PART 8 (Siyudad)

3.3K 73 0
                                    

MAYUMI

Tulong-tulong kami sa pag-aayos ng bangka. Oras na matapos iyon ay aalis na kami ni nick kailangan naming magmadali, sampung araw lamang ang ibinigay na palugit ng gobernador.

"Nick, umaasa kami na matutulungan mo kami, pasensya na kung naging cargo de kunsensya mo pa kami. Wala kaming ibang malapitan bukod kay mayumi. "

Bakas sa hapis na mukha ni tata iloy ang pag-asang matutulungan sila ng binata.

"Huwag niyong isipin ang bagay na iyon tata iloy, masaya akong tulungan kayo, at si mayumi ang may pinakamalaking ambag rito. Siya ang dapat nating pasalamatan. "

Napasinghap siya sa sinabi ng binata.

Sampung araw lamang siyang mawawala ngunit hindi niya napigilang umiyak habang kumakaway sa kanila ang mga igorot habang itinataboy ng hangin ang kanilang bangka sa dagat.
Umaasa ang mga ito at ayaw niyang biguin iyon kasama niya si nick, isang taong handa rin silang tulungan.

"Babalik kami, antayin niyo kami tata iloy...bitoy! "

Malakas niyang sigaw sa kabila ng luhang nag -uumalpas sa kanyang mga mata. Hanggang sa parang tuldok na lang ang liit ng mga ito dahil malayo na sila.

"Napamahal ka na sa kanila ng sobra mayumi, hindi kita masisisi ang mga taong katulad nila ay purong pagmamahal ang ibinibigay. Mahirap silang makalimutan at iwan. "

Pinunasan niya ang mga luha saka nakangiting tumango sa binata. Tama ang lahat ng sinabi nito.

"Ipinapangako ko mayumi, magiging kanila na ang islang iyon. "

"Salamat nick..."

Malaki ang pasasalamat niya ng mabanaagan sa mukha nito ang determinasyong makatulong.

Inabot sila ng dalawang araw sa laot. Nang sumadsad sa dalampasigan ang kanilang sinasakyan ay mabilis siyang inalalayan ng binatang makababa ng bangka.
Walang pag-aalinlangan siyang sumunod rito ng hilain siya nito patungo sa bus na malapit ng umalis.

"Huwag kang matakot mayumi, hindi kita pababayaan. "

Napasinghap siya ng gagapin ng binata ang kanyang mga kamay. Tila sila magkasintahan ng mga sandaling iyon. Nginitian niya ang lalaki. Malaki ang tiwala niya rito anuman ang mangyari.                           

NICK

Ilang oras ang itinagal namin sa byahe ng makababa ng terminal ay mabilis akong pumara ng taxi, para magpahatid sa aking condo unit.
Mahigpit kong hawak ang mga kamay ni mayumi na tila mawawala siya oras na mabitawan ko ang kanyang mga kamay.

Nawala na ang aking relo dahil iyon ang ipinambayad ko sa bus na sinakyan namin patungong maynila, samantalang humiram ako sa gwardya ng perang pambayad sa nasakyan naming taxi, dodoblehin ko ang bayad sa gwardyang iyon oras na maayos ko ang mga dapat ayusin, kilala ko naman ang gwardyang iyon at hindi naman mahirap na hanapin ang lalaki sa sulok ng condominium naito. 

"Magpahinga ka na mayumi. "

Iginiya niya sa isa pang kwarto ang dalaga, batid niyang pagod na pagod na ito.

"Salamat..."

Nginitian siya ng dalaga saka ito pumasok sa kwartong inuukupa, kakatukin nalang niya ito kapag naroon na ang pagkaing pina deliver niya.    

MAYUMI

Maayos at maaliwalas ang condo na pinagdalhan sa kanya ni nick, mababakas sa buhay nito ang karangyaan. Nahiga siya sa kama. Napapikit siya ng dumaiti sa kanyang pagod na katawan ang lambot ng sapin. Ilang taon na niyang hindi naranasan ang muling mahiga sa karangyaang kinagisnan, ngunit wala siyang pinag-sisisihang mapunta siya sa isla ng mga igorot. Sa tulong ng lalaki ay tiyak na mamumuhay na ng payapa ang mga tao sa islang iyon, handa rin siyang magpaguhit sa binata makabawi man lamang sa hangad nitong makatulong sa kanila.

Naalimpungatan siya ng marinig ang mahihinang katok sa labas ng pinto. Nabungaran niya si Nick may iniabot ito sa kanyang malaking supot.Nahihinuha niyang mga damit iyon.

"Change your clothes mayumi para komportable ka. At pagkatapos mong magbihis kailangan muna nating kumain. "

Nginitian siya ng binata bago tumalikod.

NICK

Malungkot pa rin si mayumi, kita niya iyon sa mga mata ng dalaga.

"Nick...salamat sa mga damit. "

Liningon niya ang dalaga at natigilan siya sa nakita, di hamak na lalo itong naging kaakit-akit matapos makapag-suot ng matinong damit. Sigurado siyang
pag-aagawan ang kanyang obra oras na maipinta niya ang dalaga.

"Wala iyon...halika, kumain muna tayo. "

Inaya niya ang dalaga at ipinaghila ito ng mauupuan. Kaya pala ganun na lang ang pagnanais ng gobernador na iyon na maangkin si mayumi, ito ang tipo ng babaeng hindi mo pagsasawaang pagmasdan ang mukha.She's also educated and elegant, bukod sa may mabuti pa itong kalooban,patunay ang malaking pagnanais nitong matulungan at maisaayos ang  buhay ng mga igorot.

"Kailan mo nais na ipinta ako nick? "

Natigilan siya sa sinabi ni mayumi.Desidido na talaga ang dalaga.

"Kung kailan mo nais,ngunit sigurado ka na ba talaga mayumi...nude painting ang iguguhit ko. "

Mabilis na tumango ang dalaga.Nakikita niya ang propesiyonalismo sa mukha nito.

"I accept it. "

Lihim siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi nito. Sa pagkakataong ito ay hindi lang ang propesyon ang kanyang iniisip, kundi ang pananabik niyang makita ang kahubdan ng dalaga.

"Damn! How pervert I am!

Mahina niyang minura ang sarili.

MAYUMI

Nude painting....Lihim siyang napalunok at kinabahan sa sinabi ni nick, kung gayon makikita nito ang kanyang kahubdan, ngunit desidido na siya, nais silang tulungan ng lalaki kaya nais rin niyang suklian ang pagmamalasakit nito sa mga igorot. Wala naman sigurong mawawala sa kanya kung iguguhit siya ng hubo't hubad ng binata, makita man siya ng ibang tao ay doon lamang sa obra nito. Nakapagdesisyon na siya doon na siya mamamalagi sa isla kapag maayos na ang lahat. Kahit batid niya sa kanyang sarili na hahanap-hanapin na niya ang presensiya ng lalaking mahalaga na sa kanya.

The Intruder (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon