PART 9 (Nude painting)

3.7K 89 0
                                    

MAYUMI

Kipkip ko ng mahigpit ang roba, sa loob ng damit na iyon ay wala akong saplot kahit na ano paman. Patuloy ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.
Napasinghap ako ng lapitan ni nick at bahagyang hawakan ang aking nanginginig na balikat.

"You can say no mayumi..."

Mabilis siyang umiling sa sinabi nito.

"I can do it. "

Nakangiti siya nitong tinanguhan.

"Ok, just relax, take a deep breath ..."

Sinunod niya ang sinabi ng binata, ngunit nanatili ang pagririgodon ng kanyang damdamin.Napapikit siya ng tuluyang kalagan ng lalaki ang pagkakabuhol sa kanyang roba at tuluyang bumagsak iyon sa sahig. Narinig pa niya ang mahinang pagsinghap ng binata.
Bahagya niyang tinakpan ang dibdib at pinagsalikop ang mga binti ng makitang mataman siyang pinagmamasdan ng lalaki.

"It's ok mayumi, let's work on it, para matapos na."

Tinanguhan niya ang binata at huminga ng malalim.  

NICK

Napakaganda! Iyon ang mga katagang umuukilkil sa aking isipan sa mga sandaling ito. Ang katawan ng dalaga ay tila nililok ng pinakadalubhasang iskultor.

Napalunok siya ng magsimulang pumwesto ang dalaga, bahagya itong nakatalikod sa kanya at ang maamong mukha ay nakatingin sa kanyang direksiyon. Bahagyang natatabunan ng braso nito ang malarosas na nipple at ang mahahabang binti nito ay sinadyang itingkayad upang matakpan ang kahubdan. Hindi malaswa ang dating ng dalaga, ngunit heto siya at parang sinisilaban sa sobrang init na kanyang nararamdaman.
Muli siyang napalunok ng hagurin ng tingin si mayumi.
This lady is the epitome of true beauty and innocence. 
Sinimulan niyang hagurin muli ng tingin ang kagandahan sa kanyang harapan, kasabay ng maingat na paghagod niya sa brush padaiti sa malaking canvass.
Batid niyang nagsisimula na siyang pagpawisan, na ngayon lamang nangyari sa kanya sa tinagal-tagal niya sa propesyon na ito. Tila bumalik siya sa pagiging bagitong pintor.Bahagya pang nanginig ang kanyang mga kalamnan, malaki ang epekto ni mayumi sa kanya. Iyon ang napagtanto niya sa mga sandaling ito.

MAYUMI

Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ng mukha ni nick habang abala ito sa pag guhit sa kanya. Ang makakapal nitong mga kilay ay bahagyang nagsasalubong, batid niyang nag ko-concentrate ang binata sa pag guhit sa kanyang kahubdan. Ang kaninang hiya na nararamdaman niya ay tila bulang naglaho, tila sanay na ang lalaking makakita ng hubad na katawan sa pagpipinta nito tila natural lamang sa lalaki ang makita siyang hubo't hubad, parang walang espesyal doon.
Napahinga siya ng malalim sa naiisip, aaminin niyang nakaramdam siya ng lungkot.
Sino ba naman siya para pagtuunan nito ng pansin. Batid niyang ang propesyon nito ang mahalaga sa lalaki sa ngayon, patunay roon ang pag-alok nito sa kanya ng bagay na iyon. Ngunit hindi siya galit sa lalaki, kagustuhan rin niya na ipinta siya nito.

Ilang oras siya sa ganoong pwesto ngunit tila hindi siya nakaramdam ng ngalay. Naengganyo siya sa pagmasid sa makisig na si nick. Lihim siyang napangiti, walang kaalam-alam ang lalaki na pinag-aaralan niya ang mukha nito, nais niya iyong baunin sa pag-uwi niya sa isla.
Inuukit niya sa isipan ang bawat detalye ng mukha ng lalaki.

"There you are ..."

Nakangiti siyang linapitan ni nick at binalot nito ng roba ang hubad niyang katawan hudyat na tapos na ang lalaki sa pag guhit sa kanya. Pagkuwan ay
inalalayan siya nitong maupo.

"Tapos na ba? "

Muli itong ngumiti at tumango.

"Tapos na mayumi at napakaganda ng kinalabasan. Sinisigurado ko sayo na ito na ang pinakamagandang obrang nagawa ko. "

Napangiti siya sa sinabi ng binata, pakiramdam niya ay namula ang kanyang buong mukha, kung binobola lamang siya nito ay napakagaling nito dahil napaniwala siya. 

"See it for yourself ...para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo at hindi kita binibiro mayumi. "

Nginitian niya ang lalaki, tila nabasa nito ang kanyang iniisip. Tumayo siya at tinungo ang katatapos lamang na likha ng binata.
Napasinghap siya ng tuluyan iyong masilayan. Napakahusay ni nick,buhay na buhay ang pagkaka guhit nito sa kanya.Napakaganda nga, napakagaling na pintor nito.

"You like it? "

Napasinghap siya ng dumampi ang mabango at mainit na hininga ni nick sa kanyang pisngi. Mabilis niyang tinanguhan ang lalaki.

"Napakaganda, hindi ako makapaniwalang ako ang nasa canvass na iyan. "

Buong pag-hangga niyang hinagod ang sariling larawan.

"Ikaw iyan mayumi...at maniwala kang maging ako ay labis na humanga sa kinalabasan. Napakaganda mo mayumi at ang larawan na iyan ang repleksyon. "

Napasinghap siya ng hawakan ni nick ang kanyang mga kamay.

"Maraming salamat at pinahintulutan mong iguhit
kita. "

Ngiti lamang ang isinagot niya sa binata, wala siyang mahagilap na sasabihin sa mga sandaling ito. Batid na nito na labis din siyang nagpapasalamat sa tulong nito sa kanila.
Napasinghap siya ng masuyong gagapin ni nick ang kanyang mukha, tila batid na niya ang nais nitong mangyari.

"Please let me kiss you mayumi. "

Napapikit siya at namalayan na lamang na tumango sa sinabi nito. Nais rin niyang mahalikan ang lalaki. Napasinghap siya ng tuluyang maglapat ang kanilang mga labi. It was her first kiss...at tuluyan na siyang tinangay ng agos. Handa siya anuman ang kahinatnan nito. She admit,she truly admire this man yes indeed!

The Intruder (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon