Chapter 14A

209 2 2
                                    

DAHPNE's POV

Anong date ngayon? July 19. NINETEEN, NINETEEN, NINETEEN.  I hate this number. Di ko alam kung bakit pero tuwing 19 minamalas ako. NINETEEN ngayon at namatay si lolo, ang kaisa-isahang kamag-anak ko na alam yung kay Denver, yung kaisa-isahang tao na pumayag at tumulong saming dalawa. Yung kaisa-isahang lolo ko na sobrang bait at mahal na mahal ako. Yung kaisa-isahang lolo na naiintindihan ako. Yung kaisa-isahang kamag anak na ramdam ko yung suporta sa kahit anong gawin ko. Si lolo patay na. Kanina, tumawag sakin si asst. Yoon ni lolo, ako ang unang kamag anak niya dito,  ako yung nakakita ng pagkalagot ng hininga niya habang nakikipaglaban siya para mabuhay. Pero wala na si lolo, wala na yung nakakaintindi sakin... Yung mula sanggol ako siya na yung halos lagi kong kasama. Lagi akong pumupunta sa office niya para lang makasama siya... Pero ngayon? Wala na. Wala na talaga. Wala na siya. Gusto ko pang sabihin yung mga nangyari samin ni Ver, kasi naman nung mga panahon na yun nasa kompanya siya. Iniintindi yung problemang nagawa ni tito. Kaya wala na akong pagkakataon na sabihin pa sakanya yun. Gusto ko pa sanang umiyak, humagulgol... Pero wala nang lumalabas na luha sa mga mata ko. Napakasakit... Ang sakit talaga. Mahal na mahal ko siya, nasabi ko na sakanya yun, siguro naman ramdan nya yon. Ayoko talaga... Parang hindi ko kaya... Wala akong mapagsasabihn ng mga nangyayari sa buhay ko... Dahil kapag sinabi ko sa iba (kamag-anak ko) mapaparating yun kay mama. Ayoko na... Noong nalaman nga ni mama yung tungkol samin ni Ver, Muntik na akong palayasin sa amin at atakwil.... Pero nandoon si lolo para kausapin si mama. Ansakit talaga. Yung mula sanggol ka hanggang paglaki mo kasama mo siya pero dahil sa isang nakakabwisit na sa kit ay mawawala nalang siya... Kahit madami pa kayong pera... Kapag oras na ng isang tao, wala na tayong magagawa. NINETEEN. Ayoko talaga ng number na yan. 

"Dahpne?" sabi nang pinasan ko.

"Ay NINETEEN! Kuya Gian naman eh... Wag ka na nga dito. Alis!" pilit ko sakanya.

"Malalim yata kasi iniisip mo eh"

"Ano naman sa'yo?"

"Pinsa kita syempre, nag-aalala ako sa'yo"

"Nako! Kayo pa?! Nag-alala sakin?! Kelan pa?!" pasigaw kong sabi.

"Lagi."

"Lagi? Lagi nyo nalang akong pinapahamak."

"Ako?! Luh?! Kelan kita pinahamak?!"

"Basta! Lagi nalang. D-dun ka na nga!" Wala na. Ayan na umiiyak nanaman ako.

"Bakit ba? ikaw na nga itong inaalala ko eh."

"Ayoko! Umalis ka!" Hinahampas ko na siya at tinutulak palayo.

"Alam ko naman ang nararamdaman mo, ikaw ang pinaka-close kay lolo." Niyakap na niya ko para mapigilan yung paghampas ko at huminahon ako.

"Dahp... Nandito pa naman ako. I'll promise that I will protect you as lolo did. I will keep your secret like lolo kept your secrets. I will make you laugh and I will love you like lolo did. I will be your crying shoulder and I will be a good kuya to you. Alam mo naman na kahit medyo pasaway ako pagdating sa inyo I'll do my best para mapasaya kayo. Kaya tumahan kana baby sis." lalo akong napaiyak sa mga sinabi niya. 

"Kuyaaa Giaaaan, Sa-salamat Ha?" Niyakap ko siya ng mahigpit at.... at..... Nandito si Denver. Nasa may malayo. Nakita ko nalang siya papalayo na kung nasaan kami ni kuya Gian.

"Denver!" Napatigil siya sandali pero tumakbo na siya ng mabilis.

"Kuya Gian, Si--- Si--- Denver... Wa-wala na kami." Bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko. Binigyan ako ni kuya ng panyo niya.

"Bakit? Anong nangyari?" Mahinahon niyang tanong.

"Kasi naman kuya siya eh. Hindi ko alam kung ako lang ba talaga eh."

"Ibig sabihin hindi ka nagtitiwala sakanya"

"Kuya... Alam mo naman na nagtitiwala ako sa kanya pero doon sa babae na laging nagme-mention sa gm niya.. Dun! Wala akong tiwala.

"Pero sino nakipag-break?"

"Ako"

"Ikaw naman pala eh.."

"Kuya, sabihin na nating kasalanan ko, pero masisisi mo ba ako kuya? Masakit para sa akin yoon pati nadin nabigla nalang din ako nung nakipag-break ako sakanya. Ayoko pero yun ang lumabas sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit ganon."

"Kasi Dahpne... Masakit para sa iyo iyon... Ikaw kasi yung tipo ng tao na makulit pero madaling maiyak."

"Ah kuya...."

"Ano yun?"

"May bibilin lang ako sa labas." 

"Samanhan na kita."

"Hindi kuya. Ayos lang. Ako nalang."

"Sure ka?"

"Opo kuya. sandali lang naman ako ee. Dadaan nadin ako ng bahay. Pupuntahan ko si Ade."

"Sige. Hatid na kita sa labas. Kamustahin mo na rin sakin si Adelle"

"Opo kuya." Hinatid niya na ako sa labas ng ospital. Pupuntahan ko si Ade kasi naman wala siyang kasama sa bahay. Mag gagabi na din eh. Sina ate Jen kasi nasa ospital din.

Dumeretso na ako sa isang resto, Nag take out ako para samin ni Adelle. Nakakapag taka lang... Kanina pa tong PULANG MOTOR na to na sumusunod sa akin, malapit na ako sa bahay. Nilapitan nya na ako.

"Dahpne? Dahpne Palan?"

"Yes? Bakit po?"

"Asan parents mo?"

"Ah. Wala po sa bahay ee. Nasa ospital po. Sino po sila?"

"Sumama ka nalang sa akin." Sabay hawak niya ng mahigpit sa braso ko. Nanghihina na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Isinakay niya ako sa bandang harap ng motor niya. Naiiyak nalang ako sa mga nangyayari. Napapalayo na kami sa bahay. Iniisip ko yung kapatid ko. Baka kung ano nang nangyayari sa kanya. Nagba-vibrate yung phone ko. Sino kaya to? Hindi ko naman masagot kasi baka ihagis niya pa tong phone ko. Ano nang gagawin ko?

Bigla nalang may humarang na blue na sasakyan sa harap namin. Hindi ko maaninag yung mukha kasi puno ng luha yung mga mata ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

-----------------------------------------------------------------

Opps! Nag-UD, bago yun ah. XDD Kamusta? Buhay pa ba yung mga nag babasa nito? O Nainip na kakaintay ng UD? Haha. Sorry naman neh? Medyo nag enjoy sa buhay eh. XD

Sino kaya yung kumuha kay dahpne? At sino yung naka kotseng blue? Sasagipin kaya siya o lalong lalala ang mga pangyayari? Yiieee Abangan nalang sa next UD. :D

Oy. yung UD na to ay para sa nag request Alyana Mae Estellado, Dahpny Allaine Claro at para sa naiinis kasi matagal akong mag UD na si Justine Vargas. :D :* Mahal ko kayo. :D

~Authoress CJ

P.S. Sana naman mabasa nyo agad. :D

Ang Boyfriend Kong PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon