HEIDI's POV
Maaga kaming papasok bukas. Wiiii! Masaya nanaman to! Matutulog akong maaga syempre. Wiiii! kanina online si Ian, umamin siya sa akin na may gusto na DAW ata siya kay ALINA. Hala? Baka maging sila? Eh ngayon mababawasan nanaman ang mga single sa magbabarkada. >.< eh ako kaya? kelan dadating ang mga ganyan? AY! Erase, hindi, studies muna. Bawal! Bawal!
"Heidi? Anong iniisip mo diyan at ganyang ang ekspresyon ng mukha mo?" Hala? si mama.
"Ay, Ma, wala po, Maaga nga po pala kaming papasok nila Alina kaya po sana po magpapagising ako." Ang galang ko ata ngayon? haha, madalas ang pag-uusap namin eh parang barkada lang.
"Sige anak, Ano ba kasi yung iniisip mo at namumula ka kanina?" Wiiii? namumula ako? Bakit kaya? hala?
"Hala ma? Ako mamumula?"
"Oo kaya, Siguro may boyfriend kana noh?"
"Hala? Crush nga wala, boyfriend pa kaya?"
"Anak, napagdaanan ko nayan. Dati din, nagtatago ako, kaya umamin kana anak. mAs mabuti na na alam ko kaysa malaman ko pa sa iba." iiihhh? si mama? talaga? sa mala-anghel niyang mukha na pinagmanahan ko DAW?
"Ma, pano ako aamin kung wala naman akong aaminin? Baliw ka ba?"
"Pero anak, eto lang ah, kapag may nanliligaw sayo, gusto ko, ipakilala mo at dito sa bahay, para makilatis. Para makita din namin ng Papa mo na pursigido talaga."
"Hala ma? Sakin? may manliligaw? Kelan pa yun?"
"Anak, hindi mo lang alam, maraming nagkakagusto sa napakaganda mong mukha na nagmana sa akin."
'Eh, mama talaga, opo, masusunod. Ako naman po ay open sa inyo eh, Sige po, GoodNight ILOVEYOU" with kiss pa sa pisngi nya.
"Sige, Iloveyoutoo, basta ha?"
"Opo ma, ang kulit?" pagkatapos ng pag-uusap na yon, napaisip tuloy ako, talaga kayang may nagkakagusto sakin? Sinong magtatangka? Hay, makatulog na nga.
RACHEL's POV
Hay bukas, maagang papasok... Para saan nga ba? Syempre wala lang, pupunta kaming library. Magbabasa, uso din pala samin yun? haha. Hindi lang halata pero nag-aaral din kami.
"Ma, bukas po papasok kaming maaga nila Alina, punta kaming library." pagpapaalam ko.
"Sige anak. Matulog kana, paghahanda nalang kita bukas ng agahan mo.' mahinahong sagot niya.
"Opo ma," pagkatapos noon ay nagpunta na ako sa napakaganda kong kwarto, syempre lahat pink kasi nga favorite ko. hahaha, hindi naman halata.
PRINCESS's POV
Nakauwi na rin. Si RJ may pupuntahan pa daw, kaya ayun. Wala pa siya. Hay! bakit ko ba siya iniisip? Makapag-shower na nga. Pagkatapos kong magshower, nag-vibrate ang cellphone ko.
*bzzzzzt bzzzzt*
1 New Message
Fr. Alina
Pasok tayo ng maaga bukas ah.
-end-
To: Alina
Opo.
-end-
Maaga nga pala kaming papasok bukas. Hay, Buti nalang walang magulo ngayong gabi.
*bzzzzzt bzzzzt*
1 New Message
Fr: Heidi
May Chika ko bukas, see ya nalang. Tulog ng maaga ah.ILOVEYOU :*
-end-
To: Heidi
Opo. ILOVEYOUMORE. :*
-end-
*RING RING RING*
RJ CALLING.......
09***********
"Oh? Bakit?"
(Ano, diba may assgnment tayo?)
"Oh? Anong meron?"
(paggawa naman oh? May inaasikaso kasi akong importante eh.) Mukhang totoo ah. hay.
"Eh, ayoko nga, bahala ka diyan" *tooooooooooooot* Ayoko nga, ginawa pa akong taga gawa? hay naku. Matutulog na ko, nagawa ko na naman kanina yung assignment pagkabigay palang eh. Bago ko matulog, mag gm muna ako.
Send To Many:
Goodnight.
Daming pangyayari kanina. :| Ok, chika ko? wala naman, tayo'y matulog na. Sweet Dreams.
GM
~Cess
-end-
Pagkasend may nagreply pa, Takte, bukas na yun.
IAN's POV
*KINABUKASAN*
Kaya ko to. masusundo ko din si Alina, pero hindi pa ako sigurado, nasabi ko na nga kay Heidi na parang nagkakagusto na ako kay Alina eh, nabanggit din niya na maaga silang papasok ngayon. Takte naman! bakit ba ang hirap ng sitwasyon ko ngayon? Ano na ba talaga? Para kasi Special na ang tingin ko sa kanya eh. Simula kahapon parang na-realize ko na importante siya sa buhay ko. Andrama ko masyado. Kasalukuyan akong nasa tapat ng bahay nila Alina, mula dito, 5:30 am palang Tanaw ko ang kanyang kwarto, bukas na ang ilaw nito kaya ito ang senyales na gising na siya. May narinig akong matamis na boses na kumakanta, ang ganda nang boses na iyon, puwede na kaming mag duet. Kanino kaya yun?
Biglang maynarinig akong tunog na parang pagbubukas ng bintana. At ang nakita ko ay isang magandang tanawin, Si Alina, nakadungaw, Hay, buti dala ko gitara ko.
"Alina" Mahingang banggit ko.Tila hinahanap niya kung saan nanggaling ang pagtawag na iyo.
"Alina, dito sa baba."
"Ah, ikaw lang pala Ian eh, akala ko kung sino eh. Oh? Aga aga nandito ka?"
"Ah, susunduin dapat kita eh. Kaso mukhang di ka pa ready."
"Siopao! Ano?
"Sabi ko susunduin sana kita, Dapat sasabihan kita kagabi kaso nga lang nagloko internet namin, nung naayos na, offline ka na."
"Weh? Sino naman nagsabi sayo na maaga ang pasok namin."
"Ako pa? Marami akong source."
"Source ka pa diyan, Pumasok ka na nga muna." dali dali niyang binuksan ang gate para sa akin. Nakaligo na pala siya, magbibihis na lang nang uniform at kakain
"Anak, sino yan?" tanong nang medyo matandang babae sa loob.
"Ma, si Ian po, kaklase ko." Ahhh, nanay pala.
"Kaklase? bakit ang aga naman ata masyado?"
"Ewan ko po diyan." sagot niya.
"Teka, kumain ka na ba?"
"A-ako?" nauutal kong sagot.
"Ay hindi ata? Eh sino pa ba?" Sarcastic niyang sagot.
"Ah, oo naman."
"krrrrrrr" biglang tumunog ang aking tiyan.
'Oo nga, kumain ka na nga. Hahahaha" Ang cute niya. "Tara na nga dito, sabayan mo kami.
"Eh, nakakahiya."
"Sus, nahiya ka pa?" sagot niya, wow ah, makapal ba mukha ko?
"Sige na, sumabay kana dito" wala na akong magagawa, mama na niya ang nagsabi, oo, hindi pa ako kumakain. Nagmadali kasi ako kanina, baka kasi hindi ko siya maabutan. Sabay na nga kaming kumain ng pamilya niya, pagkatapos niyang kumain, nagpaalam na siya sa mamay niya na magbibihis na siya.
6:00 am, dumating sina Heidi, mukhang gulat silang nandito ako. Nakakahiya naman. >_<
----------------------------------------------
wiii, everyday update ang peg. haha. Hope you like this chapter. ^______________^
~Author
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Poser
Fiksi RemajaPaano kung ang matagal mo nang minamahal eh hindi pala siya? mamahalin mo pa ba siya o iiwan na? Tatanggapin mo ba siya sa ginawa niya para lang mapalapit sayo? o kakalimutan mo nalang lahat ng pagsasama ninyo?