Chapter 14B

235 4 9
                                    

DAHPNE's POV

Kasalukuyan akong nakasakay sa motor na 'to. Sa harap niya pa talaga ako isinakay dahil daw hindi balance kapag sa likod. Unti-unti siyang umaabante at nararamdaman ko ang kanyang *TOOT* ayoko man itong mangyari... Iniisip ko lang kapakanan ng kapatid ko, Kasi baka kapag hindi ako sumama sa kanya sundan niya ako hanggang bahay. Sakto na si Ade lang ang nasa bahay dahil nga kay lolo. Nako! Wala na akong magagawa kundi umiyak na lang. Baka anong gawin nito sa akin... Baka-raypin ako nito... o kaya ibenta... o kaya ibugaw ako nito. Nakooo! hindi ko pinangarap kahit minsan yun sa buhay ko. Malas talaga ang NINETEEN! Nanlalabo na yung mga paningin ko dahil sa mga umaagos na luha ko. Sandali.... Biglang huminto yung motor na sinasakyan ko. Blue.... Blue na sasakyan. Hindi ko maaninag yung mukha noong nakasakay dahil nga sa luha ko. May bumaba galing doon at sinuntok yung lalaking nagsama sa akin.

Te-teka... Totoo ba tong nakikita ko? Si..... Si De----

"Tara na, wag kna umiyak" Si... Si... Si.. Denver? Papalapit na siya sa akin... Pero... Yung lalaki, tumayo at pasugod na kay Denver.

"Ilag!" Pagkasabi ko nun, tumungin siya sa likod niya at nakita niya yung lalaki, sabay ilag niya sa suntok noong lalaki.

Ngayon ay nagsusuntukan sila sa harap ko, Wala akong magawa kundi ang umiyak nalang. Nakikita kong nasasaktan si Denver. Nang napuruhan na yung lalaki, isinakay niya yung lalaki sa likod ng sasakyan niya, ako naman sa harap, sa tabi niya. Dumiretso kami sa Police station para i-report ang nangyari, Pina-kwento nung mga pulis ang mga nangyari, habang kini-kwento ko yung mga nangyari, naiiyak nalang ako... Feeling ko ang tanga-tanga ko, Ang tanga ko nang sumama ako sa lalaking yun, pero tama lang din dahil kung hindi, baka pati kapatid ko nararamdaman tong trauma na nararamdaman ko. Nakita ko siya may kausap sa phone.

"Ah... Sino yan?" tanong ko sakanya.

"Si Princess, sinabi ko na sakanya yung nangyari, Kaylangan magamot yang sugat mo, punta tayong clinic." Sagot niya.

"Sige, Pwede ko ba siyang kausapin?"

"Sige lang" Sumakay na kami sa sasakyan niya at dinala niya ako sa isang ospital na malapit sa police station na pinagdalan niya dun sa lalaki. Ospital na kasi walang clinic na malapit. Ikkwinento ko din kay Princess kung anong nangyari at bigla siyang nagdali-dali na pumunta sa ospital kung saan ako dinala ni Denver.

"Denver..."

"Oh?"

"Thank you ah, kung wala ka baka..."

"Wag mo nang isipin yun, Kalimutan mo na." Bigla niya akong niyakap at dahil doon ay naiyak na ako. Kasi naman, kung wala siya, baka kung ano na ang nangyari sa akin.

"Dahpne!!!!!!!! Dahp! Dahp!" Tawag niya sa akin.

"Princess, Nandito kami." Sigaw ni Denver.

"Dahp! Ayos ka na ba? Tanga ka kasi ee, sumama ka."

"Waaaaaaa~ Princess, Di ko kasi alam gagawin ko kanina ee." Si Ver, Palabas na nang kwarto ko.

"T-teka." Tumigil siya sa paggalaw.

"Dito ka lang..." Pagtuloy ko.

"May gagawin pa kasi ako, Si Princess na maghahatid sa'yo. Ingat nalang kayo." Ngumiti siya pero halatang peke.

"Importante ba yun? Mas importante kaysa sakin?" Di siya makasagot.

"Dahp! Nako, hayaan mo muna siya, hindi pa oras para mag usap kayo." Ngumiti si Princess, Dahil sa sinabi niyang yun hinayaan ko nalang si Denver na umalis.

"Cess, tingin mo tama yung ginawa ko na pakikipaghiwalay kay Ver?"

"Depende, Mas naging better ka ba nung ginawa mo yun?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Boyfriend Kong PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon