Chapter 13 Part3 (Yiiiee! 13th chapter)

212 4 2
                                    

RACHEL's POV

"Sandali lang... Eto na nga." hindi ko kasi matapos yung paggawa ng ribbon dito sa upuan na'to. Hay! wala talaga akong talent dito. =_____________=

"Kasi ganito yan." Agaw sakin ni Justin Joel... Teka?! Justin Joel?! Long time crush ko?! Teka, bakit 'to nandito?!

"JUSTIN JOEL?!"

"Oh? Bakit?"

"DIba nangibang bansa kana?"

"San mo napulot yan? Umuwi lang ako ng province, tapos dun nag-aral... Pag hindi nakita nang matagal nangibang bansa agad?!"

"Oo na... Hindi na, Bakit ka nandito?"

"Tutulong malamang, kaibigan ko kaya si Denver."

"Ay! Oo nga pala..."

Pagkasabi ko noon, Namayani ang katahimikan, teka? Namayani... Makata na ako. 

"Napapangiti ka diyan?" isang boses mula sa likod ko ang narinig ko, at hindi ako nagkakamali... Si LAL yun. Boses palang alam ko na. Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na narinig ko, Tama si Luke Alvarez Lim nga. Teka... Ano tong nakikita ko?

 'WILL YOU FORGIVE ME?' At nakaluhod si LAL with flowers na violet pa at may cake din. Hala? 

"Rachel Magallanes... Please forgive me. Sorry sa mga nagawa kong pagkakawawa sa'yo. Yung mga pinagawa ko na nahirapan ka, Ok na yung piano at coat ko... Nakabili na ako ng bago ta napaayos ko na. Hindi ko naman alam na nasaktan kana sa mga ginawa ko... Hope you'll forgive me and let's be friends" Yan ang narinig ko mula sa kanyang mapupula at kissable na lips. Hala?! Ano ba tong iniisip ko? Saka... Tama ba yung narinig ko? FRIENDS daw? Akala ko pa naman... Hay nako, mahirap talaga mag assume.

"Rachel? Tinatanggap mo ba ang paghingi ko ng tawad?" 

"Ah... Eh... Oo, sige. FRIENDS?"

"Oo naman! Oh yan, wala na akong atraso sayo." with nakakalokong smile. Akala ko ba friends na, eh bakit nakakaloko yung smile niya?

"Teka, bakit ganyan ka kung makangiti? Anong meron?"

"Ha? Wala naman, kasi friend ko na yung Friend ng pinsan ko."

"Ah. Ge." Lumayo na ako sakanya para ipagpatuloy ang ginagawa ko.

"Rachel!" Sigaw naman nang isang babae. Paglingon ko, si Alina na pala... Tapos na ata silang mag-order ng mga bulaklak, Hindi ko din napansin, madami na palang tao ngayon na tumutulong sa pag aayos nitong school.

"Oh? Bakit?" Malumanay kong sagot.

"Bakit ka may bulaklak? Andaya ako wala."

"May nanliligaw na kasi sakin." Hahaha. Nako, nako... kung alam mo lang. Friends nalang kami ng crush ko dati.

"Siopao naman oh! Bakit sakin wala?" Naiinis niyang sagot.

"Kasi maganda ako." Sabay pa flip ng hair ko.

"Hala?! Maganda din naman ako eh." Humirit pa.

"Eh bakit kasi hindi mo payagan si Ian na manligaw?"

"Eh, ayoko na dun noh?! Saka alam ko may gusto na siya."

"Oo nga, meron na."

"Eh?! Sino ba?"

"Ikaw..."

"Hindi kaya ako naniniwala na may gusto na sakin yun. Sa tinagal tagal na yun ngayon niya lang na realize na may gusto siya sakin... Kung meron man."

Ang Boyfriend Kong PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon