Chapter 9B

294 5 0
                                    

RACHEL's POV

Kasalukuyan kong ginugulo este inaayos itong mga libro ni Papa Lim. Mukhang bookworm pa ata siya. Wala pa naman akong hilig sa pagbabasa, pero of course golf course, kapag wattpad ang usapan, alam na... Kaming magkakaibigan, mahilig sa wattpad. Pasimuno si Princess eh, Kaya eto kami, nadamay.

"AKO NA NGA! LALO MONG GINUGULO EH!" Sinigawan ako ni Papa Lim. >___<

"Ginugulo ka diyan? inaayos ko kaya." Inaayos ko naman ah. Grabe lang.

"SO PAG-AAYOS NA PALA ANG BAGONG PAGGULO NGAYON! SAKA SABI KO, DUN KA SA MUSIC ROOM MAGLINIS!" napayuko ako nang sabihin niya yun, tama naman kasi siya eh, usapan sa Music Room ako maglilinis.

"Sige." Matamlay kong sabi at dumiresto na ko sa music room na pinapalinisan niya.

"Sandali nga." Nabigla ako nang tawagin niya ako ulit.

"Oh bakit?" matamlay pa din ang pagkakasabi ko.

"From now on, you'll call me Sir Luke." Ha? Ano daw? Sir? Ano ko alila? Sa bahay nga may Katulong ako pero hindi ko sinasabi na tawagin niya kong Ma'am eh. Eh natapunan ko lang naman damit niya eh. >__<

"Ha? Sir Luke? Bakit? Ano mo ko? Alila? Excuse me?"

"Ok, bayaran mo nalang yung damit ko, tapos ang usapan." Kung hindi lang talaga mahal yang natapunan ko. TT^TT

"Yun lang, kung pwede nga lang eh, kahapon pa kita binayaran. Kaso, kapag kumuha ako sa bank account ko, malalaman ni daddy. Baka pagalitan ako."

"Yun na nga eh, so call me Sir Luke."

"Ah, sige. SIR buLUKE"

"ANONG SABI MO?" galit na siya oh. hahaaha.

"Wala po, SIR buLUKE"

"MAGTIGIL KA DIYAN!"

"Bakit naman po ako titigil? From now on diba? SIR buLUKE"

"ANG SABI KO, SIR LUKE HINDI SIR BULUKE!" tumatakbo na ako, siya naman, hinabol niya ko. Haha, parang naglalaro lang kami..

"SIR buLUKE, may ipag-uutos pa po ba kayo?" pang aasar ko. Nye Nye! haha, yun lang eh.

"Don't call me SIR BULUKE, I'm not buLUKE!'

"Edi ano pala? Sir FRESH? hahahaahahaha" 

"Hindi mo ititigil yan?!"

"Ano naman kung hindi ko ititigil?"

"Isa pang tawag mo sakin ng SIR BULUKE hahalikan kita!"

"NO ONE IS STOPPING YOU" tumigil na siya sa pagtakbo.

"SIR buLUKE! ano na?" Lumapit ako sa kanya, hinawakan niya ang balikat ko, inangat niya ang mukha ko... Hala? ramdam ko, umiinit na yung mukha ko. Palapit ng palapit yung mukha niya sa nag-iinit kong mukha. Hala? Mukhang gagawin niya talaga. >___<

"Teka! May nakalimutan pala ako!" Sabay kawala ko sa pagkakahawak sa akin. Grabe mukhang itutuloy niya talaga yun. Parang may gusto din siya sa akin. Haha. Assumera lang? Hay, tatapusin ko na nga to, saka uuwi na ko.

ALINA's POV

Hindi ko padin makalimutan yung sinabi niya. >__< "Baliw ka, kasi IKAW ang MUNDO KO."  Ano bang ibigsabihin niya doon? Hindi ko pa siya natatanong tungkol dun simula noong sinabi niya yun sa akin  eh. 

"Alina, to oh, kain ka muna." Bigay sa akin ni Ate Miya.

"Ah, salamat po." nginitian ko siya.

"Malalim ata iniisip mo ah."

"Ah, wala to ate."

"Haha, halata naman sa'yo na malalim iniisip mo eh, parang hindi ako psychologist para hindi ko malaman ah." siopao! Psychologist nga pala si ate.

"Ah, ano po kasi, ganito yun. May crush ako dati na nagugustuhan ata ako ngayon."

"Eh ngayon ba crush mo pa din siya?"

"Hindi na po ate."

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Para kasing may natitira pa na konti diyan sa puso mo na siyang lumalaban na gustuhin mo ulit siya."

"Hala? Ate, Wala na po talaga swear!"

"Naku! naku! sakin pa nagsinungaling."

"Oo na po ate, meron pa, pero sabrang konti nalang, feeling ko kasi pinaasa niya ako eh."

"Bakit mo naman nasabi yun? Malay mo naninigurado lang ng feeling niya."

"Ate, ilang taon ko sakanya pinakita na may pagtingin ako sa kanya, pero ano? Binabalewala niya lang ako. So ano ngayon kung gusto niya ko? Pagod na ako teh."

"Alam mo kasi, mahirap sabihin na siya na nga."

"Yun nga ate, feeling ko, hindi kami para sa isa't isa."

*bzzzzzzt. bzzzzzt*

1NewMessageRecieved

Fr: Paasa (Ian)

Punta kang library bukas, may sasabihin ako,

-end-

Speaking of the Devil. Hay.. Ano kaya yun?

"Sino yung nagtext?" tanong ni Ate Miya.

"Edi si Paasa."

"Anong sabi?"

"Pumunta daw akong library bukas, may sasabihin siya."

"Pupunta ka?"

"Pag-iisipan ko pa teh."

"Pag isipan mong mabuti. Matulog kana nga. Anong oras na oh, gising ka pa."

"Eh kasi dapat kanina matutulog na ako, tapos may istorbo."

"Hay, sige na, matulog ka na. Night."

"Sige, ikaw din teh, night." 

Siopao! pupunta kaya ako? Bahala na...... Si batman? Anong magagawa nun? Hay... Bahala na.

--------------------------------------

Enjoy nalang, walang masabi si Author eh.

~Author CJ

Ang Boyfriend Kong PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon