PART 6 (Pagbabalik-tanaw)

3.4K 82 0
                                    

MAYUMI

Sa katahimikan ng gabi ay naisipan kong lumabas para sumagap ng sariwang hangin sa tabi ng dalampasigan. Napatingin ako ng madaanan ko si nick nakahubad ng damit pang-itaas ang lalaki at tila mahimbing ng natutulog. Napasinghap ako ng makitang gumalaw ang lalaki, mabilis ko siyang iniwan at naupo sa mga batuhan. Napakaganda ng lugar na ito napakatahimik at matiwasay. Tumingala ako sa kalangitang punong -puno ng mga nagkikislapang bituin. At hindi ko napigilang bumalik ang mga ala-alang naging dahilan kung bakit ako napadpad sa lugar na ito.

Isa akong kilalang abogado sa aming lugar, hanggang sa may lumapit at humingi ng aking tulong. Isang matandang igorot, hapis ang mukha at mababakas ang kahirapan sa buhay. Hinarang niya ang kotseng sinasakyan ko pauwi sa aming mansion. Tumigil ako sa pagmamaneho at bumaba ng sasakyan.

"Ano hong maipaglilingkod ko tata? "

"Tulungan mo kami attorney. "

Lumuhod ito sa kanyang harapan at nagmakaawa. Hinawakan niya ito at inalalayang tumayo.

"Ano ang kailangan kong gawin para matulungan kayo? "

"Nais kamkamin ng gobernador ng lalawigang ito ang islang nagsisilbing tirahan namin sa napakaraming  taon na
lumipas...hindi kami
sumang-ayon kaya napahamak ang iba naming kasamahan,walang awa silang pinaslang ng gahamang gobernador!"

Tuluyan itong lumuha naikuyom niya ang mga kamay. Kilala niya ang gobernador na tinutukoy nito. Ito ang lalaking muntik ng gumahasa sa kanya noon.

"Tutulungan ko kayo tata, hindi ako makakapayag na angkinin niya ang lugar ninyong iyon. "

Umabot sa korte ang bagay na iyon. At dahil maimpluwesya ang gobernador ay natalo ang kasong inihain nila. Ngunit may idinulot namang mabuti iyon. Hindi nito tuluyang inangkin ang isla. Batid niyang nagpapabango lang ito ng pangalan dahil sa mga inihain niyang reklamo na marami itong napatay. Hinayaan nito ang isla na manatili sa mga igorot, ngunit kasabay ng nangyaring iyon ay itinakwil siya ng mga magulang. Nais ng mga itong magpakasal siya sa binatang gobernador na matagal ng nanliligaw sa kanya, ngunit tinanggihan niya iyon.
Tuluyang lumamlam ang kanyang karera at natagpuan na lamang niya ang sarili sa pugad ng mga igorot. Matagal siyang namuhay kasama ang masasayang tao na ito. At doon nakaramdam siya ng kapanatagan ng loob.

"Malamig na,bat lumabas ka? "

Napasinghap siya ng makilala ang tinig na iyon.

"Bumalik ka na sa kubol mo mayumi baka magkasakit kapa. "

Muling nagrigodon ang kanyang dibdib sa sinabi nito. Kung gayon sinundan siya ng lalaki.

"Nais kong mapag-isa. "

Taboy niya rito ngunit hindi ito natinag sa kinatatayuan. Bagkos ay lumapit ito sa kanya at naupo rin sa batuhan.

"What are you doing, hindi mo ba narinig ang sinabi ko? "

Nakita niyang napangiti ito batid niya kung bakit. Matagal niyang pinipigilan ang sariling magsalita ng banyagang wika simula ng tumuntong siya sa islang ito, at hindi niya napigilang isigaw iyon sa makulit na lalaki.

"Na-stranded ka rin ba sa islang ito? "

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Wala kang alam, at ayokong magpaliwanag. "

Tumayo siya at akmang aalis ng hawakan nito ang kanyang kamay.

"I knew it, malaki ang rason mo kung bakit ka nananatili sa islang ito mayumi, at kung ano man iyon all I can say is, I admire you a lot because of that. "

NICK

Dahil sa sinabi ko ay lumambot ang ekspresyon ng mukha ni mayumi. Mababanaag sa kanyang maamong mukha ang mga luhang nais kumawala.

"Cry...you have to cry mayumi para gumaan ang pakiramdam mo, kung anuman ang mabigat na problemang dinadala mo. "

Sukat sa sinabi niya ay yumakap ang dalaga sa kanya at umiyak ito sa kanyang mga balikat. Masuyo niyang hinagod ang likod nito.

"Tell me what is it? "

Lakas loob niyang tanong sa dalaga.

"Naaawa ako sa kanila nick, wala na kong impluwensya para protektahan sila kung muling dumating rito ang mga taong nagnanais na angkinin ang islang ito. Tinanggalan nila ng lisensiya ang pagiging abogado ko, at wala na kong magagawa para tulungan silang manatili sa islang ito.

Napapikit siya sa narinig, kung ganoon isang mabuting abogado si mayumi at ang tanging hangad ay ang matulungan ang mga igorot na ito. Tinanggalan ito ng lisensya dahil ito ang kinampihan niya laban sa maimpluwensyang tao.

"Hindi ko pinag-sisisihang tinulungan ko sila nick, ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit nagawa akong itakwil ng pamilya ko sa kabila ng lahat. "

Humagulhol ito, at wala siyang ibang nais gawin kundi ang yakapin ito ng mahigpit. Nasasaktan siya sa nakikitang paghihirap ng dalaga.
At nais niyang maibsan ang paghihirap nitong iyon.

"Tutulungan kita mayumi, magtutulungan tayo para hindi mawala ang islang ito sa kanila. "

Sukat sa sinabi niya ay tumigil ito sa paghikbi at tila hindi makapaniwala ng titigan siya.
Nakangiti niya itong tinanguan.

"You heard it right? "

Napangiti siya ng yakapin nito ng mahigpit.

The Intruder (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon