CHAPTER 40
CASSANDRA POV (Yung Bata)
Sapat na ang naitulong niyo ate Karla. Ako na ang bahala sa kuya ko.
Pumasok ako sa isa pang Pinto. Papunta yung pintong yun sa kwarto ko.
Kinuha ko ang Isa ko pang Baril at Kutsilyo.
Kung sakali mang Makasalubong Ko ang mga tauhan ng Daddy ni ate aisha.
Baril at bala ko na lang ang babati sa kanila.
Napa tingin ako sa salamin. Hinawakan ko ang peklat ko sa may mukha. Malapit ito sa may Mata ko. Isang hiwa na mahaba.
Tinakpan ko ito ng buhok ko at Ngumiti.
Cassandra. Kaya mo to.
_________
KARLA POV
"Handa kana ba?"
Tanong ni uno saakin. tumango ako at tiningnan ang baril ko.
Papasok ulit kame sa loob. tutulungan namin sila raquel at creig.
Napag usapan na namin ni uno ang plano.
Kung di namin makumbimsi si creig na mag bago. At kung gumawa siya ng bagay na ikapapahamak namin.
Ay kame na mismo ang tatapos sa kanya.
Base sa mga nakita at naramdaman namin ni uno.
Na may pag tingin pa rin siya kay Raquel. At parang Dala lang ng galit ni Creig kaya niya gawa to. Ang kagustuhan niyang makapag higanti sa tatay ni Raquel.
Bawal na pag ibig?
Anak ng isang mafia king si Raquel. At nag mula sa mayamang angkan ang pamilya nila Creig.
Pero bawal pa rin. Walang kinalaman ang Negosyo nila Creig sa Negusyo nila Raquel.
Sinekreto nila ang Relasyon nilang dalawa. Hanggang sa malaman ng pamilya nila.
Pinag hiwalay sila kaya ng disisyon sila raquel at creig na Mag sama. At mag pakalayo layo.
Pero nung time na mag kikita na sila. Ay hindi dumating si raquel.
Nadatnan ni Creig na naka handusay ang pamilya niya sa sahig. Naka siksik sa gilid si Cassandra habang naka hawak sa mukha niyang puro dugo.
Maliban doon pinahirapan pa ng daddy ni raquel si Creig. Pinaamin nila kung nasaan si Raquel.
Yung malalaking peklat niya sa likod ay Gawa ng latigo. Yun ang ginamit bilang pang torture sa kanyan.
Ang sabi pa ni Cassandra na. Nakikita daw niyang umiiyak si Creig Habang naka tingin sa Larawan nilang buong pamilya
Kaya alam ko na pag hihiganti ang pakay ni creig.
Ang hindi ko lang alam kung makakaya ba niya talagang saktan si Raquel.
Ang babaeng minahal niya at ang babaeng hinintay niya ng matagal na panahon.
_____
UNO POV
Gusto ko mag Kamuhian si creig hindi ko magawa.
Ayukong mag tanim ng sama ng loob. Ayukong magaya sa kanya na nag tanim ng planong masama na nandamay pa ng inusentang mga tao kagaya namin.
Pero ang experience dito sa loob ng School na to ang pinaka masayang Mararanasan mo.
Matututu kang tumayo sa sarili mong mga paa.
Matututu kang lumaban at makipag sapalaran.
Matututu kang Ipag tanggol ang sarili mo.
Malalagpasan mo ang takot at kaba mo.
Pero Ang The Best Experience na naranasan ko dito sa Death school ay ang nakilala at ng nahulog ako kay karla.
Syempre kasama Ang Mga Kaibigan ko kahit may mga nawala. Si Jane. Lorraine at si Gerald.
BINABASA MO ANG
DEATH SCHOOL
Misterio / SuspensoPaaralan para sa mga Piling Studyante. Sasabak sa Hamon ng Death King. Makikipag Sapalaran para sa Buhay.