Chapter 2
Napahawak ako sa bibig ko. Masuka suka akong lumabas sa Canteen na Pinasukan namin.
Puro Bangkay! Langhap na langhap ang mabahong Amoy ng mga Sariwang Dugo.
"TUMAYO KA JAN! BAWAL ANG MAHINA DITO!"
Sabi nung Babae. Kahit gustuhin kong tumayo ay Di ko magawa nanginginig ang Tuhod ko. Nanghihina ang katawan ko.
Lumapit siya saakin at hinawakan ang Buhok ko. Hindi ko maramdaman ang Sakit nun. Parang namanhid ang buo kung katawan.
Patayo niyang Hinila ang buhok ko. Habang kinakaladkad niya ako ay Hindi ko maiwasang Maluha.
"DUMILAT KA! "
Sigaw niya sa Tenga ko. Dahan dahan kong minulat ang Mata ko.
"TITIGAN MONG MABUTI. ANG NAKIKITA MO NGAYUN AY ANG MGA KAGAYA MONG MAHIHINA! "
Sabi niya. Pinunasan ko ang Luha ko at Lumunok ng laway. Itinulak niya ako .
"KUMAIN NA KAYO! AT BUKAS MAG UUMPISA NA KLASE NIYO!"
Binangga niya ako at Umalis na.
-----
Hindi ko mabilang kung Ilang Beses na akong gumulong sa Kama ko. Hindi ko alam kung ilang beses na akong pumikit at Pinilit matulog.
Paulit ulit na pumasok sa isip ko ang larawan ng Mga bangkay na nakahandusay sa bawat lugar ng School.
Kakayanin ko ba! Makakalabas pa ba ako dito! O dito na matatapos ang buhay ko. !
BINABASA MO ANG
DEATH SCHOOL
Mystery / ThrillerPaaralan para sa mga Piling Studyante. Sasabak sa Hamon ng Death King. Makikipag Sapalaran para sa Buhay.