PART 5 (Pangingisda)

3.7K 80 2
                                    

MAYUMI

Maingat akong ibinaba ng lalaking ito ng makarating kami sa dalampasigan.

"Bakit dito mo ako ibinaba, malayo ito sa tubig? "

"Mainit sa parteng iyon antayin mo kami, dito ka lang! "

Noon niya napansing sa lilim ng mayabong na ligaw na puno siya nito iniupo. Napalunok siya sa mga pinag-gagawa ng lalaking ito. Napapansin niyang maginoo naman pala ito.

"Siguraduhin mong may mahuhuli ka lalaki..."

"Nick, nick ang pangalan ko."

Pigil nito sa sinasabi niya.Tumalikod na ito at iniwan siyang mag-isa.
Kumislot ang kanyang dibdib ng pumihit ito paharap sa kanya at ngitian siya.

"Tandaan mo mayumi, nick ang pangalan ko. "

Pagkabigkas nito ay patakbo na itong sumunod kay bitoy at tuluyan ng sumisid sa ilalim ng dagat.
Hindi niya napigilang kumawala ang ngiti sa kanyang labi. Umukilkil sa utak niya ang pangalan nitong tiyak na hinding-hindi na niya makakalimutan.

NICK

Malakas kong ipinukol ang nakitang malaking isda gamit ang sibat ni mayumi, hindi ako nabigo sumargo ang dugo ng malaking isda at kumalat iyon sa tubig. Hinila ko iyon para iahon. Natitiyak kong masisiyahan ang dalaga sa aking nahuli.

"Ayos, ang laki ng nahuli mo nick. "

Napatingin siya sa binatilyo ng tulungan siya nitong buhatin ang malaking isda. Napakunot ang kanyang noo paanong nalaman nito ang kanyang pangalan?

"Huwag ka ng magtaka, sinabi na saakin ni mayumi kanina ng umahon ako...ngayong kilala na kita ako naman ang magpapakilala sayo, bitoy ang pangalan ko. "

Nginitian niya ito at tinanguhan.
Napatingin siya sa nakangiting dalaga. Noon lamang niya itong nakitang ngumiti at lalong nadagdagan ang kagandahan nito. She has a set of perfect and pearly white teeth,sino nga ba talaga ang babaeng ito?

"Ang laki naman niyan, paano mo nakuha ang isdang iyan? "

Bakas sa mukha nito ang
pag-hanga sa nagawa niya.

"Isa akong adventurous at nagawa ko na ang mga bagay na ito ng minsang ma-stranded ako sa isang isla. "

Nakangiting paliwanag niya sa dalaga. Tumango ito.

"Ang galing mo pala. "

Napangiti siya ng yumuko ito tila nahihiya,dahil sa pagmaliit sa kanya kanina. Kung alam lang nitong lalo siyang na-amuse sa ginawa nito.

MAYUMI

Lihim akong ginitgit ng hiya,buong akala ko ay walang kaalam-alam ang lalaking ito sa mabibigat na trabaho, ngunit nagkamali ako. Hinusgahan ko agad siya at itinuring na pabigat mula pa sa umpisa.

"Ako ng mag-dadala ng isdang ito nick, buhatin mo na lang muli si mayumi. "

"Its my pleasure bitoy. "

Napasinghap siya ng muling iangkas ni nick sa basang likod nito. Napapikit siya ng masamyo ang natural na amoy ng lalaki, tila dito lamang siya nababanguhan kahit pawis na pawis pa ito.

"Paanong napadpad ka rito sa islang ito nick bakit nahuli ka ng mga buang na kunwaring mga bandidong iyon? "

Narinig niyang napasinghap ng malakas ang lalaki,sa sinabi ni bitoy.

"What do you mean,nagkukunwaring mga bandido lamang ang limang iyon? "

"Oo, ang totoo mga bagitong magnanakaw lamang ang mga iyon. "

Patuloy na pagkwe-kwento ni bitoy, naramdaman niyang
nag-igtingan ang mga muscle ng lalaki tanda na galit na galit ito sa nagawang panloloko.

ARTHUR

"Shit! "

Mahinang mura ko sa ikwenento ni bitoy, naloko lang siya hindi naman pala totoong mga bandido ang lima, at ang mga baril ng mga iyon ay hindi totoo at mga props lamang sa pananakot. Hindi siya makapaniwalang naisahan ng mga lalaking iyon, siya na mahilig sa pang-oobserba ay naisahan at nagawang lokohin ng mga kawatang iyon.
A really big shit for himself.

"Ang mahalaga hindi ka nila itinapon sa dagat noong nakatali ka at bihag nila. "

Natigilan siya sa sinabi ni mayumi, sabagay may punto ito. Mas mahalaga ang buhay niya. Importanteng buhay siya at maipag-papatuloy niya ang nakabinbing trabaho na siyang mahalaga sa kanya ngayon.

"Tama si yumi. "

Sang-ayon din ni bitoy.

MAYUMI

Kita sa galak ng mga tao sa islang iyon ng makita ang kanilang dala. Mabilis na gumawa ng apoy ang mga matatanda para ihawin ang isdang nahuli ni nick. Napangiti siya kung wala ang lalaki pihadong wala silang makakain ngayon kung hindi ang mga bungang kahoy lamang.

"Napakagaling ng ating bisita, akalain mong siya pa lang ang nakahuli sa ganitong uri ng
isda. "

Tuwang-tuwa si tata iloy ng sabihin niyang ang lalaki ang nakahuli niyon.

Tumayo ang lalaki at pumunta sa gitna ng bulwagan kung saan naroon silang lahat na nakaharap at nakapalibot sa isdang iniihaw.

"Nais ko lamang na magpakilala sainyong lahat. Ako si nick at ikinagagalak ko kayong makilalang lahat. "

Tumahip ang kanyang dibdib ng dumako ang tingin nito sa kanya. Kumislot ang kanyang puso na ngayon lang nangyari sa buong buhay niya. Hindi kaya kinikilala na ng kanyang puso ang lalaking ito?
Mabilis niyang ipinilig ang ulo, kailangang maiwaglit niya ang kakaibang nararamdaman.Hindi maglalaon at aalis na ang lalaking ito. Ayaw niyang maiwang luhaan at nangangarap ang kanyang buong pagkatao.
Dahil sa naisip ay muling bumangis ang kanyang anyo.

NICK

Natigilan ako ng bigla na namang bumalik sa dati si mayumi naging mailap itong muli at iniiwasang magtama ang kanilang mga mata.

Pinagpagan niya ang papag na nagsilbing higaan niya sa islang iyon,ang mga matatanda at paslit ay sabay-sabay ng nagsipasok sa mga kubo nito naroon ang lahat at nagsisik-sikan. Ang kubo naman ni mayumi ay hiwalay, itinuturing ng maayos doon ang dalaga at sa hinuha niya sa dalaga kumukuha ng lakas at pag-asa ang mga igorot na nakatira sa islang ito. Hindi kaya na-stranded rin ang dalaga kaya napadpad rito at ayaw na nitong umalis dahil napamahal na sa mga tao sa tribong ito?
Ngayon niya nabatid na malaki ang malasakit at pagpapahalaga ng dalaga sa mga taong narito, at dahil doon lalong hinangaan niya ang dalaga. Sumidhi ang kanyang pagnanais na arukin at mapalapit siya sa dalagang si mayumi.
Mahimbing na ang lahat at
unti-unti ng nauupos ang baga ng apoy na pinag-ihawan ng isdang nahuli niya ng biglang bumukas ang pinto ng dalaga, maingat itong lumabas. At ng mapadaan sa gawi niya ay mabilis siyang pumikit at nag tulog tulugan. Saan kaya pupunta ang babaeng ito sa katahimikan ng gabi?

The Intruder (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon