PART 15 (A new beginning)

3.3K 75 0
                                    

FIVE YEARS LATER...

MAYUMI

"Mommy please wake up, daddy's here na..."

Napangiti siya ng maramdaman ang mahihinang yugyog sa kanyang balikat, ibinaon niyang muli ang mukha sa unan.

"Mommy.. you promise na dadalhin mo kami sa isla ..."

Ungot ng kanyang munting prinsesa. Mabilis siyang napabangon sa sinabi nito. Pinangakuan niya nga pala ang kambal.

"Wake up sleeping beauty ..."

"Daddy..."

Nagsitakbuhan ang dalawa niyang anak papunta kay Tim, sabay namang binuhat at kinalong nito ang kanyang kambal.

"Come on mayumi ...ayusin mo na ang sarili mo, naiinip na ang mga anak natin. "

Napangiti siya ng sabay-sabay na nahiga ito sa kanyang tabi.

"Ok kids, and you are Mr...wait me here,maliligo lang ako saglit.

Tumayo na siya para pumunta sa banyo ng sumigaw ang kambal.

"Mommy, you forgot
something..."

Napakunot ang kanyang noo sa sinabi ni Kiel.

"And what is those honey? "

"Where's your kiss at us? "

Napangiti siya sa sinabi ni yasmien.

"Oh sorry mommy's in a hurry. "

Linapitan niya ang mga ito at pinugpog ng mga halik.

"Ok, that's enough kids, baka naiinip na ang kuya bitoy at si tata iloy sa pag hihintay sa atin.
Akma na niyang tatalikuran ang dalawa ng muling mag salita ang kambal.

"How about daddy's kiss, you also forgot? "

Napangiti siya ng lumingon kay Tim. Nakangiti itong nagkibit balikat sa kanya.

"Hindi ko sila tinuruan mayumi,kung iyan ang iniisip mo. "

Linapitan niya ang lalaki at mabilis na ginawaran ng halik sa pisngi, ngunit mabilis itong bumaling sa kanyang dereksyon kaya ang mga labi nila ang naglapat. Napangiti ito sa nangyari habang siya ay
iiling - iling na pumasok sa banyo.
Napasinghap siya ng dumaiti ang hubad na katawan sa maligamgam na tubig. Kasabay ng pagragasa niyon ay ang pag ragasa ng mga ala-ala sa nakalipas na halos limang taon.

FLASHBACK

"Mayumi...!"

Narinig niyang sigaw ng ina bago siya tuluyang nawalan ng malay.
Naalimpungatan siya at nagising sa silid na hindi pamilyar sa kanya. Base sa kanyang naaamoy ay siguradong nasa loob siya ng pribadong hospital.

"Ma..."

Mabilis siyang nilapitan ng ina at hinaplos nito ang kanyang noo.

"What happened? "

Pinunasan muna ng ina ang sariling mga luha bago ito sumagot.

"Your four weeks pregnant mayumi...magkakaanak na kayo ni Tim. "

Napasinghap siya sa sinabi ng ina. Buntis siya? Ngunit nagkakamali itong si Tim ang ama ng kanyang dinadala. Walang kaalam-alam ang kanyang mga magulang, at nais niyang magpaliwanag sa mga ito.

"Ma, pa ...its not what you
think..."

Hindi na niya naituloy ang nais pang sabihin ng mabilis na pumasok si Tim. Nakangiti ito sa kanya at tila batid na rin ang nangyari.

"You need some rest mayumi...mag kakaanak na tayo. "

Maang siyang napatingin sa binata...what just did he say?
Hinalikan siya nito sa noo at masuyong pinisil ang kanyang kamay.

"Huwag ka ng mag-isip ng maraming bagay mayumi ...I'm still here with you, anuman ang mangyari. "

Napapikit siya ng yakapin ng binata,kung gayon batid niyang kay Nick ang ipinagbubuntis ko at handa pa rin niya akong tanggapin sa kabila ng lahat.
Napangiti ang kanyang mga magulang sa nakitang tagpo nila ni Tim, akala ng mga ito ay lubusan silang nagkakaunawaan ng gobernador.

"Maari ka na raw umuwi sweetheart,doon ka na lang sa mansion magpahinga, at wag na wag mong papagurin ang sarili mo mayumi. "

Inihatid sila nito sa kanilang mansion. Nais niyang makausap ang binata tungkol sa mga nangyari.

"Tim, I'm sorry ..."

Hinawakan niya ang mga palad nito ng tuluyan silang mapag-isa sa veranda.

"You don't have to mayumi. Katulad ng sinabi ko buo pa rin kitang tatanggapin. At sana hayaan mo akong tumayong tunay na ama ng magiging anak mo. "

Pumiyok ang tinig nito, hinaplos niya ang mukha ng binata. Nakangiti niya itong tinanguhan.

"Makakaasa ka Tim..."

Sukat sa kanyang sinabi ay masuyo siya nitong yinakap.

"Mayumi nais ko sanang sa ating dalawa lang ito at ayokong may ibang nakakaalam na hindi sa akin ang dinadala mong iyan. "

Nakikiusap na wika sa kanya nito. Tinanguhan niya ang gobernador, batid niya ang dahilan nito. Isa itong iginagalang na pulitiko at mali nga na malaman ng iba na buntis na siya sa ibang lalaki ngunit pakakasalan parin siya nito.

"I promise Tim, this secret is only between us. "

Ngunit hindi natuloy ang kanilang kasal ni Tim. Nais nitong pagkapanganak niya sila ikasal at labis niya itong sinang ayunan roon. They used to be live in one roof, at nagpapasalamat siyang renespeto siya nito. They'd never go an intimate relationship, tila sila magkaibigan ng mga panahon na iyon ni Tim until now.  Mabuti na lamang at nagawan nito ng paraan para hindi ianunsyo ng mga taong nakakaalam ng kanilang kasal ang naudlot nilang pag papakasal ni Tim. At hanggang ngayon na apat na taon na ang kanyang mga anak ay hindi pa rin siya pinipilit ng binatang mag pakasal at dahil doon ay unti-unti na niyang hinahangaan ang gobernador na si Tim. Ang alam ng kanyang mga magulang at mga anak ay si Tim ang totoong ama ng kanyang kambal.  Even her twins, ang alam ng mga ito ay si Tim ang totoo nilang ama. At nakapagdesisyon na siyang hindi na babaguhin ang paniniwalang iyon ng kanyang mga anak.
Mariin siyang napapikit ng muling maalala si Nick. Kailanman ay hindi na ito muling nagpakita sa kanya, kahit man lang ang pumunta sa isla. Ngunit sino ba naman sila para pagtuunan nito ng pansin.
Mapait siyang napangiti. Pinapangako niyang hindi nito kailanman malalaman na nagbunga ang kapusukan nila noon. Isa lang ang ipinagpapasalamat niya rito at iyon ay ang pagdating ng dalawang anghel sa buhay niya na hindi mangyayari kung hindi dahil kay Nick.

The Intruder (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon