" Oy Palaka! Anong drama yung ginawa mo kanina ha? " Tanong ko kay Clint habang naglalakad kami sa hallway para ihatid niya ako sa classroom namin.
" Diba pumayag kana? Edi yan na sinisimulan na natin yung deal natin. " Sabe niya sakin habang nagtetext sa phone mo.
" Baliw kaba? Dapat sana kung gagawin mo yun siguraduhin mong walang makakakita na makakasakit ka! " Sigaw ko sa kanya. Buti nalang walang student sa hallway na nilalalakaran naming dalawa kasi kung meron bistado.
" Ano bang kinapuputok ng butchi mo at nagsasabog na yang ulo mo at mukha mo sa galit?! " Sabay harap niya sakin kaya napatigil kami sa paglalakad. " Alam mo! Sana manlang inisip mo muna lahat bago mo ginawa diba?! Hindi lang si sarah ang nakakita eh! " Sigaw ko sa kanya.
" Ano bang meron?! " Tanong niya din sakin. " Akala mo kasi madali, Oo sayo madali pero sakin hindi. Na ano? Kunwari nanligaw ka tapos makikita ko sa mga mata ko pa mismo na hindi lang si sarah ang nakakita, Pati si Jj! Bestfriend mo na Boyfriend ko! " Sabay sigaw ko sa kanya at nilaglag yung librong hawak ko habang nanggigigil.
" Oh ano namang meron? " Sabay tanong niya sakin at nagcrossed arms pa. " Anong meron?! Ang tanga mo! Bwisit! Makaalis na nga! " Sabay kuha ko ng libro ko at nagsimula ng maglakad.
" Hoy! Saan ka pupunta?! " Sigaw niya sakin habang naglalakad ako kaya naman hinarap ko siya. " Aalis diba?! Tanga ka ba? Hindi makaintindi ng tagalog?! " Sabay talikod at nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad palayo sa kanya kahit na naririnig ko padin yung pagtawag niya sakin.
Hindi naman ako galit sa kanya, Naiinis pwede pa. Bakit? Kasi po ang pangit niya! Haha! Joke lang syempre naiinis ako sa kanya kasi wala akong kaalam alam sa nangyare tapos sinakyan ko pa yung drama niya tapos ano sa huli? Imbes na si sarah lang ang masasaktan at makakakita nung lahat ng yon, Makikita ko pa si Jj. Ang tanga tanga tanga tanga tanga tanga ni clint, este ako! Paano ba naman hindi ko inisip na pwede niyang makita yung pangyayareng yun, Alangan iisa lang naman tong school namin kaya makikita niya talaga. Nakakainis! >_<
" Oy bakla! " Nako kilala niyo naman kung sino yan diba? Ang reyna ng kabalyenahan ng bansang pilipinas ay este sirena pala. " Oh? Ano nanaman problema mong bakla ka?! " Dala ng pagkakainis ayun nataas ko ng voice ko.
" Sinisigawan moko? Oh my god! Ang sakit! " Nako nagdrama nanaman ang bakla, Ayan naguupo upo sa lupa habang akala mo uod sa kakagiling eh.
TOINKS!
" Aray naman bakla! Ang sakit kaya! " Sabe niya sakin, Paano ba naman sa kakalandi nitong baklang to ayun nikotongan ko yun pa naman yung ayaw niya kasi sa totoo lang masakit akong mangotong eh, Gusto mo matry? Haha! Joke!
" Landot mo bakla! Kinotongan lang naginarte na? Aba! " Sabe ko sakanya at pumasok na sa room namin habang siya kasunod ko lang naman sa likod ko. " Syempre. Alam mo naman yung ayaw ko sayo diba? Ang mangotong. Ang sakit sakit kaya! " Sabay haplos sa ulo niya. Sarap hambalusin ng palakol eh. Pero kahit ganyan po yan, Mahal ko yan.
"Pero teka bakla! Mabalik tayo sa nangyare kanina! " Ano nanaman yan! " Oh ano? " Tanong ko sa kanya at umupo sa upuan ko tapos siya humila ng upuan at hinarap sakin at umupo.
" Totoo ba yun? Kayo na ni Fafa Clint? " Tanong niya sakin na nakapangalumbaba. " Ha? Baliw kaba? " Biglang sabe ko sa kanya kaya naman kinakunot ng noo niya.
" Eh ano yung kanina? " Tanong niya sakin. " Edi Ano lan- " Hindi ko na nituloy kasi biglang may nagbukas ng pinto sa classroom namin at ayun nakita ko nanaman yung palaka sa buhay ko! Hay nakooo -___-
" Asan si Mary Ann Gonzales!? " Pagkasabe niya nun biglang nagsituro yung mga kaklase ko sa sakin. Okay anong meron nanaman? -__-
" Bakit?! " Sigaw ko habang nalapit siya sakin. " May nakalimutan ako. " Sabe niya sakin habang nakatingin lang sa mga mata ko.
Tsup!
" Gosh! Oh my god! Im gonna die! " Sabay sigaw nitong baklang to. Leche! Alam niyo yung nangyare? Nakakainis lang po. Lumapit sakin ng nakatingin sa mata ko at ano? Ikikiss ako sa pisnge ko?! RAPE! >_<
" Ingay mo bakla! " Sigaw ko sa kanya at hinanap si palaka na ngayon ay naglalakad na palabas ng room namin kaya naman sa sobrang gigil ko gusto ko siyang hampasin, tapos ipapako ko sa mukha nitong baklang maingay nato at ililibing sila ng magkasama hanggang sa may mahagip yung kamay ko at ayun. Binato ko siya at syempre natama yung palaka at humarap sakin pero imbis na magalit aba. Kinindatan pa ako! >_<
" Grrr! " Sigaw ko habang pinagpupunit yung papel na hawak ko. Leche! Si Jj nga hindi pa ako nakikiss kahit sa noo manlang pero siya Ano?! Pisnge kagad?! Agad-agad?! At tyaka anong problema nun? Kanina nagaaway away kaming dalawa tapos ngayon lalapit sakin at ikikiss ako? Wow! -__-
" Alam mo bakla? Ikaw lang yung girlfriend na ganyan umakto! Hindi ka manlang kinilig bakla! " Sabe niya sakin sabay hampas sa braso ko. " Ano? Bwisit eh! " Sabe ko nalang at baka sa baklang ito pa mapagbuntungan ko ng galit ko nako kawawa to for sure.
" Bakla? Diba nanliligaw sayo si Jj? " Biglang tanong niya sakin. " Ha? " Wala eh nagulat ako at naalala ko palang hindi nito alam na sinagot ko na si Jj dati pa at yung deal namin ni palaka. Hayz!
" Ahmm, oo nga nanliligaw siya bakit? " Gusto kong sabihin sa kanya na palabas lang ang lahat at sinagot ko na dati pa si Jj pero paano? Siguradon masisira ang lahat. " Oh eh ano?Wala na kasi sinagot mo si fafa clint e." Sabe niya sakin.
" Hindi mali ka Ganto kasi ya-- " Naputol yung sasabihin ko ng pagtingin ko sa lapag nakita ko yung papel na may sulat na : Rule4 : Huwag kang tatanggi sa kiss.
Hanggang sa maalala ko yung nangyare kanina na kiniss ni palaka yung pisnge ko, muntik ko ng makalimutan nasa rules nga pala siya -__- Walang nakakaalam na kami ni Jj kasi hindi namin pinupublic ang lahat gusto lang namin na private dahil alam kong madaming hahadlang lalo na't my linta na lageng nakapit kay Jj sa tuwing magpapractice sila ng basketball. Sarap ihambalos eh, kahit diyan sa baklang yan hindi ko sinabe kasi madaldal.
" Ano bakla? Nanahimik ka nanaman -_- " Sabay kuha niya ng sandwich sa likod ng bag niya. " Wala. oo nanliligaw siya pero si clint yung sinagot ko. " Sabe ko nalang.
" Eh bakit si clint? Mas matagal naman si jj na nanligaw ah? " Tanong niya sakin na ikinagulat ko. " Ha? Ahmm, Mas nakita ko lang kay clint yung ideal man ko. " Palusot ko nalang sa kanya.
" Bakla ka, Bibigay ka din pala kay fafa clint eh. " Sabay ayos niya ng upuan kasi dumating na yung teacher namin na habang ako ang lalim ng iniisip.
Ngayon ko lang napagtantong mahirap ang bagay na akala mo madaling gawin pero mali pala ako lalo na't alam mo sa sarili mong makakasakit ka ng ibang taong walang kinalaman at walang ginawa kundi mahalin ka lang.
~ ~ ~
BINABASA MO ANG
WANTED: The Borrowed GIRLFRIEND. A JaDine FanFic - COMPLETE
FanfictionSi Mary Ann Gonzales ay isang simpleng babaeng walang hinangad kundi magaral at mahalin ang kaisa isa niyang boyfriend na si Joseph John Ramos na isang varsity player at napakabait na tao. Maayos naman ang lahat ng 'to kundi lang dumating yung taong...