ALINA's POV
Siopao! Siomai! Pandesal na may ham! Naku po? Andito na sila, tapos nandito si Ian. Baka kung ano isipin nila. Jusme! Bakit ngayon pa?
"Alina, Sina Princess nandito na. Bumaba kana." sabi ni mama mula sa baba.
"Opo, nandiyan na po." dali dali akong bumaba para salubungin sila.
Pagkababa ko, Nakita ko sina Heidi at Princess, kausap si Ian. Naku! Ano kaya mga sinasabi nito?
"Cess, Di, Tara na." marahan kong sabi.
"Eh ako hindi kasama?" biglang sabi ni Ian.
"Kung gusto mo bang maiwan eh, why not?" pabiro kong sagot
"Eh pano ba naman kasi hindi mo binanggit pangalan niya, kami lang ni Heidi ang sinabihan mong tara na." sabi namn ni Princess.
"Understood na yon, common sense." Sagot ko, nakakahiya kasi eh, dati kong crush ngayon sinusundo ako? Ang haba naman nang buhok ko, kasi marami din ang nagkakagusto sakanya.
PRINCESS's POV
Lumalablayp si Alina ah, may taga-sundo pa talaga. Hays. Ako na single, teka, hindi panga nanliligaw si Ian eh, ano ba tong iniisip ko. >__<
"Alina, dalian mo, dadaanan pa natin si Rachel."
"Oo na, Tara na."
"Maiiwan ako?" singit ni Ian
"Jusme! gusto mo na dito sa bahay?"
"Psh! Tara na, 6:15 na oh, dapat before 6:30 nakina Rachel na tayo."
"Ian, sabayan mo naman si Alina sa paglalakad." ^_____^ teka, parang kinikilig si Heidi, meron ba akong hindi alam?
"Heidi!" sabay hila sakanya.
"Oh? bakit?"
"Meron ba akong hindi nalalaman sa dalawang yan?" pabulong kong sabi.
"Ha? Wala naman, hindi pa sila noh? Hindi ganun kabilis bumigay si Alina." pabulong sin ang kanyang sagot.
"Anong pinagbubulungan niyo diyan?" tanong ni Alina.
"Ah, wala po." ^__^ sagot namin ni Heidi.
Nakarating na kami sa bahay nila Rachel, mabilis naman siyang lumabas.
"Rachel, IMISSYOU" lapit sabay yakap ni Heidi kay Rachel.
"Parang kahapon lang kasama mo ako ah. Grabe ka talaga maka-miss."
"Eh bakit ako kanina walang hug? Nakakatampo ah." Pabiro kong sabi.
"Ehh, eto naman, parang yun lang eh." Sabat ni Ian.
"Eh, Ikaw ba kausap ko?"
"Eh sinabi ko ba?"
"Hep! Hep! tama na yan Ms President." pag-aawat ni Alina.
"Eh bakit? ayaw mong makitang naaasar ang EX-CRUSH mo?" haha, minsan, masarap mang asar eh.
"Ha? Hindi ah." sagot niya.
"Hahahaha, DEFFENSIVE!" sabay sabay namin nila Rachel na sabi.
"Tama na yan, tigilan niyo si Alina."
"Eto naman PROTECTIVE."
"Tama na Princess." Awat ni Heidi.
Habang naglaalkad kami, biglang may humarang na kotse sa aming dadaan. At lalaki ang nasa loob, siya ata yung Sikat na Basketball Player sa Campus eh, basta, hindi ko kilala eh.
"Heidi, tara, sakay ka na." sabi noong lalaking nasa loob ng sasakyan.
O__O <----- kami yan.
"Ha?" yan nalang ang nasabi ni Heidi.
--------------------------------------
Pabitin po, haha, Sorry, hindi nakapag UD nang 2days? Thanks sa mga nagbabasa. :))
~Author
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Poser
Teen FictionPaano kung ang matagal mo nang minamahal eh hindi pala siya? mamahalin mo pa ba siya o iiwan na? Tatanggapin mo ba siya sa ginawa niya para lang mapalapit sayo? o kakalimutan mo nalang lahat ng pagsasama ninyo?