang isa naman na ito ay maaaring bihag nila na tinangkang pagnakawan. "
Mahabang paliwanag nito sa pinakamatanda sa tribong iyon.
"Masasama pala ang limang iyan. Kailangang turuan ng leksyon. Anong gusto niyo ipakain sa pating o sa buwaya? "
Sukat sa sinabi ng matanda ay nanginig ang limang bandido, maging siya ay nakaramdam din
ng takot. Alam niyang ang ganitong uri ng mga tao ay hindi nagbibiro.Napangiwi siya ng sabay sabay na umatungal ang mga bandido,at labis ang paghingi ng tawad.
"Tatang, magbabago na ho kami,bigyan niyo lamang kami ng isa pang pagkakataon. Lilisanin namin ang lugar na ito at pangakong walang makakaalam kung gaano kaganda ang paraisong ito. "
Mahabang pakiusap ng pinuno ng mga bandido.
Mabilis na tumango ang matanda."Tata iloy, wag mong sasabihing pakikinggan mo sila, tandaan mong mahirap ang magtiwala sa mga yan! "
Mahigpit na tanggi ng babae. Muli niya itong tinitigan larawan ito ng matapang at malakas na nilalang. Maging ang mga kilos nito ay sadyang ibang-iba sa mga kilos ng mga babaeng nakasalamuha niya.
"Nakapag-desisyon na ko pabalikin na ang limang iyan sa kani-kanilang pinanggalingan. At ang isang ito ay mananatili rito hanggat wala pang maayos na masasakyan pabalik. "
Napakibit balikat siya ng muling titigan ng masama ng babae.
Inutusan ng matanda na kalagan na siya, at tila labag iyon sa kalooban ng babae."At dahil pinahintulutan ka ng aming pinunong manatili rito. Wag na wag kang magbubuhay senorito dito lalaki. "
Napangiwi siya sa sinabi nito. Napakailap nito,ngunit hindi niya mapigilang humanga.
"Sisiguraduhin ko sayo na hindi ako ganoon. Binibini. "
Napasinghap ito at mabilis na lumayo sa kanya.
MAYUMI
Nakakuyom ang aking mga kamay habang tinatanaw ang mga papalayong bandido. Pinahintulutan ng aming pinuno na makaalis ang mga ito gamit ang mga kawayang
pinagtagpi-tagpi para makagawa ng isang balsang kakayanin ang bigat ng mga pangahas. Samantalang ang isang estranghero ay pinaiwan at itinuturing pang espesyal ni Tata iloy ang kanilang pinuno sa tribong ito. At ang sasakyan lang naman nito ay ang hindi pa natatapos na bangkang pinaghihirapan nilang buo-in at ayusin. Napakaswerte naman ng kumag na iyon.
Napalingon siya sa lalaki tumatawa ito sapagkat nakikipagharutan sa mga bata na lihim niyang ikinamangha, sapagkat mailap ang mga tao sa tribong ito, paanong nakuha agad ng lalaking ito ang loob ng mga tao sa islang ito?"Yumi,ang gwapo niya pala noh?"
Inirapan niya ang nagsalitang si bitoy.
"Huwag mong sabihing pati ikaw, naaakit ng lalaking iyan? "
"Hindi naman sa naaakit, humahanga lang ako sa kanya nais kong maging sing gwapo at kisig niya paglaki ko. "
Ginulo niya ang buhok nito.
"Yon ay kung lalaki ka pa, pandak mo kaya. "
Napahalakhak siya ng umasim ang mukha nito sa pagbibiro niya. Napalingon ang lalaki sa kanyang ginawa at doon sabay na nagtama ang kanilang mga mata. Nabura ang kanyang ngiti ng biglang gumuhit sa kanyang dibdib ang mabilis at malakas na tibok na animo tumakbo siya at hiningal ng todo.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin ng ngitian ng lalaki. Aaminin niyang lalo itong naging
kaakit-akit sa kanyang paningin.
BINABASA MO ANG
The Intruder (completed)
General FictionNicholas Billientes aka nick, was a famous painter slash photographer. He's also an active adventurer. Mountain climbing and hiking anywhere. Cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar, kung saan makikilala niya an...