PART 17 (Rebelasyon)

8.4K 142 175
                                    

NICK

Wala sa sarili kong hinanap ang tauhang inutusan ko noon para pumunta sa isla. Hindi ako nahirapang hanapin siya. Nabigla ang lalaki ng bigla ko siyang hilahin at hawakan sa kwelyo.

"Boss...!"

Nanginginig ang kanyang tinig.

"Damn you! Bakit nagawa mo akong lokohin Mariano...ang mga sinabi mo noon sa akin ay puro kasinungalingan! Hindi mo iniabot ang ipinapabigay ko kay mayumi ...!"

Hindi niya napigilan ang sarili at tuluyan niya itong inundayan ng suntok. Muli sana niya itong susugurin ng lumuhod at mag makaawa ito sa harapan niya.

"Patawarin niyo ako boss...hinarang ako ng mga tauhan ng gobernador ng papunta na ako sa islang iyon...tinurture nila ako at muntikan ng lunurin. Natakot ako ng sabihin nilang papatayin nila ang mga igorot pati na si mayumi kung tutuloy pa ako roon. "

Napasinghap siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala nagpadalos dalos siya at nasaktan pa niya ito.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad Mariano para matulungan ko sina mayumi? "

Umiling-iling ito...

"Tinakot nila akong pasasabugin ang isla kapag pumunta pa kayo ulit roon...ibinilin saakin ng gobernador na ikakasal na sila ni mayumi at oras na manggulo tayo ay idadamay niya ang lahat maging ang mga magulang ng dalaga. "

Gimbal siya sa sinabi ng tauhan. Kung ganoon prinoprotektahan lamang nito ang lahat. Nagsisisi siyang nasaktan niya ito.

"Isa pa...may natuklasan ako sa gobernador ng kulungin nila ako ng ilang araw sa bodega ng
yate. "

"Ano iyon Mariano? "

"Gumagamit ang gobernador na iyon ng ipinag babawal na gamot boss...may mga laboratoryo ng shabu sa yateng pinagkulungan nila saakin. "

Malakas siyang napasinghap sa sinabi nito, kung gayon nasa panganib ang buhay nina mayumi. Nagpapanggap lamang ang gobernador na iyon na maamong tupa para makuha ang loob ni mayumi.
Binalingan niya ang tauhan.

"Paano kang nakatakas sa kanila? "

Napalunok ito at tuluyang umiyak.

"Tumalon ako sa yate kahit nakatali ang buo kong katawan. Hinayaan nila ako sa
pag-aakalang mamamatay na rin naman ako dahil mahigpit ang pagkakatali nila saakin. Akala ko katapusan ko na rin, ngunit mayroong tumulong saakin. Sa unang tingin ay aakalain mong mga bandido sila. Ngunit ikwenento nila saakin na matagal na silang
nagmaman- man sa mapanlinlang at tusong gobernador na iyon. "

Napalunok siya at mariing napapikit sa mga rebelasyong narinig.

"Nakilala mo ba ang mga iyon, nakuha mo ba ang mga pangalan ng mga taong tumulong sayo Mariano? "

Mabilis itong tumango.

"Lima silang lahat.Si arman ang pinuno at ang mga tauhan niya na sina Ditos at goryong, may dalawa pa na batid kong magkambal. Lahat sila ay biktima ng kalupitan ng gobernador. "

Mariin siyang napapikit ng marinig ang sinabi nito. Kilala niya ang limang lalaking tinutukoy nito.

"Damn! "

Kailangan niyang mailayo sina mayumi at ang mga bata sa baliw na gobernador na iyon.

MAYUMI

Mabilis na nakatulog ang mga bata ng makauwi sila batid niyang napagod ng todo ang mga ito dahil sa maghapong pag lalaro sa isla. Pumasok siya sa banyo para mag palit ng damit hindi na niya pinag kaabalahang I lock iyon dahil wala naman si Tim, nag paalam ito kaagad na may pupuntahan ng maka uwi sila. Nasa akto siya sa paghubad ng kanyang damit ng biglang bumukas ang pinto ng banyo. Napasinghap siya ng makita ang lalaki at mabilis na pinagsalikop ang mga kamay sa nahantad na dibdib, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kayang mag paubaya sa lalaking ito. Nakangiti siya nitong linapitan. Bahagya siyang napaurong ng lumapit ito sa harapan niya.

"Tim...I thought..."

Nakangiti nitong tinakpan ng hintuturo nitong daliri ang kanyang labi.

"Maagang natapos ang meeting mayumi, that's why I'm here. "

Napasinghap siya ng makitang unti-unti itong yumuyuko para abutin ang kanyang mga labi, ngunit bahagya niya itong naitulak.

"Tim..."

Masuyo nitong hinawakan ang kanyang mga kamay.

"I guess this is the right time to make love with you. "

Napasinghap siya ng malakas sa sinabi nito. Hindi pa siya handa at parang hindi niya kayang mag paubaya rito.

"I'm sorry Tim...kailangan mo ng magpahinga. "

Iniwasan niya ito at tinalikuran.

"I knew it. Mahal mo pa rin
siya!"

Napapikit siya ngunit hindi sinagot ang tanong nito. Aaminin niyang mahal pa rin niya si Nick at hindi niya kayang kalimutan ang ama ng kanyang mga anak.

"Tim..."

Umiling-iling ang gobernador.

"Ano ba ang dapat kong gawin para matutunan mo akong mahalin mayumi? "

Napasinghap siya ng makitang dumilim ang anyo nito. Namumula ang mga mata ng lalaki.

"Hindi ako nagtiis ng maraming taon para mauwi lang ito sa wala mayumi! "

Napaurong siya ng muli itong lumapit at mariin siyang kuyumusin ng halik.Nahintakutan siya sa ginagawa ni Tim. Just like the old days tila bumalik ito sa pagiging salbahe na siyang inayawan niya rito.

"Tim please no! "

Napaiyak siya ng haklitin nito ang mga saplot niya tila ito wala sa sarili ng mga sandaling iyon. Akala niya tuluyan ng nagbago ang lalaki. She was naked on top.Pilit niya itong itinutulak ng hawakan nito ang kanyang nahantad na dibdib, ngunit napakalakas nito ni hindi niya magawang makatayo.

"Stop it mayumi ...gusto mo bang marinig tayo ng mga bata at makita ang ginagawa natin? "

Mariin siyang napapikit, kailanman ay hindi niya nanaising makita ng mga anak ang kahalayang ginagawa na ito ni Tim. Ayaw niyang umukit sa murang isipan ng mga ito ang ganoong tanawin. Tinanaw niya ang pinto ng banyo at hindi iyon naka lock. Naikuyom niya ang mga kamay ng maramdaman ang mga labi ng lalaki sa kanyang dibdib. Walang espesyal siyang nararamdaman sa ginagawa nito kung hindi purong pagkasuklam.
Tinakpan niya ang bibig para hindi kumawala ang kanyang hagulhol. Ayaw niyang marinig ng mga anak at baka tuluyan itong pumasok sa nakabukas na pinto.

"Please no..."

Nagsusumamo ang kanyang mga mata sa tila wala sa sariling lalaki, ngunit hindi siya nito pinakinggan. Akma nitong huhubarin ang kahuli-hulian niyang saplot ng biglang bumukas ang dahon ng pinto ng banyo.

"Mom...dad...are you fighting? "

Napasinghap siya ng makita ang anak na si Kiel nakatayo ito sa harapan nila at napakainosenti ng maamong mukha. Mabilis siyang umalis sa pagkakadagan ni Tim at mabilis na binalot ang sarili sa tuwalyang naroon. Mabilis niyang hinila ang anak palabas at tinitigan ng masama ang lalaki.

Mommy...what happened? "

Yinakap niya ang anak ng mahigpit.

"Go to sleep Kiel...you have nothing to worry little prince. Your mom and I were just making a conversation. "

Napapikit siya sa sinabi nito nais niyang yon rin ang isipin ng anak.

"Ok...goodnight then. "

Hinalikan siya nito sa pisngi, lumapit rin ito sa inaakalang ama at yinakap ang lalaki. Mariin siyang napapikit sa nakita. Totoo rin ba ang ipinapakita ni Tim na pagmamahal sa kanyang mga anak o purong pag papanggap rin lang?

"Goodnight dad. "

"Goodnight son. "

Tugon nito at kusa ng inihiga ang kanyang anak sa tabi ng mahimbing na si yasmien.

"Hindi pa tayo tapos mayumi! "

Mahina at madiing wika nito sa kanya bago umalis sa kwartong iyon. She sighed and feel relief dahil hindi nito naituloy ang nais gawin. Thanks to her little hero, thanks to her little Nick. Lumuluha niyang yinakap ang mga anak.

The Intruder (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon