Clint POV.
Please gumising kana...
Kaylangan kita...
May hindi pa ako nasasabe sayo...
Ano ba'tong nangyayare. Andun na lahat eh okay na lahat pero...
Flashback...
Naglalakad ako papuntang school pagkatapos ko siyang tawagan para pumunta din doon sa Garden. Patawid na ako sa kabilang kanta ng may makita akong nagtitinda ng roses kaya pinuntahan ko at binili ito. Hindi ko alam pero ng mahawakan ko yung roses napangiti nalang ako na parang nasa langit, ewan ko pero alam kong korni pero alam ko ng ngayon mawawala na at matatanggal ang mga anumang bagay na nakahadlang saming dalawa ni Mary dahil ako na mismo ang gagawa ng move para magkaayos kami at magawa ko ng totoo ang lahat na alam ko namang sa una ay gusto ko ng gawin pero mali at alam kong makakasakit ako...
Yung tungkol kay Sarah naman, Naayos ko na ang lahat at nagkasundo na kami as friends bago ko ginawa 'tong sorpresa. Oo, yung time na nandun kami sa Mall nakipagbalikan ako kay Sarah na alam ko namang masakit para kay Mary dahil ginamit ko lang siyang panakip-butas or isang toy lang pero may dahilan ako kaya ako nakipagbalikan dahil gusto kong maramdaman kung nakay Sarah padin ba ang puso ko o natangay na ni Mary..
3 Days na hindi nagpakita si mary at dun ko naramdaman na... Hindi ko kayang hindi siya nakikita, nakakausap, nalalapitan at nahalikan. Dun ko naramdaman na hindi lang ito gawa ng pagkakamiss ko sa kanya, Pinakiramdaman ko lahat at hindi nako nagdalawang isip na OO MAHAL KO NA NGA SIYA...
Kaya bago man matapos yung araw na yun nakipagusap ako kay Sarah at akala ko hindi siya papayag dahil sa kanya na din galing na mahal niya pa ako pero nagulat ako ng sinabe at pinagtapat niya sakin na mahal niya na din si Carl yung leader ng isang gang samin na pinalit niya sakin dati, pinakiramdaman ko din yung sinabe niyang yun pero wala ni isang kirot sa puso ko na hindi nagustuhan yung sinabe niya... Siguro nga si Mary na...
" Kuya may sasakyan! " Biglang nainig ko nalang na may sumigaw na bata sa likudan ko kaya ng tignan ko siya ay may itinuro siya sakin sa bandang kanan ko at nakita ko yung sasakyan na humaharurot palapit sakin medyo nagulat pa ako pero nakailag din ako pero gumulong-gulong ako sa gilid at saktong pagulong ko papunta dun ay biglang may tumama naman sa bandang braso ko ng matulis na bagay at pagtinin ko nadugo na yung siko ko at namamahid na yung braso ko sinubukan kong tumayo pero i di ko kaya kaya tinext ko ang tropa at pinapapunta sila dito.
" Clint! Pare anong nangyare diyan?! " Gulat na tanong ni Grey sakin habang natakbo malapit kung saan ako nakahiga ngayon.
" Kuya muntik na po siyang mabangga kanina buti nalang po at nailagan niya kasi kung hindi nako po. " Narinig kong paliwanag ng bata sa tanya ko mga 10 years old na siya. Tuwid siyang magsalita hindi bulol.
" Ano ba kasing pinaggagawa mo? Baka naman nagtatatalon ka diyan habang patawid na parang bata kaya di mo napansin yung sasakyan. Nako naman pare. " Pagsesermon pa sakin nitong lalakeng 'to, eh kung dalin na kaya ako kagad sa clinic ng malunasan?
" Dalhin mo nalang ako sa clinic. " Sabe ko nalang sa kanya at kumilos naman siya para buhatin ako pero...
" ARAY!!! " Bigla kong pagsigaw ng magalaw niya yung braso ko kaya naman bigla niya akong ibinababa at tinignan yung braso ko at biglang nanlake yung mata niya. " Bakit pare? Anong meron? "
BINABASA MO ANG
WANTED: The Borrowed GIRLFRIEND. A JaDine FanFic - COMPLETE
Fiksi PenggemarSi Mary Ann Gonzales ay isang simpleng babaeng walang hinangad kundi magaral at mahalin ang kaisa isa niyang boyfriend na si Joseph John Ramos na isang varsity player at napakabait na tao. Maayos naman ang lahat ng 'to kundi lang dumating yung taong...