WTBG - CHAPTER 13

1.5K 53 4
                                    

A/N: Dedicated sa kanya dahil sa sunod sunod na comments niya! Thank you sana magcomment naman diyan yung mga silent readers natin :) Kasi mas sinisipag ako mag-UD once na may nagcocomment atleast alam ko yung feedback nila para sa story ko so thank you! Magcomment kayo kahit BAD or GOOD comments okay lang opinion lang yan :">

Btw pati yung gaganap na JJ At SARAH wala pa po akong naiisip kung sino :) Kung sino po dito gusto magsuggest kung sinong pwede ang maging JJ at SARAH dapat po parehas din ng ugali ng character ko na sila JJ at SARAH sa kwento yung ibibigay niyo ah! :"> Salamat sa mga nagbabasa, Nagvovote at nagcocomment!!! Keep reading and share nadin sa friends niyo lalo na sa kapwa JaDine's niyo <3 Woooooo! <3 Spread the JADINE FEVER! 

So next update na! enjoy! :>

~ ~ ~ 

Mary POV.

 ~ ~ ~

“ Bakla? Heller! “ Sabay napatingin ako kay Roberto na ngayon at nakaupo na sa harap ng lamesa na inokupa ko sa Canteen. “ Bakit moko pinapunta ditey?  “ Takang tanong nito sabay nagirap.

“ Bakla may tanong ako sayo. “ Pagkasabe ko nun bigla siyang umayos ng upo at lumapit siya sakin. Hay nako pagka bakla talaga masyadong tsismoso este tsismosa. “ Ano yun? “ Tanong nito kaya huminga ako ng maluwag para kahit papaano eh maibsan yung kaba ko.

“ Ha! Bakla, paano kung ang first kiss mo inaasahan mong crush mo magbibigay nun pero sa iba mo pala nakuha? “ Pagkasabe ko nun bigla siyang kumalampag sa lamesa gamit ang mga kamay niya. “ H-hoy bakit? “ Kinakabahan kong tanong sa kanya mahirap na baka maopen na naman yung topic naming kahapon -.-‘’

“ What?! TALAGA BANG FIRST KISS MO SI C—Aray! “ Sigaw na sabe nito kaya naman binato ko siya ng tinapay na hawak ko kaya ayun tumigil din sa pagiging OA niya, Nagtatanong ako kung makareact akala mo narape ako eh -.-‘’ “ MAGTIGIL KA NGA. “ I hissed to him with my eyes widely open.

“ Ano ba naman kasi yang tanong mo? “ Sabay nagiinarte nitong sabe. “ Basta sagutin mo nalang yung tanong ko okay? “ Sabay uminom ako ng tubig at tumingin ulit sa kanya.

“ Ganto kasi yan, Once na yung pinapantasya mong molestyahin lalo na yung firs kiss na yun na gusto mo sa crush mo makuha then nakuha mo sa ibang lalake aba baka destiny yan atii! “ Sabay palo nito sa balikat ko kaya naman nilakihan ko siya ng mata at syempre umeepekto naman yung pagbabanta ko sa kanya gamit yung mata ko. “ So ano? Si Clint ba ang first kiss mo? “ Sabay hawak nito sa braso ko at nagpapalakpak-palakpak pa ang lola niyo. Parang baliw.

“ Hindi. H-I-N-D-I!!! Ano irerecord ko paba para matigil ka na? “ Pagsisinungaling ko dahil once na aminin ko sa kanya yung nanyare isang gabe sa birthday nito for sure mas tutuksuhin ako nitong baklang to -.-‘’ “ Destiny? Funny... “ Tanong ko sa hangin at nagtuloy tuloy nalang sa pagkain ng spag. Ng magsalita ulit ito.

“ Oo destiny,at hindi yun funny gaga. Ganto yan yung tipong akala mo nung nagkalayo kayo di na kayo magkikita tapos sa susunod na years bigla nalang magtatagpo ang landas niyo minsan naman yung ibang akala mo na crush mo eh yun ang pang forever mo pero bigla nalang may sisingit sa eksena niyo na isang lalake na sa una ayaw mo sa kanya at sa huli malalaman mo nalang na siya pala talaga ang forever mo. GANUN YUN GIRL. “ Nakangiti pang sabe nito sabay pinagdikit ang kamay nito na akala mo eh naiimagine nito yung sinasabe nito sakin pero parang Kwento ko ata yung sinasabe nitong baklang to ha? Edi sa huli-- ? O__________O Paano mangyayare yun eh kahit anong katiting na nararamdaman eh wala naman. Except sa mga kaba kabang nararadaman ko once na nakikita ko siya kaya yun minsan iniiwasan ko siya.

WANTED: The Borrowed GIRLFRIEND. A JaDine FanFic - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon