Mary POV.
" CookieBaby! " O_________________________________O
Yung feeling na nakikipagharutan ako sa baby ko tapos biglang may hahadlang na PALAKA?! Leche! Mamatay kana Clint please lang :( Huhu Papa Jj oh si clint humahadlang satin.
Habang napatigil si Jj sa pagkiliti sakin, ako naman tong nastroke nalang dahil sa nangyare, Ang lakas lakas pa ng boses niya nakakahiya kaya!!! Ano ba yan palaka ka talaga sulpot ng sulpot kahit san nakakairita!
" Huy CookieBaby, Kanina pa kita hinahanap dito ka lang pala makikita Nakikipaglandian " Aba at hininaan niya yung nakikipaglandian, Penge ako ng panghampas! At hahampasin ko na talaga tong lalakeng to. Kotang kota na eh!
" Oh pre! Anong kaylangan mo? " Yan tama yan kausapin mo muna yang palakang yan. " Pre alam mo naman yung deal. " Sabay humina yung boses nung palaka -.-''
" Ah Oo nga pala. " Pagkasabe ni Jj nun bigla siyang tumingin sakin at nagtatanong kung anong nangyare sakin kaya naman ako nginitian siya at naghahanda na sa pagharap sa isang palaka na malaki ang hadlang sa buhay naming dalawa lalo na sa lovelife ko!
Ayos ng Buhok..
Ready na yung smile ...
Nakataas ang kilay ...
Then HARAP ...
" Oh anong problema mong palaka ka?! " Sabe ko kagad sa kanya pero mahina lang. " Kaylangan kita ngayon mary. " Wow nagmamakaawa ba tong lalakeng to?
" Para san? pagselosin ulit si Sarah?! " Tanong ko sa kanya habang hinahawakan yung hibla ng buhok ko, na kunwari wala akong pake sa kanya. " Huwag ka namang umakto ng ganyan, diba ikaw lang ang makakapagselos dun kay sarah? " Pagmamakaawa niya talaga sakin. Haha! Buti nga sayo :P
" Eh ayoko! Kanina naglalambingan kami dito tapos bigla kang susulpot na akala mo totoong palaka! Tapos ngayon ano? Kukunin mo ako para lang pagselosin nanaman diyan sa EX mong hito na ang kapal ng make up kasing kapal ng mukha niya! " Pagmamakatol ko sa kanya pero syempre kunwari lang di naman ako masamang masama eh. Syempre acting lang muna para makita ko kung paano siya magmakaawa sakin. Haha!
Umayos siya ng tayo niya at tinignan ako ng masama sa mata ko. " Ako pa ngayon ang hadlang sa inyo? Eh alam mo namang may responsibilidad ka sakin bilang borrowed girlfriend kasi pumayag ka sa deal kaya dapat sasama ka sakin kahit anong landian bang meron kayo at ginagawa niyong dalawa!" Seryosong sabi niya sakin. Aba mukhang hindi ata to natinag sa sinabe ko ah!? Siya pa may ganang magalit sakin eh totoo namang humahadlang siya eh -.-''
" Sige na baby, Sumama kana sa kanya kita nalang tayo sa uwian. " Sabay ngiti sakin ni Jj at hinawakan yung ulo ko na parang aso at ginulo buhok ko. " Wait lang, Hindi. Sabay tayong aalis dito. " Sabay harap ko sa kanya at nilagay yung kamay ko sa palad ni Jj kaya magkahawak kamay kami.
" Kung ayaw mong bawasan yang pagiging mainit ng ulo mo edi wag! Ikaw na nga tong humihinge ng pabor ikaw pa tong nagagalit pwes magisa ka diyan! " Sabay hila ko kay Jj paalis ng VolleyBall Court.
Habang papalapit na kami sa pintuan. Biglang may bolang tumama sakin sa likod ko pero di naman malakas. Pagharap ko para tignan yun nakita ko si Palaka may hawak na isang bola pa at mukhang ihahahgis ulit sakin kaya naman inunahan ko na siya at kinuha yung bolang hinagis niya sakin at hinagis ko sa kanya with full force syempre chance na to para makaganti sa ginawa niya noh?
BINABASA MO ANG
WANTED: The Borrowed GIRLFRIEND. A JaDine FanFic - COMPLETE
FanfictionSi Mary Ann Gonzales ay isang simpleng babaeng walang hinangad kundi magaral at mahalin ang kaisa isa niyang boyfriend na si Joseph John Ramos na isang varsity player at napakabait na tao. Maayos naman ang lahat ng 'to kundi lang dumating yung taong...