RACHEL's POV
"Heidi! Tara na, Uwi na tayo, gugutom na ako." Pagmaamktol ko. ano bang ginagawa nung babaeng yun?
"Opo, andiyan na." Sigaw niya.
"Heidi! Bilis! Tara dito!" sigaw niya, ano kayang meron?
O__O "Bakit?! Anong nangyari sa kanya?!"
"Hindi ko alam eh, tawagin mo nalang kuya niya. Bilis!"
Ano ba yan?! kanina si Dahpne, ngayon naman si Princess, ganun ba kami kahihina? hala? Si Princess? mahina? kelan pa? anlakas kaya nun kumain. Naku!!!! Si RJ yun ah, to na muna, para may mag-aalalay kay Heidi.
"RJ!!!!!!!" pasigaw kong tawag.
"Makasigaw ka naman, malapit lang ako, wala ako sa kabilang bundok, wagas makasigaw? Ano bang meron?"
"Si.... Si..." naghahabol pa ako ng hininga.
"Si ano?" Tanong niya.
"Princess, hinimatay!"
"Anooo!!!????"
"Bingi ka ba? Nahimatay nga si Princess, puntahan mo siya sa room, andun si Heidi."
"Sige. puntahan mo na kuya niya, bilis!" dun nga ako papunta eh. =.= nadaanan lang kita.
Nagmadali akong pumunta sa room ng kuya niya. At wala na kuya niya?! Pack Sheet!
"Ate? asan po si kuya Prince?"
"Umalis na siya eh, baka sinundo na yung kapatid niya." sagot niya. Ano ba yan? nag aksaya ako ng effort, ang magagandang tulad ko, hindi dapat nagpapagod. >___<
PRINCE's POV
"Anong nangyari? Bakit siya nagkaganito?" nakita ko yung kapatid ko, nakahimlay sa sahig, putlang putla ang mukha.
"Baka po epekto ng hindi namin pagkain kanina." mahina niyang sagot.
"Ha? Bakit naman kayo hindi kumain?" pasigaw kong sabi.
"E--" hindi na natuloy ang kanyang sinasabi.
"Kuya, dalin na natin siya sa clinic." Nag-aalalang sabi ni RJ
"Ah, sarado na yun, dadaan sana ako doon bago ko pumunta dito, kaso, wala, sarado na."
"Dalhin na po natin siya sa Ospital."
Nagising bigla si Princess, halatang nanghihina siya.
"Princess" sabay sabay naming sambit.
"Hindi ako bingi, ok lang ako. Kuya, uwi na tayo."
"Hindi pwede! kumain ka muna, nanghihina ka pa!" Sagot ni RJ. Ano ko ngayon dito? Ako ang kuya diba? Bakit siya pa yung kung maka-react ganyan?
"Tama Princess, tara dun sa canteen, for sure bukas pa yon, papabili nalang ako sa guard ng gamot"
"Anong gamot naman? Kulang lang ako sa kain, pano ba naman nung umaga hindi ako makakain ng maayos dahil diyan oh!" sabi niya.
"Oh? Bakit naman ako nasali? pwede ka naman kumain nang nandun ako ah."
"Ano pa nga bang magagawa ko? kaylangan ko nang masanay."
PRINCESS's POV
Ako? pupuntang ospotal? ayoko. May naaalala ako, nung bata palang ako na-ospital ako, nabundol kasi ako nang sasakyan, hindi naman ganun kalubha pero ewan ko, takot na ako eh. BTW, eto naman kami nila kuya, kakain sa isang malapit na kainan sa school, kasi naman agang nagsara ng canteen. *o* Kasama namin ngayon sina Rachel at Heidi, hindi naman halatang mahal ako nang dalawang to. Slight lang.
"Princess, ano ba gusto mo?" tanong nila sa akin.
"Ano, kahit ano." sagot ko.
"Ahm, Meron bang kahit ano?"
"Eh, kayo na bahala, kahit ano naman kinakain ko wag lang AMPALAYA."
"Sige, isang order po ng ampalaya" Pang-aasar ni RJ.
"Oh? yun kakainin mo?" tanong ko.
"Hindi, para sayo yun."
"Nang-aasar ka ba? Kuya, Champorado nalang, sabihin mo, condense milk ang ilagay."
Pagka-order kumain na kami, kaya eto ako, malakas na ulit. ^_____________^ hinatid na namin ni kuya sina Rachel at Heidi, hindi lang sila masyadong nag-uusap, paano ba naman si RJ lagi dumadaldal, kalalaking tao madaldal? Naku. tsk. tsk.
ALINA's POV
Bakit ba ganito? hindi ko maintindihan ang sarili ko, ano na ba talaga? Si Ian pa ba o hindi na. Eh kasi naman eh. Siopao, Siomai, Pan de sal na may itlog! Ano na bang gagawin ko?! Laslas nalang, syempre hindi ko yun gagawin, mahal ko kaya mga tao sa paligid ko. Lalo na si....... >//////////////////////< ano ba naman to! Tama na, mag-online nalang ako.
*Alina's Profile*
25 Notification. (halos puro like lang)
3 Messages (fr. Heidi, Rachel & IAN)
20 Friend Request (out of 20, 5 lang kilala ko, At ang 15, pag-iisipan ko pa.)
Messages:
Fr. Rachel
Panget! pasok ka nang maaga bukas ah.
-end-
Fr. Heidi
Aliiina ^_^ Sabay tayo bukas ah, daan tayo kina Rachel. See you tom.
-end-
Fr. Ian
Alina.
-end-
Bakit naman kaya to nag-message? Anong meron? Hindi naman yan wrong send, hello? fb to? sakto, online pa siya.
To: Ian
Oh? bakit?
Fr. Ian
Ah... Wala.
To: Ian
Pwede ba yon? Meron yan.
Fr: Ian
Eh kasi, ano...
pwede bang....
*offline*
Hala? Anu daw? Hay, bukas ko na nga lang itatanong. Ako'y maaga pa bukas. ^_____^
IAN's POV
Ano ba naman to? Nagkakagusto na ba ako kay Alina? Ano ba tong nangyayari sakin. Ayos lang naman sa akin na inaasar nila ako dati, pero ngayo? Naiilang na ko.
Fr. Alina
Oh? bakit?
To: Alina
Ah... Wala.
Fr. Alina
Pwede ba yon? Meron yan.
To: Alina
Eh kasi, ano...
pwede bang....
*offline*
Bakit ako nag offline? Bakit hindi ko masabi na kung pwede ko siyang ihatid bukas papuntang school? Hay, Kaya ko to.
*Online* Wala na offline na siya. >.< torpe ko kasi masyado.
--------------------------------------
End ng chapter. Puchuchu, may nagbabasa pa ba nito? Hope you like this chapter sa mga nagtitiyaga.
~Author
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Poser
Teen FictionPaano kung ang matagal mo nang minamahal eh hindi pala siya? mamahalin mo pa ba siya o iiwan na? Tatanggapin mo ba siya sa ginawa niya para lang mapalapit sayo? o kakalimutan mo nalang lahat ng pagsasama ninyo?
