MAYUMI
Matatapos na ang palugit na ibinigay ni Tim ay wala pa ring Nick na nagpapakita. Kinalimutan na ba ng binata ang ipinangako nito sa kanila? Mariin siyang napapikit. Umasa siyang babalik si Nick, ngunit wala pa ito hanggang ngayon.
"Huwag kang mag-alala mayumi baka bukas narito na siya. "
Nabuhayan siya ng loob sa sinabi ni bitoy. Sana nga tama ang sinabi nito.
Magdamag siyang hindi nakatulog ng gabing iyon. Patuloy siyang umaasa na babalik si Nick,hindi man para sa kanya,sana sa ipinangako man lang nito sa mga igorot.Tuluyan ng binalot ng liwanag ang buong isla ay wala pa rin ang inaantay niya. Sa mga sandaling ito ay tuluyan na siyang napahikbi sa harapan ng mga igorot. Ilang oras na lang ay darating na ang gobernador.
"Huwag mo kaming alalahanin mayumi...maaari naman kaming manirahan sa mga bundok. Huwag ka ng umiyak. Nasasaktan kami sa iyong kalagayan. "
Lumakas ang kanyang paghikbi sa sinabi ni Tata iloy. Napamahal na ang mga ito sa kanya. Sa islang ito ramdam niya ang kasiyahan at kapanatagan ng mga igorot, hindi niya kayang ipagkait iyon sa mga ito.
"Hindi tata iloy, mananatili kayo sa islang ito...mahirap ang mamuhay sa bundok,dito na ang kinagisnan ninyo, batid kong narito ang kaligayahan ninyong lahat. "
"Ayos lang kami mayumi...kesa nakikita ka naming nahihirapan. Si Nick ang may kasalanan nito,pinaasa niya tayong tutulungan ngunit hanggang ngayon wala pa siya. "
Ramdam niya ang galit sa tinig ni bitoy.
"Hwag kayong magalit sa kanya bitoy...walang kasalanan si
Nick. "Sa kabila ng lahat ay nagawa pa rin niyang ipagtanggol ang binata.
Napasinghap siya ng marinig ang ugong ng mga paparating na sasakyang pandagat. Narito na ang gobernador at mga tauhan nito."Asan na ang iyong ipinangako mayumi? "
Napasinghap siya ng ngumisi ito.
"Wala pa kaming pera Tim..."
"Wala? Asan ang lalaking kasama mong nangako? Iniwan ka sa ere?
Tinitigan niya ito ng masama
"Ayoko ng pag-usapan pa siya. "
Ito naman ang natigilan sa kanyang sinabi.
"I knew it...but my offer still on mayumi ...be my wife ang I let them stay here.Ibibigay ko sa kanila ang papeles na magpapatunay na pag-aari nila ang islang ito. "
Napasinghap siya sa sinabi ng gobernador ...at sa katulad niyang gipit sa mga sandaling ito ay hindi na nagdalawang isip pa. Nais lang naman niyang matulungan ang mga igorot maging kapalit man niyon ang kanyang sariling kaligayahan.
Pikit mata siyang tumango sa sinabi nito."Pumapayag na ako. Tinatanggap ko na ang inaalok mo. "
Napapikit siya ng hawakan ng gobernador.
"Tinitiyak ko mayumi, magiging maligaya ka sa piling ko. "
Nginitian siya nito at masuyong hinaplos ang kanyang mukha, nais niya iyong iwaksi ngunit kapakanan ng mga igorot ang kanyang iniisip.
"Mayumi hindi mo kailangang gawin iyan! "
Umiiyak si bitoy habang pilit siyang hinihila nito palayo kay Tim.
Hinarap niya ito at masuyong nginitian."Buo na ang desisyon ko bitoy. Hindi lang ito para sa inyo...napagtanto kong mahal ko pala siya. "
Nakagat niya ang mga labi para hindi kumawala ang kanyang paghikbi...nagawa niyang magsinungaling.Umiling-iling ito.
"Hindi totoo yan mayumi...akala ko si nick..."
"Tigilan niyo na si mayumi...ibibigay ko na sainyo ang islang ito at simula ngayon ayoko ng marinig ang pagbanggit niyo sa pangalan ng lalaking iyon. "
Tuluyan siya nitong hinila papalayo sa mga igorot...tuluyan siyang napahikbi ng isakay siya nito sa yate...sigurado siyang hindi na muling makakabalik roon.Hilam sa luha ang kanyang mukha ng lapitan siya ng gobernador.
"Hindi ako masama mayumi, buong buhay ko isa lang ang nais kong mangyari ang maging asawa ka at mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo. "
Nagsusumamo ang mga mata nito napapikit siya ng pahirin nito ang kanyang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi. Wala na siyang pag-asa kay Nick. Bibigyan niya ng pagkakataon ang gobernador na ito,susubukan niyang bigyan ito ng pag-asa sa buhay niya. Magkababata sila dati at minsan na rin niya itong hinangaan.Kung hindi lang siya nito pinagtangkaan noon ay tiyak na magugustuhan niya ito. Katulad ni Nick ay isa ring makisig na lalaki si Tim mabait rin naman ito. Nagbago lamang iyon ng maupo ito sa pwesto bilang gobernador ng kanilang lugar.
Napapikit siya ng yakapin nito. Hindi na niya tinangkang umiwas pa.
Napasinghap siya ng ihatid siya ni Tim sa kanilang mansion, naroon ang kanyang mama at papa na tila hinihintay ang pag babalik niya. Muli siyang napaiyak ng sugurin nito ng yakap. Napagtanto niyang miss na miss na niya ang kanyang mga magulang."Mayumi ...I'm really sorry darling nagawa naming tiisin ka ng papa mo..."
Lumuluha ang kanyang ina habang yakap siya ng mahigpit.
"Maraming salamat gov, at ibinalik niyo siya saamin. "
"Ang totoo ho niyan ...tinanggap na po ni mayumi ang inaalok kong kasal. "
Napasinghap ang kanyang mga magulang sa sinabi ni Tim. Tuwang-tuwa ang mga ito ng tingnan siya.
"Totoo ba mayumi? "
Nakangiti ang kanyang ina. Wala siyang nagawa kundi ang tumango. Nais talaga ng mga ito na maikasal siya kay Tim.
Maya-maya pa ay nagpaalam na ang binata sa kanila na labis niyang ipinag pasalamat. Pagkapaalam sa ina at ama ay mabilis siyang pumasok sa kanyang kwarto at doon siya umiyak at lumuha ng tahimik.
Na aalala niya si Nick, lubos na niyang iniibig ang lalaki ngunit wala itong pakialam sa kanya.
Mariin siyang napapikit ng kumirot ang kanyang sentido. Sisimulan na niyang kalimutan si Nick sa araw na ito. Tiyak niyang maging ang binata ay nakalimutan na rin siya patunay roon ang hindi nito pagbalik sa isla.
BINABASA MO ANG
The Intruder (completed)
General FictionNicholas Billientes aka nick, was a famous painter slash photographer. He's also an active adventurer. Mountain climbing and hiking anywhere. Cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar, kung saan makikilala niya an...