MAYUMI
Maaga pa lang ay rinig na rinig ko na ang mga tunog at ugong ng mga sasakyang pandagat.
Napabalikwas ako ng bangon. Dumating na ba ang kinatatakutan ko? Mabilis akong lumabas ng kubol, napasinghap ako ng mabungaran ang gobernador at maraming tauhan nito. Lumapit ako sa nakagugom palad na si nick. Nakikipagsukatan ito ng tingin sa gobernador. Parehong natigilan ang dalawa ng makita siya."Mayumi..."
Tinanguan niya ang lalaki at tila naintindihan naman nito ang nais niyang mangyari.
"Oh, look at you hindi pa rin kumukupas ang ganda mo mayumi, kung pumayag ka sanang pakasal saakin ay hindi na tayo aabot sa bagay naito. What is mine is yours, kung
mag-asawa na tayo."Tinignan niya ito ng masama. Maging si nick ay walang kasing sama rin itong hinagod ng tingin.
"Ano pa bang kailangan mo, hindi ka na nakulong sa walang awa mong pagpatay sa mga igorot pati ang tahanan nila ay nais mo pang angkinin. "
"This is a business matter mayumi. Many properties means a lot of money. "
"Hindi mo na sakop ang lugar na ito, wala ka ng karapatan dito! "
Asik niya sa gobernador, nanginginig siya sa galit. Linapitan siya ni nick at inalalayan. Na siyang ikinaasim ng mukha ng gobernador.
"At nagawa mo pang magdala ng lalaki rito! Akala ko isa kang inosenting babae, malandi ka rin pala! "
Sukat sa sinabi nito ay bigla itong dinaluhong ni nick at sinuntok. Sargo ng dugo ang bibig ng lalaki.
"Shit!"
Mura nito at mabilis na hinablot ang baril sa tauhan. Napasinghap siya ng itutok iyon ng lalaki kay nick. Mabilis niyang hinarangan ang katawan ng binata at napilitan siyang makiusap sa gobernador huwag lamang masaktan si nick.
"Nakikiusap ako Tim, wag na wag mong gagawin ang bagay naiyan. "
Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.
"Bumalik ka sakin mayumi, tatanggapin parin kita. At hindi ko na gagalawin ang islang ito,ibabalik ko ang lesensiya mo sa pagiging abogado kung papayag ka ng magpakasal sa akin. "
NICK
Labis akong nakaramdam ng galit sa sinabi ng hambog na lalaking ito. Nararamdaman kong malaki ang pagnanais niyang mapasakamay si mayumi. Naikuyom ko ng mahigpit ang aking mga kamao.
Hinding-hindi ako papayag na mapunta sa kanya si mayumi."Magkano ba ang kailangan mo para hindi mo na guluhin si mayumi at ang islang ito? "
Hindi ko mapigilang isigaw iyon sa gobernador. Naiisip ko pa lang na sa mga kamay nito mapupunta si mayumi ay parang pinipiga na ang damdamin ko.
"Si mayumi ang kailangan ko at hindi ang pera mo kung sino kaman! "
Bulyaw rin nito sa kanya.
"Wala akong pipiliin sa mga sinasabi mo. Tutumbasan ko ng pera kung magkano man ang ibinigay mo sa gobyerno! "
Muling bumangis ang mukha ng gobernador. Pagkuwan ay ngumisi ito ang ngisi ay nauwi sa halakhak.
"Nagpapatawa ka ba? Saan ka kukuha ng pera gayong kahit mga magulang mo ay itinakwil ka na matapos mong piliin ang mga igorot na iyan kesa sa kapangyarihang tinatamasa mo. Now tell me mayumi, saan ka kukuha ng isangdaang milyon, kapalit ng islang ito? "
Nakuyom niya ang mga kamao. Nais kumawala ang halakhak sa kanya ngunit pinigilan niya ang sarili. Isangdaang milyon lang pala ang kaligayahan ng gobernador na ito. At barya lamang iyon sa kanya.
Matutulungan niya si mayumi at ang mga igorot pangako niya iyon.MAYUMI
Natigilan siya sa sinabi ng gobernador, isangdaang milyon? Maaring meron siyang ganoong kalaking halaga kung patuloy pa rin sa pamamayagpag ang kanyang karera ngunit nawalan siya ng trabaho dahil dito. Tiyak na hindi naman niya maaasahan ang pamilya. Nagawa pa nga ng mga itong itakwil siya.
Natigilan siya ng maramdaman ang mahinang pagpisil ni nick sa kanyang palad tila ipinapahiwatig nito na magiging maayos lang ang lahat."Kaya kong bayaran kung magkano man ang nagastos mo sa pag-aangkin ng islang ito. "
Bulalas niya sa gobernador, sa mga sandaling ito ay kay nick siya kumukuha ng lakas at umaasa. Bumagsik ang mukha ng gobernador sa kanyang sinabi.
"Pagbibigyan kita, sampung araw. Sampung araw lamang na palugit mayumi, at kapag wala pa ang perang sinasabi mo ay pasensyahan na tayo. Kukunin ko ang islang ito at wala ka ng magagawa kundi ang magpakasal saakin, kung nais mo pa ring tulungan ang mga igorot na ito! "
Pangigipit sa kanya ng gobernador. Nanghihina ang kanyang mga tuhod ng makaalis ang mga ito. Mabilis siyang inalalayan ni nick.
"Huwag kang matakot mayumi, hindi ako makakapayag na mapunta ka sa lalaking iyon. Tutulungan kita tutulungan ko ang tribong ito. "
Nangilid ang kanyang mga luha sa sinabi ni nick. Muli niyang niyakap ang binata ng mahigpit.
"Maraming salamat nick, kung may magagawa rin sana akong pabor, umasa kang handa rin kitang tulungan. "
"Be my subject mayumi...."
NICK
"Be my subject mayumi..."
Mahina niyang namura ang sarili hindi siya nakapagpigil at ang karera pa rin niya ang kanyang naiisip. Napakalaking tanga niya, kinukuha niya ang loob ng babae ngunit tila nahalata nito ang kanyang pakay.Ngunit hindi niya inaasahan ang sagot nito.
"Anuman iyon nick, handa kong tanggapin, matulungan mo lang ang mga taong higit na kailangan ang islang ito. "
MAYUMI
Buo na ang aking desisyon, nais kong matulungan ang mga tao sa islang ito. At ang inaalok ni nick ay malugod kong tinatanggap. Pintor pala ang lalaki at nais siya nitong ipinta para ilahok sa isang auction at ang perang maiipon niyon ang siyang gagamitin namin para ipangbayad sa malupit na si Tim, kung sa ibang pagkakataon ay magugustuhan niya ang pulitiko dangan nga lamang at salbahe ang pag-uugali nito.
"Mayumi I'm sorry, pero sana wag mong isiping tini-take advantage ko ang pagkakataong ito. Maari kang tumanggi mayumi, at handa parin akong tulungan kayo. "
Ginagap niya ang kamay ng binata,para pigilan ito sa pagsasalita.
"Nick, buo na ang desisyon ko. Iguhit mo ako. "
Tila hindi makapaniwala ang lalaki sa final niyang sinabi.
"Mayumi, kung gayon iiwanan mo kami rito para sumama kay nick? "
Lumapit sa kanila ang naiiyak na si bitoy.
"Babalik kami bitoy, pangako iyan. "
Ginulo niya ang buhok ng binatilyong igorot.
"Nick, ibalik mo ng ligtas si mayumi sa islang ito at sana kasama kaparin kapag bumalik siya. "
"Pangako bitoy, iingatan ko si mayumi at sa pagbabalik namin dala na namin ang perang kinakailangan upang lubos ng mapasainyo ang islang ito. "
Lumiwanag ang mukha ni bitoy sa sinabi ni nick. Bakas sa mukha nito ang pasasalamat. Nginitian niya ang binata. Muling kumislot ang kanyang dibdib ng ngitian siya nito pabalik.
BINABASA MO ANG
The Intruder (completed)
Fiksi UmumNicholas Billientes aka nick, was a famous painter slash photographer. He's also an active adventurer. Mountain climbing and hiking anywhere. Cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar, kung saan makikilala niya an...