Chapter 1A

1.1K 15 5
  • Dedicated kay Rhincel Rubio Magallanes
                                        

"Anak! Cellphone mo!" sigaw ni mama

"Opo" sabay kuha sa cellphone ko.

Pagtingin ko sa cellphone ko, Unregistered number. kanino kaya to? Napatingin ako sa Orasan, Shoot! malalate na ako. *Panic Mode*

"Ma, Alis na po ako" at napatakbo na ako sa sasakyan.

"Manong? wala na po bang ibibilis to? late na ko, baka makain ako ni Ms. Gonzales nyan ee"

"Wait Miss, dadaan na po ako sa shortcut." buti may alam si manong na shortcut kundi, sabon ako kay Mam Gonzales.

Yan kasing si Ms. Gonzales napaka-terror, first subject pa naman, AP ang subject nya. Pa-importante eh nd naman Major Subject. Bakit yan pa nauna? diba dapat major muna bago minor? Isipin mo, kahit isang minuto kalang late, Sermon aabutin mo. At huminto na ang sasakyan, andito na pala kami, pinalipad ba ni Manong yung sasakyan? ang bilis eh. syempre dali dali akong pumasok ng building ko.

5 mins. bago mag time, buti nauso elevator dito. Hahaha. mas mabilis makakapunta ng floor ko. At ayun, naunahan ko siya, may meeting pa daw kasi mga chairman eh, swerte ko. ^_____^

Paglapit ko sa upuan ko, ayun, sinalubong ako ng yakap ni Heidi, parang hindi kami nagkita kahapon ah. 

"Ah Heidi,"

"Oh" sagot niya habang nakayakap.

"Bitaw na, may bukas pa" natawa siya sa sinabi ko at ayun kumalas na siya.

"Guys si Ms. Gonzales andyan na!" sigaw ng pasaway kong kaklase. Syempre ayos lahat, gaya nga ng sinabi ko, terror yan.

DISCUSS 

DISCUSS 

DISCUSS 

DISCUSS 

*RING! RING! RING*

*RING! RING! RING*

*RING! RING! RING*

Eksena ng cellphone ko. 

Ang Boyfriend Kong PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon