MAYUMI
"Yumi, may mga estrangherong nang gugulo sa pantalan natin! "
Napakunot ang kanyang noo sa sinabi ng humihingal na si bitoy.
"Paanong natunton nila ang tagong isla na ito? "
Naikuyom niya ang mga kamao. Tiyak na nakarating na sa ibang mga tao sa labas ang itinatagong ganda ng kanilang paraiso.
Minsan na kasing may naligaw roon at ng makauwi siguro ay ipinamalita nito kung gaano kaganda ang kanilang isla."Pupuntahan ko sila bitoy. "
"Ngunit yumi marami-rami sila at malalaki silang tao. "
"Wala akong pakialam kailangang mapaalis natin sila bago pa nila ariin ang
islang ito!"Parang sundalo siyang susugod sa gyera. Malaki ang
pag-mamalasakit niya sa mga tao sa islang ito.NICK
"Shit! Mga bandido! "
Mura niya ng makitang papalapit sa sinasakyan niyang yate ang mga bandidong grupo.
Gula-gulanit at luma na ang bangkang de-motor na sinasakyan ng mga ito. Nagniningning ang mga mata ng mga ito na tila nakakita ng ginto.
Nais man niyang paharurutin iyon palayo ngunit huli na. Natututukan na siya ng tila pinuno ng mga bandido."Wag kang gagalaw kung ayaw mong pasabugin ko ang mukha mo! "
Itinaas niya ang mga kamay tanda ng pagsuko. Mabilis namang nagsitalunan ang iba pa patungo sa kanyang yate na hindi biro kung magkano ang halaga.
"Ayos boss! Bigtime ang nadale natin ngayon! "
Narinig niyang wika ng bandidong pinakabata.
"Tumahimik ka goryong! Ikaw Ditos,ang magmaneho ng yate! "
Utos ng bandidong tumutok sa kanya ng baril. Ngayon ay nakatali na ang kanyang mga kamay at paa ng mahigpit. Mahina siyang napamura sa dami ng lugar na napuntahan niya dito pa sa islang ito siya minalas. Pinag masdan niya ang limang bandido sa tantiya niya ay ang pinakapinuno lang ng mga ito ang may matinong
pag-iisip. At iyon ang dapat niyang pagtuunan ng pansin, kung paanong malalansi ang isang ito."Naku boss hindi ko alam kung pano paandarin iyan, kita mo ng kahit grade one hindi ko na natapos sa sobrang kabobohan ko daw sabi ng masungit kong teacher noon. "
"Gago! Bakit magsusulat ka ba sa pagmamaneho? "
Bulyaw ng pinunong bandido rito.
"Ikaw goryong kaya mo? "
"Mukhang kaya ko naman boss, madali lang yan parang pickup lang yan na ninakaw ko noon ki tandang Isong. Yon nga lang nabangga ako sa niyugan sira pala ang preno ng sasakyan na yon, muntik pa kong mamatay. "
"Mga tanga kayong lahat! "
Galit na sigaw nito sa mga tauhan.
"Pakawalan niyo ko akong magmamaneho kahit saan niyo pa gustong pumunta. "
"Tumahimik ka! Hindi ako tanga para maniwala sayo. "
Bulyaw nito sa kanya.
"Kayong kambal marunong ba kayo? Huwag niyong sabihing hindi malilintikan kayo sakin! "
"Kaya namin boss! "
Tila nanginginig pang sigaw ng kambal na parehong matangkad ngunit payat halatang bagito pa ang mga ito sa pagiging bandido.
"Magaling sige simulan niyo na! "
Magkasamang minaniobra ng kambal ang kanyang yate. Napakabilis niyon na halos lumipad na sila. Napailing siya alam na niya ang kahahantungan niyon. Nagsisinungaling lamang ang dalawa at wala ring alam ang mga ito.
"Boss...walang preno! "
Nagkagulo ang Lima sa sigaw na iyon. Habang siya ay prenteng nakaupo lamang sa sahig.
"Tang na! Papatayin mo ba kami? "
Tila nakaramdam na rin ng takot ang pinuno ng mga bandido.
"Hoy! Ikaw gawan mo to ng paraan kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo! "
Bulyaw nito sa kanya.
"Ano pang silbi, mamamatay na lang naman tayong lahat! "
Nakangising sagot niya rito.
Susugurin sana siya nito ng biglang sumadsad ng malakas ang kanyang yate sa dalampasigan. Maging siya ay nabigla ng tumilapon ang kanyang katawan sa buhanginan. Napaubo siya ng makalanghap ng maliliit na butil ng buhangin. Wasak ang kanyang yate. Tatayo na sana siya ng maalalang mahigpit pala siyang nakatali. Pinilit niyang gumapang palayo sa limang bandidong nagkakagulo. Nang biglang may mag-salita ng malakas.
MAYUMI
Limang kalalakihan at isang lalaking nakatali ang mga paa at katawan ang kanyang naabutan. Nagkakagulo ang mga ito. Habang ang isang lalaking nakatali ay parang uod na nagmamadaling gumapang paalis. Pinigilan niya ang sariling mapa halakhak sa matiyagang ginagawa ng lalaking nakatali. May kailangan siyang pagtuunan ng pansin at iyon ang limang bandidong nasa kanyang harapan.
"Mga lapastangan! "
Malakas niyang sigaw para marinig ng mga ito.Ang mga piraso ng yateng nawasak ay unti-unti ng hinihila ng alon pailalim. Kung ganoon nadisgrasya lamang ang mga ito kaya napadpad sa kanilang isla.
Sabay sabay na napatingin ang mga ito sa kanya kabilang na ang lalaking tila bihag ng mga ito."Umalis na kayo sa islang ito kung ayaw niyong masaktan! "
"Hindi mo ba nakitang nawasak ang sinasakyan namin paano kami makakaalis? "
Sagot sa kanya ng bandidong tila pinakabata sa grupo.
"Kung kinakailangang lumangoy kayo paalis gawin ninyo. Hindi kami tumatanggap ng estranghero at bisita rito! "
"Matapang ka? Mukha ka namang walang binatbat saamin!"
"Ditos, ikaw ng bahala sa babaeng iyan pugutan mo ng ulo kung kinakailangan. "
Hindi siya nakaramdam ng takot sa sinabi nito. Tila nakabawi na ng lakas ang lalaking inutusan ng pinuno ng mga bandido. Patakbo itong lumusob sa kanya gamit ang itak,iwinasiwas iyon sa kanya ngunit mabilis siyang nakailag, sabay ng mabilis at malakas na pagsipa niya sa dibdib ng bandido sumuka ito ng dugo at nawalan ng malay.
Nakita niyang namangha ang lahat sa kanyang ginawa.
Naging alerto siya ng sabay sabay na lumusob ang tatlong bandido sa kanya. Mabilis niyang sinipa ang buhangin papunta sa tatlo, nagsisisigaw ang mga ito ng pumasok ang buhagin sa dilat na mga mata ng tatlo. Mabilis niyang binigyan ng tig-iisang suntok sa leeg ang tatlong sabay sabay na bumagsak sa buhanginan."Bitoy, talian mo ang mga iyan ng may pakinabang sila sa mga pating! "
Malakas na utos niya sa binatilyong kasama. Nakita niyang namilog ang mata ng anim na estranghero.
Huling sumugod ang pinuno ng mga bandido. Tinutukan siya nito ng baril. Napangiti siya ng makitang nanginginig ang mga kamay nito.Batid niyang mahinang klaseng baril lamang ang hawak nito.
Itinutok rin niya ang mga kamay rito sa pormang baril, narinig niyang suminghap ang lalaki."Bakit hindi mo pa ipinuputok? Pagkakataon mo na! "
Nakangising wika niya sa nanginginig na bandido. Batid niyang wala ng kakayahang pumutok pa ang baril na hawak nito dahil matagal na iyong nakababad sa tubig alat.
Binitawan nito ang baril, saka niya ito mabilis na iginapos. Nagtataka rin siya kung bakit hindi ito lumaban."Bitoy dalhin natin sila sa loob ng isla. "
Tumango ang binatilyong
Katu-katulong niya sa pagtataboy ng mga turista at estrangherong napapad-pad sa kanilang isla.
BINABASA MO ANG
The Intruder (completed)
Ficção GeralNicholas Billientes aka nick, was a famous painter slash photographer. He's also an active adventurer. Mountain climbing and hiking anywhere. Cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar, kung saan makikilala niya an...