RACHEL's POV
Hapon na, mag-uuwian na! Yesh! 3rd day ko na kina Papa Lim! 4 days nalang!
"Rachel! Pustahan tayo mamaya! May laban ang B-meg at Ginebra! Ginebra ko!" Si Marco Parco yan, kapag hindi ko kasama sila Princess eto kausap ko, Payatot to, walking skeleton nga eh.
"Sige ba! Basta! B-meg ako."
"Magkano pusta mo? Ako 1k."
"Kuripot mo uy! Yaman-yaman eh! Ako 5k!"
"Sige na nga, 3k na akin." yun oh!
"Duke ikaw? Pupusta ka?" Si Duke naman, yan yung lalaking payatot na matalino.
"Ha? hmm.. SIGE!"
"Magkano?" galante to, wag ka!
"7k, Ginebra ko." Haha! 10k all in all.
"Handa nyo na mga pera nyo ha? Matatalo yang Ginebra niyo diba Ej?" Yang si Ej, lagi ko yang kakampi sa pustahan.
"Oo nga, kaso hindi ako makakasali ngayon eh, Talo ko sa pustahan sa Dota."
"Ayos yun! Solo ko ang 10k!"
"Hay kung may pera lang ako eh." Nakita ko na si Papa Lim doon sa labas ng room.
"Sige, may pupuntahan pa ako eh. Bye! Basta yung 10k ko bukas ha?" Yiiieeee! Kasama ko nanaman si Papa Lim papunta sa napakagandang bahay niya, at syempre makikita ko nanaman siyang mag piano.
PRINCESS's POV
Lahat sila busy... Si Dahp kasama si Claro, nagdate ata.Si Cielo naman niyaya ni Dominic, yung manliligaw niya. Si Jenny, andun sa room, naggigitara, puro chicks kasama. Si Rachel, nakina Luke na. Si Heidi naman, pinagtataguan yung dalawa (Daniel at Jason) kaya umuwi na agad. Buti pa si Alina sinasamahan ako.
"Buti hindi ka busy tulad nila?"pambasag ko sa katahimikan.
"Ah... Actually...." mukhang iiwan ako nito ah.
"Ano?"
"May pupuntahan sana ako." sabi na eh. =___________=
"Saan? Samahan na kita?" samahan ko na, boring eh.
"Eh. Wag na." Bakit kaya ayaw nito?
"Eh saan ba? Baka naman pwede ko."
"Sa library..." Sa library lang pala, tama! makapag-basa nalang.
"Dun lang pala eh... Samahan na kita." Pagpupiumilit ko.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Poser
Teen FictionPaano kung ang matagal mo nang minamahal eh hindi pala siya? mamahalin mo pa ba siya o iiwan na? Tatanggapin mo ba siya sa ginawa niya para lang mapalapit sayo? o kakalimutan mo nalang lahat ng pagsasama ninyo?
