NICK
Finally! after five years of being miserable I already dicided to go back to that island kung saan una kong nakita si mayumi. Wala man sya roon, kahit man lang ang mga igorot ay muli niyang makita para humingi ng tawad. He's really a coward dahil ngayon lang siya tuluyang nakapag-desisyon na kakalimutan na si mayumi. Kailangan na niyang magsimulang muli at magagawa niya iyon kung maayos niya ang lahat simula sa umpisa at
unang-una na roon ang paghingi niya ng tawad kay mayumi, maging sa mga igorot sa isla.
Pinasadahan niya ng tingin ang karagatan. Sa nakalipas na limang taon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang abalahin ang sarili sa kompanyang ipinag katiwala ng ama. Nawalan na siya ng oras sa pagpipinta at ang larawan ni mayumi na iginuhit niya ay pinaka iningat-ingatan niya sa lahat ng kanyang obra. Hindi niya iyon isinali sa auction nais niyang siya lamang ang makakita ng kariktan nito. Nakasabit iyon sa loob ng kanyang kwarto kung saan madali niyang makita ang maamong mukha ng dalaga.
Mariin siyang napapikit. Kumusta na kaya si mayumi? Masaya ba ito ng magpakasal sa gobernador na iyon? Ilan na kaya ang anak nila?
Maraming tanong sa kanyang isipan at lubos iyong nakakapanlumo sa kanya. Hindi niya kayang makita si mayumi sa piling ng iba, ngunit kung ikaliligaya niya iyon ay pikit mata niyang tatanggapin.Sa malayo niya inihimpil ang yateng minamaneho, para walang makakita niyon kung sakaling dumating at maligaw roon ang gobernador.
Mabilis siyang bumaba ng yate at nanoot sa kanyang paa ang maliliit na butil ng puting buhanginan. Sinuyod niya ng tingin ang napakagandang dalampasigan. Napakunot noo siya ng makitang may bata roon at tila mag-isang naglalaro, sa tantiya niya mga nasa apat na taong gulang ito. Abala ang batang babae sa pamumulot ng mga seashell. Napasinghap siya ng lumingon ang bata sa kanya tila may kung anong emosyon siyang naramdaman ngunit hindi niya iyon maipaliwanag at mapangalanan. Ngumiti ito sa kanya at kumaway, hindi siya maaaring magkamali ang batang babaeng ito ay kamukhang kamukha ni mayumi.Sigurado siyang anak ito nina mayumi at ng gobernador na iyon."Hi, what's your name? "
Nakangiti siya nitong linapitan. Lumuhod siya sa harapan nito para magpantay ang kanilang mga mukha. This kid is really beautiful, bilugan ang kanyang mata at matambok ang pisngi na lalong namula dahil sa sikat ng araw. Kamukhang kamukha ito ni mayumi.
"What's your name please ..."
Napangiti siya sa sinabi nito
"I am Nicholas, how bout you young lady? Anong pangalan mo at bakit mag-isa ka lang dito? "
Mahina niyang pinisil ang ilong nito how he wish na sana siya na lang ang ama nito at hindi ang gobernador na iyon.
"My name is yasmien..."
"Yasmien...!"
Hindi na nito naituloy ang iba pang nais sabihin ng may tumawag dito.
"I guess, I need to go na, it's nice to meet you Nicholas.
Tumakbo na ito papalayo sa kanya. Nakita niyang hinila ito ng nakatalikod na batang lalaki sa tantiya niya ay mag kaedad lang ang dalawa. Napakunot ang kanyang noo. Di yata't dalawa na agad ang anak nina mayumi.
MAYUMI
Mabilis niyang niyakap ang dalawang anak ng lumapit ito sa kanya.
"Saan kayong dalawa galing? "
"Mom, ito kasing si yasmien kung saan -saan nakakarating. "
Reklamo ng kanyang anak na lalaki. Kamukhang kamukha ito ni Nick walang pinag kaiba ang dalawa tila pinag biyak na bunga.
"I told you Kiel, I want those tiny and empty seashells."
"Ok that's enough kids...magbihis na kayo kakain na tayo. "
BINABASA MO ANG
The Intruder (completed)
General FictionNicholas Billientes aka nick, was a famous painter slash photographer. He's also an active adventurer. Mountain climbing and hiking anywhere. Cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar, kung saan makikilala niya an...