1 Message from: Jj <3
" Baby, sa Volleyball Court. 3pm bago ka magrecess"
Bigla nalang akong napangiti ng mabasa ko tong message nato, Akala ko galit siya sakin kasi di siya nagpaparamdam simula nung nangyare yung kaninang umaga na wala namang kakwenta-kwentang eksenang ginawa ni clint. Hay ang bobo eh, dapat kasi ginawa niya nalang yung parang sa movie na kunwari may couple ring tapos akala mo wedding booth pero syempre di ako papayag noh? Ganun kaya ang gusto kong mangyare nung dapat sasagutin ko si Jj pero mukhang hindi naman nangyare eh -.-" Bakla? Baliw ka, Napakashokla mo leche, kanina pa ako nagsasalita dito at nagkekwento sayo tapos makikita ko nakangiti ka lang diyan? Ano ba yang nasa cellphone mo?" Sabay lapit sakin pero sa nakabalik kagad ako sa katinuan bigla akong lumayo sa kanya para ilayo yung cellphone ko kasi hanggang ngayon nga wala siyang kaalam alam.
" Dun ka nga bakla, Shoo. Bumili ka nalang ng sarili mong pagkain. " Sabay lakad ko papunta sa isang lamesa malapit sa grupo nila Sarah. Ang Hito na mukhang palaka katulad ni clint. Hay! Sira nanaman araw ko dahil nakita ko tong babaeng to. So sino susunod?
" Mary! " -_____________________________- Kilala niyo kung sino yun? Syempre yung palakang kokak na akala mo maglakad papalapit sakin eh model at kumakaway pa. Yabang! Sobrang yabang, Palaka naman. -.-
" Bakit? " Tanong ko sa kanya nung nakaupo na siya sa harapan ko. " Huwag kang maingay, Hinaan mo lang boses mo ano kaba? Girlfriend kita kaya kaylangan sweet ka sakin ok? " Sabay kindat sakin, Aba may muta nanaman tong lalakeng to. Nakakadiri na po, Hindi ko na matake pa. Hay! Matanong nga. " Hoy palaka, May muta kaba? " Tanong ko sakanya kaya biglang napapahid siya sa mata niya na ikinatawa ko bigla.
" HAHAHAHAHAHA!!! " Hala sige mary, tawa lang ng tawa. Nakakatawa naman talaga eh. Yung mukha niya kanina sobrang shock na shock eh Kaya yun lalong ikinapangit ng mukha niya, palaka na nga may muta pa. " Ano kaba? Tawa ka ng tawa. Alangan wala ako nun. " Haha! Wala daw eh bakit niya hinawakan kagad yuyng mata niya at kunwari nagpapahid lang. lokohin mo lelang mo clint. " Haha! Ewan ko sayo palaka, UTO UTO! " Sabay batok ko sa kanya sa ulo kaya naman bigla siyang napatayo at napahampas sa lamesa.
Sa gulat ko, bigla akong napatili sa ginawa niya kasi di ko naman inaasahang ganun reaction niya sa batok eh, medyo mahina pa nga yung kesa kay sirenang balyenang nagmamaganda este ang sexy at magandang dyesebel-bel Haha! pero umupo din siya kagad habang nakatingin siya sakin ng matalim. Kakainin naba ako ng palaka? Hindi naman ako langaw para kainin niya, dun siya sa labas ng fish pond bagay pa.
" Anong problema mo? " Tanong ko nalang sa kanya. " Ikaw. " sabay lapit niya sakin ng mukha niya.
" Ay Jusko! Mamatay na ang magandang bading na ito sa nakikita niya ngayon! Omg! Bakit mary? -.- " Kilala niyo nanaman kung sino yang epal diba? okay na yun. " bakla! Ilang beses ko bang sasabihing huwag kang umakto ng ganyan, nakakadiri. Mahiya ka! " Sabay nilakihan ko siya ng mata at tinitigan pero naramdaman ko nalang yung ulo ko gumalaw ng kusa kahit hindi ko ginagalaw hanggang sa makita ko nalang sa harapan ko ulit yung mukha ng palaka.
" Anong trip mo ha? " Tanong ko sa kanya at tinapik yung kamay niyang nakahawak sa baba ko. " Wala naman akong muta ha? " Sabe niya sakin na ikinangiti ko ulit. " Naniwala ka naman? " Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
WANTED: The Borrowed GIRLFRIEND. A JaDine FanFic - COMPLETE
FanfictionSi Mary Ann Gonzales ay isang simpleng babaeng walang hinangad kundi magaral at mahalin ang kaisa isa niyang boyfriend na si Joseph John Ramos na isang varsity player at napakabait na tao. Maayos naman ang lahat ng 'to kundi lang dumating yung taong...