Chapter 8A

324 6 2
  • Dedicated kay Haydee Mira
                                    

HEIDI's POV

Waaaah! Habang naglalakad kami, may sasakyan na humarang sa harapan. 

"Heidi, tara, sakay ka na." si... si... si... Daniel?

O__O <----- kami yan.

"Ha?" 

"Sabi ko, sumakay kana." sabi ni Daniel.

"A-ako?"

"Bastuga ka naman pala eh, sino ka ba para utusan si Heidi na sumakay? Saka, ayun nalang ang school oh, parang wala pang isang minuto, katapat mo na ang harap ng gate." Sabi ni Princess

Bigla siyang bumaba ng sasakyan, nilapitan niya ako.......

malapit na malapit..... 

Sobrang magkalapit na ang mukha namin, konti na lang magkadikit na ang mga mukha namin. Kyaaaaah!!!! Ang gwapo niya. >////////////<

"Si Daniel ba yun?" May mga babae na nakakita ng pangyayari.

"Ano kaya niya yun?" sabi pa nung isa.

"Baka girlfriend" sabi pa ulit nung isa.

"Baka nilalandi niya si Daniel, siya? papatol diyan? Bumaba na ba standards ni Daniel?"

"Hoy! Kayong mga babaita diyan!" Nagulat ako noong sinigaw yan ni Rachel.

"Oh? kami ba?" sagot nila.

"Ay hindi, may iba pa kasing nandiyan eh. Shunga lang?" 

"Oh? Anong meron sa amin?"

"Huwag ninyo ngang pinag-chi-chismisan ang kaibigan ko. Wagas kayo ah? Harap harapan ang peg?"

"Pinagsasabi mo?"

"Wag nang mag malinis, basta ba lumapit nang ganyan si Daniel, nilalandi niya agad? Hindi ba pedeng may gusto sakanya si Daniel?" Singit ni Princess.

"Hala? Princess, tama na yan." pagpipigil ko, lalapit na sana ako kay Princess pero, hinawakan niya ang kamay ako, at akmang parang hahalikan niya ako ngunit iniwas ko ang aking mukha.

"Ano yan Si ate pa ang chusa?" (Chusa=Choosy)

Susugudin na ni Rachel ang dalawa nang biglang pinigilan siya ni Princess.

"Rachel, wag ka nang mag-aksaya ng effort diyan, mga kulang yan sa CS"

"CS? ano yun? CallSign?"

"Ay ate? Shunga lang? Common Sense ho yun." singit ni Alina, kanina pa yan nagtitimpi, hindi kasi pala-away.

"Alina, wag nang patulan" etong si Ian puro si Alina inaasikaso. hay....

"Mga section D nga naman. tsk.."

"SABUNUTAN NA YAN! SAPAKAN!" andito na pala si Jenny.

"Hoy, eto talaga, bunganga mo uy!" Sabi ni Rachel.

"Oh? Bakit naman? Sapakin ko yang mga yan eh."

"Uy. Tama na yan. Akin lang yang si Heidi." sabi nang isang lalaking humawak sa kabilang kamay ko, Hala? ako pa daw ba ang pinag-agawan? pwede naman na si Rachel, eto, chiks yan, clumsy nga lang. :/ nakakatanga naman oh? Sino ba tong lalaking to?

"Hoy! Agaw eksena ka ah." Sabi ni Daniel.

"Teka, si Jason yun ah." sabi nung mga babae na kanina pa ako hinuhusgahan.

"Oo, yung top 1 sa 4-A" hala? 4th yr. na pala to. >_____< putakte, gugunaw na ba ang mundo? Bakit ako pinag aagawan?

"BUMITAW NGA KAYO!" pero hindi padin nila tinatanggal ang pagkakahawak sa aking kamay.

"ISA! HINDI BIBITAW?" Bumitaw na din sila sa wakas. Wooooh! Sabay takbo. Hahaha.

ALINA'S POV

 "BUMITAW NGA KAYO!" Sigaw ni Heidi, pero hindi pa din sila bumibitaw.

"ISA! HINDI BIBITAW?" Ayun, bumitaw din, eto namang si Heidi, pagkabitaw sabay takbo, kaya eto kami, sinundan naman siya... Pagtakbo namin, Hala? Si Ian, hinawakan ang malalambot at maganda kong kamay.

"Hoy! ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Sambit ko.

"Ano pa? Edi hinahawakan ang kamay mo."

"Alam ko, hindi ako shunga."

"Alam naman pala eh."

"eh bakit kaylangan hawakan?

"Sabi kasi nila, alagaan daw ang mundo eh."

"Hala? Kinalaman ko? Alam ko may pagka-environmentalist ako pero wagas ha?"

"Baliw ka, kasi IKAW ang MUNDO KO." napatigil ako sa sinabi nya na yon, Ako? Anong ibigsabihin niya doon?

---------------------------------------

Magandang gabi, Update lang. :))

~AUTHOR 

Ang Boyfriend Kong PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon