WTBG <3

7K 151 11
                                    

" Asan Si Mary Ann Gonzales!? "

Biglang may sumigaw sa Room namin kaya napatingin ako sa may pinto at nakita ko yung nightmare sa buhay ko, sa pagtulog at sa pagising ko. Yung taong gumugulo sakin para sa isang usapan na hindi naman ako pumapayag.

" Hoy! Si fafa Clint! " Kilala niyo kung sino yung baklang yun? Bestfriend ko si Roberto as a BOY Roberta As Sirenang Maganda at sexy DAW. " Bakla ang ingay mo! " Sigaw ko sa kanya kaya napatingin si Clint sakin at lumakad papaunta sa pwesto naming dalawa nitong maingay na baklang to. Leche.

" Mukhang tinataguan mo ata ako Ms. Mary ann Gonzales. " Sabay smirk niya sakin kaya naman inirapan ko lang siya habang may tinignan ako kunwari sa notes ko kahit wala naman dapat. " Kaylangan Kompleto ba lage? " Tanong ko sa kanya habang nagsscan lang ng notebook ko kunwari.

" Hindi naman, Ang cute lang kasing bigkasin eh. Haha! " Sabay tumawa siya na parang demonyo kaya bigla ko siyang tinignan ko siya. Sana demonyo nalang talaga tong taong ko, Hilig hilig manggulo ng buhay eh. " Ano bang kaylangan mo Mr. Clint Ray Lopez? " Sarcastic kong tanong sa kanya para ipahiwatig na hindi ko gustong andun siya sa harapan ko at naiirita ako! >_<

" Ang bilis mo namang kalimutan eh kahapon lang naman natin napagusapan kung ano yung deal natin diba? " Sabay lapit niya ng mukha sakin kaya biglang tumili yung Balyena este sirena sa tabe ko na ngayon ay naghahampas ng katabe niya naman sa kabilang upuan habang nakatingin saming dalawa. 

" Huwag kang magalala hindi ko makakalimutan yung deal kahapon! " Sabe ko sa kanya at nilapit ko naman yung mukha ko sa kanya. Biglang tumili na naman yung sirena sa tabe ko at nanghampas nanaman ng katabe nito pero ngayon binatukan na ito kaya nanahimik. Di naman ako naiilang sa lalakeng to eh, Oo aaminin ko Medyo may pagkaboyish ako pero Syempre pusong babae padin kaya nga may Boyfriend ako eh.

" Edi halika na sa garden at pagusapan nanatin. " Sabay hawak niya sa kamay ko at hihilahin sana ako pero nagmatigas ako at nakatingin lang sa kanya ng masama. " Bakit ako sasama? " Tanong ko sa kanya sabay irap na bigla siyang nagsmirk sakin. Irita!

" Syempre ikaw yung napili ko bilang Shh! " Sabe niya sakin at umakto pang akala mo eh babae kung mag "Shh" Eh . " Bakit ngayon? Wala ka namang sinabe na ngayon sabe mo lang pagiisipan ko. " Sabe ko sakanya at hinila yung kamay ko papalayo sa kanya.

" Basta! Ang arte mo! " Sabay hila niya sa kamay ko at hinila na ako patayo at lumabas kami ng nakahawak siya sa kamay ko kaya yung mga nadadaanan namin ang sama sama ng tingin sakin kasi akala nila Girlfriend ako ni Clint. 

Ganto kasi yan. Si Clint Sikat sa school, araw araw pagkakaguluhan ng mga babae kahit sa pagpasok palang sa gate ng school andiyan na yung mga mukhang pusit na sisigaw ng " Omg! Prince Clint! Iloveyou! " At tatakbo papalapit dito na may hawak ng camera at magpapapicture. Kadiri! Akala mo kagandahan pero ang kapal lang naman ng mga make-up eh, kasing kapal ng mukha nila.

Pagka dating namin sa garden may nilapag siya sa lamesa na isang notebook kaya naman binasa ko ito kasi nacurious ako kasi may nakasulat malay niyo libreng pagkain. 

WANTED: The Borrowed GIRLFRIEND. A JaDine FanFic - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon