MAYUMI
Sa kabila ng lahat ay hindi ko namalayan kung paanong muling nakarating sa islang ito.
Masaya at nakangiti ang lahat ng salubungin nila ako na puno ng pag-asa."Mayumi...mabuti at nakauwi ka ng ligtas, ngunit nasaan si nick? "
Nakakunot ang noo ni bitoy ng tanungin siya. Ginulo niya ang buhok nito at nginitian ang lahat ng igorot na nasa kanyang harapan. Batid niyang
nag-aantay lamang si tata iloy sa kanyang mga paliwanag.
Huminga siya ng malalim para hindi gumaralgal ang kanyang tinig. Pinilit niyang ngumiti, ayaw niyang magalit ang mga ito sa binata dahil siya ang kusang umalis." Tata iloy...umalis ho ako ng walang paalam kay nick, marami siyang problema at ayoko na iyong dagdagan pa. Huwag kayong mag-alala mananatili ang islang ito sainyo pinapangako ko iyon. "
Pinigilan niya ang sariling umiyak sa harapan ng mga ito.
"Naiintindihan kita mayumi, maraming salamat at kapakanan parin namin ang inaalala mo. Ang tanging hangad lang namin ay sana masaya ka sa mga desisyong gagawin mo."
Tinanguhan niya ang matanda.
"Alam kong may problema ka mayumi ...nag away ba kayo ni nick? "
Tuluyan akong napaiyak sa harapan ni bitoy kami na lamang dalawa ang natitira sa labas.
"Mahal ko na pala siya bitoy. Umalis ako ng walang paalam sa kanya dahil hindi ko kayang makita na may mahal siyang
iba. ""Nararamdaman kong may pagtingin din siya sayo
mayumi. "Mabilis siyang umiling sa sinabi nito.
"Nararamdaman kong babalik siya dito...at yon ay dahil gusto ka rin niya. "
Natigilan siya sa sinabi nito, aasa na naman ba siyang muli?
Maaaring bumalik nga si nick, para ibigay ang tulong na pinangako nito, ngunit hanggang doon lamang, hindi para sa
pag-ibig na hinahangad niya."Kung babalik ba siya mayumi at magtapat sayo tatanggapin mo ba si nick? "
Napatingin siya sa binatilyo, salat man sa kaalaman ang mga ito ngunit marunong silang umintindi ng nararamdaman ng isang tao. Napailing siyang muli. Hindi mangyayari ang sinasabi ni bitoy...ngunit pagbibigyan niya ang kanyang sarili aantayin niya ang pagbabalik ni nick. Aantayin niya kung ano ang mga nais sabihin sa kanya ng binata.
"Hihintayin ko kung babalik pa siya bitoy. "
Buo at pinal niyang sinabi sa harapan nito.
NICK
Hinalughog ko ang buong kabahayan ngunit wala talaga si mayumi. Lumabas ako at nagtanong sa mga gwardyang naroon ngunit kanina pa raw nakaalis ang dalaga.
"Damn! "
Mahina kong minura ang aking sarili. Umalis si mayumi dahil sa kapabayaan ko. Umalis ako ng walang paalam at maaaring nakita niya ang tagpo namin kanina ni ellain sa kusina.
Mabilis kong binalot ang pera at mga damit na kakailanganin ko sa pag balik sa isla. Nais kong magpaliwanag sa kanya. At ang ipinangako kong tulong sa mga igorot. At sa aking pag babalik sa islang iyon ay magtatapat na ako kay mayumi.
Nagkaliwanagan na kami ni ellain unti-unti na niyang natatanggap ang aking desisyon. Mabuti siyang tao at naiintindihan niya ako.Isasara ko na sana ang zipper ng aking maleta ng biglang tumunog ang aking telepono. Napakunot ang aking noo ng makitang numero iyon ng aking ina. Kinakabahan ko iyong sinagot.
"Hello ma? "
Sa halip na ang kanyang ina ay ang boses ng panganay na kapatid ang kanyang narinig.
"Nick, you have to came here ...!"
Nagpapanic ang tinig nito kaya lalo siyang kinabahan.
"Anong nangyari sa kanya Alfonso? "
"Dito na kami magpapaliwanag...hurry up bro! "
Napamura siya ng tuluyan nitong patayin ang linya.
Hinila niya ang maleta palabas. Nakapag desisyon na siyang dadaanan muna niya ang ina bago bumalik sa isla. Dahil sa klase ng kanyang trabaho ay nakalimutan na niyang may mga magulang pa pala siya. Bihira na niyang madalaw ang mga ito at batid niyang nagtatampo na rin ang kanyang mama at papa.
Mabilis kong binuhay ang makina ng aking sasakyan at pinaharurot iyon patungo sa aming mansion.
Napasinghap ako ng makitang nakahiga ang aking ina sa malaking kama at may mga dextrose na nakakabit sa kanya.
Mabilis ko siyang nilapitan at hinalikan ang kanyang noo, nginitian niya ako at ginagap ang aking kamay."What's wrong ...what happened?"
Hindi ko napigilang mapaluha sa kanyang harapan. I used to be mom's favorite child at mas malapit rin ako sa kanya.
"Don't cry gagaling lang ako. "
Pilit niyang inabot ang aking mukha at pinahid ang mga luha doon.
"Mom...I'm sorry kung ngayon lang ako muling nagpakita sainyo. "
Naramdaman niya ang mahinang pagtapik ng kapatid sa kanyang balikat.
"Inatake si mom sa puso mabuti at naagapan namin siya, ayaw niyang magpa admit sa hospital kaya pinatawagan na lang namin ang kanyang personal doctor. Nais kang makausap ni dad, he's really angry with you bro. "
Mahabang paliwanag nito sa kanya. Napahinga siya ng malalim. Batid niyang sesermonan na naman siya ng ama. Pinuntahan niya ito sa sariling opisina. May sariling opisina ang ama sa kanilang bahay, kahit matanda na ito ay malakas at aktibo pa rin ito sa pagiging board of director ng kanilang kompanya.Ang kapatid na si Alfonso ang kasalukuyang CEO na niyon ngayon.
Kinatok niya ang pinto ng makarating sa private room ng ama."Come in. "
Mabilis siyang pumasok at naupo kahit hindi nito pinapahintulutan.
"Pinapatawag niyo raw ako
dad? "Bumangis ang anyo ng kanyang ama.
"Kung walang nangyari sa mama mo ay hindi mo maiisipang umuwi rito. Napaka walang kwenta mong anak! "
Bulyaw nito sa kanya.
"May trabaho akong dapat ayusin dad, pasensya na. "
Pakumbaba niyang sagot sa ama.
"Wala kang makukuha sa pagpipinta mong iyan nick...why don't you try to manage our company, iyon ang nais kong gawin mo. "
Natigilan siya sa sinabi nito.
"But Alfonso already manage the company. "
"Ikakasal na ang kapatid mo at batid kong alam mo iyon, nakikiusap ako nick kahit isang taon subukan mo lang. "
Humina ang tinig ng kanyang ama ngayon lang niya ito nakita na nakikiusap sa kanya. At pagbibigyan niya ito.
"I tried...pero hindi muna sa ngayon dad, may kailangan muna akong ayusin. "
Tinanguhan siya ng ama at nginitian.
"Aasahan ko ang sinabi mong iyan nick. "
Tinapik nito ang kanyang balikat. Sabay silang lumabas at tinungo ang ina.
"Mom, may pupuntahan lang ako saglit, but I promise you babalik ako. "
Hinalikan niyang muli ang noo ng ina, ngunit mahigpit nitong hinawakan ang kanyang mga kamay.
"Wag kang umalis nick, dito ka lang sa tabi ko...I really miss you son. "
Nakikiusap ang kanyang ina at ayaw niya itong biguin.
May paraan para matulungan niya ang mga igorot...ngunit paano na si mayumi?"Nick ..."
Nag-aantay ng sagot ang kanyang ina.
"Yes ma, I won't leave you. "
Nang makatulog ang ina ay mabilis niyang tinawagan ang tapat nilang tauhan. Ito ang uutusan niyang mag-dala ng pera sa isla para ibigay iyon kay mayumi,at sa cheque na iyon ay may kalakip na liham. Isang liham na naglalaman ng tunay niyang nararamdaman sa dalaga. At ang pangakong babalikan niya ito sa isla.
BINABASA MO ANG
The Intruder (completed)
General FictionNicholas Billientes aka nick, was a famous painter slash photographer. He's also an active adventurer. Mountain climbing and hiking anywhere. Cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar, kung saan makikilala niya an...