NICK
Malakas kong naikuyumos ang mga papel na hawak ko, ang mga papeles sa aking mesa ay tumilapong lahat dahil sa ginawa kong pag tabing roon. Galit at tampo iyon ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito matapos na marinig ko sa aking tauhang inutusan na hindi tinanggap ni mayumi ang pera na para sa mga igorot, ni hindi daw nito
pinag-kaabalahang basahin ang liham na aking ginawa. Napapikit ako ng mariin ng sabihin ng aking inutusan na tuluyan ng sumama si mayumi sa gobernador na iyon at
pinag-uusapan na raw ang kasal ng dalawa. Nakuyom ko ang aking mga kamao,kung gayon mali ang iniisip at nararamdaman kong may pagtingin sa akin si mayumi. Nang gabing inangkin ko siya, I see passion and desire to her eyes at ako pa lang ang
pinag-alayan niya ng kanyang sarili. Marahil nagbago na ng isip si mayumi napagtanto siguro niya na mas mahal niya ang gobernador na iyon. Pinigilan niya ang sariling sumigaw nasa loob siya ng opisina ngayon at ayaw niyang mag eskandalo."Makakaalis ka na, maraming salamat sa impormasyong ibinigay mo. "
Tumango ang kanyang inutusan at mabilis na umalis, hindi ito makatingin ng deretso sa kanya, batid niyang nahihiya ito sa kinalabasan at natatakot sa nasaksihang pagwawala niya sa loob ng opisina. He couldn't blame his self, napamahal na siya kay mayumi ngunit nabigo siya.
Mabilis kong tinawag ang sekretaryang ibinigay saakin ni Alfonso, bakas sa mukha niya ang kaba at pagtataka ng maabutan ang kalagayan ng opisina."Sir...what happened? "
"Clean it all Marie, then cancel all my appointment for today is that clear? "
Dumagundong ang kanyang tinig sa apat na sulok ng silid. Mabilis at natataranta itong tumango sa kanya.
"I heard it clearly sir. "
Mabilis na akong umalis roon at mabilis na pinaharurot ang aking sasakyan patungo sa aking condo unit kung saan una kong naangkin si mayumi. Pabalya kong binuksan ang pinto niyon. Mabilis akong kumuha ng alak at wala sa sariling tinungga iyon. Every part of me were broken into pieces. Ang bilis naman akong kinalimutan ni mayumi.
"Damn! "
Basag ang bote ng alak ng malakas ko iyong ihagis sa pader. Just like the bottle, he's also broken into pieces. Walang ibang babaeng nakapa miserable sa kanya ng ganito kundi si mayumi lang.Nais niyang bumalik sa isla ngunit para saan pa mapapagod lang siya dahil hindi niya na muling makukuha pa si mayumi. Ikakasal na ito at wala siyang karapatang guluhin ang kaligayahan nito. Mapait siyang napangiti.
MAYUMI
It's already one month mula ng umalis ako sa isla,at pinag hahandaan na ang nalalapit naming kasal ni Tim. Umaasa pa rin akong magpapakita si Nick ngunit hindi nangyari iyon. Pagod na ang puso kong mag hintay. Kailangan ko ng pagtuunan ng pansin si Tim, kailangan ko ng turuan ang puso ko at pag-aralan siyang mahalin. Mariin akong napapikit ng makaramdam ng hilo, narito kami ngayon sa isang sikat na fashion designer para masukatan at makapamili na rin ng design sa aking magiging wedding gown. Mabilis niya akong inalalayan ng mapansin niyang nanghihina ako. Sa mga nakalipas na araw ay nakikita ko ang magagandang pag-uugali ni Tim.He's responsible and dedicated. Maalaga rin siya at hindi niya nakakaligtaang dalhan ako ng paborito kong bulaklak. Paano kung si Nick kaya ang gumagawa ng lahat ng ito batid niyang lubos-lubos na ang kanyang kaligayahan.
"Mayumi...something wrong? "
Inalalayan niya akong maupo at bahagyang hinagod ang aking likod, I smile at him.
"Ok lang ako...medyo nahilo lang ng konti. "
"Ok then, after this iuuwi na muna kita para
makapag-pahinga ka you need take some rest medyo namumutla ka. "I feel the sincerity towards his voice.
Mabilis akong pumasok sa aking kwarto ng maihatid ako ni Tim. Mabilis na rin siyang nagpaalam sa aking mga magulang tila palagi siyang nagmamadali at batid ko naman ang dahilan. He's the governor at marami siyang events and places na pinupuntahan at lihim ko iyong ipinagpapasalamat dahil hindi kami nagkakasama ng matagal.
Nanghihina akong pumasok sa banyo at hindi ko napigilang maduwal. Nanginginig ako at pinag papawisan ng malamig hindi ko alam kung bakit. Mabilis kong inayos ang aking sarili ng marinig ang
sunod-sunod na katok ng aking ina. Mabilis ko iyong binuksan para makapasok siya."Mayumi ...may dinaramdam ka ba? "
Nag-aalalang tanong ng kanyang ina at tila hindi nakaligtas sa mga mata nito na nanghihina siya.Nginitian niya ang ina upang hindi ito mag-alala.
"Ok lang ako ma..."
Napahawak siya ng mahigpit sa kamay ng ina ng muling makaramdam ng hilo.
"Mayumi...!"
Naulinigan pa niyang sigaw ng ina bago siya nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Intruder (completed)
قصص عامةNicholas Billientes aka nick, was a famous painter slash photographer. He's also an active adventurer. Mountain climbing and hiking anywhere. Cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar, kung saan makikilala niya an...