Chapter 11B

285 4 2
                                    

LUKE's POV

Sabi ko na eh, may gagawin nanaman tong babaeng to na hindi ko ikatutuwa! Nakakabwiset! Yung natitirang gamit ni Ate, sana hindi nasira, Papatingin ko na to mamaya pagka-uwi nitong babaeng to. Kung nananapak lang ba ako ng babae eh, pero hindi ko kaya. 

"ah.. Sir Luke.." ano nanaman kayang kaylangan nito?

"ANO?!" 

"Pwede po ba akong ano... Manuod ng...."

"NANG ANO BA?!"

"Nang tv, laban po kasi ng B-meg at Ginebra eh.."eh? yun lang pala eh.

"YUN LANG?!"

"Yes Sir."

"DOON KA SA BAHAY NIYO MANUOD! UMUWI KA NA! BAKA KUNG ANO PA MAGAWA KO SAYO." pambwiset talaga? manunuod lang pala eh. Mang-iistorbo pa. Pagkasabi ko noon, napatakbo siya, syempre natakot.

*KINABUKASAN*

Papunta ako sa room nila Rachel, mag-so-sorry ako sa inasal ko kahapon, hindi naman talaga ako ganun, kapag galit lang... Piano kasi yun ni Ate eh, buti hindi nasira, baka pagnasira yun mapatay ako nila daddy, favorite kasi nila si Ate, ako? Ako na ang nandito, si Ate pa hinahanap... Pero hindi ko sila masisi kasi si sobrang bait ni Ate. Mahal na mahal ko kaya yun kaso... Maalala ko nanaman, hay tama na nga pag-alala sa nakaraan.

Nasa tapat na ako ng room niya, kinakabahan ako, marami-rami din kasi sila dito. Sandali nga... Anlandi naman nito, apat-apat ang lalaki na nakapaligid, teka, apat-apat? walo na yun, dala-dalawa nalang, apat na yun. Hindi ko naririnig pinag-uusapan nila, nako, kelan pa ako naging chismoso?

"RACHEL! TARA NGA DITO."

"Teka lang ha? nandito kasi si Sir buLuke eh." sabay hinila ko siya sa tapat ng labas ng building nila. 

"Saan mo ba ko dadalin Hindi pa naman uwian ah?"

"Pwede ba? Wag kang maingay? Para kang naka megaphone diyan eh, anlapit lang nang kausap mo, wala sa kabilang bundok." humarap ako sa kanya nang napansin ko yung bandage sa may bandang tuhod niya.

"Teka, anong nangyari sa tuhod mo?" 

"Ah, eto? Wala, ikaw lang naman may kasalanan kung bakit may sugat ako ngayon sa tuhod, pag yan nagpeklat mamamatay ka."

"Teka nga? Bakit ako ang may kasalanan? Ano bang ginawa ko?"

"Wala naman, natakot lang naman ako nung pina-uwi mo ko kasi makikinuod ako, tapos hindi ko pa napanuod ng buo yung laban ng B-meg at Ginebra."

 "Teka, nilinis mo ba yan?" kelan pa ako naging concern sa babaeng to? Hay, yaan na.

"Oo naman, nilinis na to ni Papa ko noh!"

"Akin na nga, patingin nga."

"Eh! Ayoko! Baka kung ano gawin mo eh."

"Remember, you'll obey whatever I say."

"Sabi ko nga eh. Edi ayan na!" 

"Galit ka?"

"Hindi naman, ano ba kasi? Bakit mo ko dinala dito?"

"I'm here to say sorry, I didn't mean what I say. Nadala lang ako ng galit."

"Mag-so-sorry lang eh, pwede naman sa room. So, kapag galit ka pala ikaw si Sir MonsterbuLuke"

"ANONG SINABI MO?!"

"Ah, wala." Sabay takbo niya papalayo sa akin.

"Sabi ko nang wag mo kong tatawagin na Sir BuLuke eh!" hinabol ko naman siya.

Ang Boyfriend Kong PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon