WTBG - CHAPTER 9

2K 79 3
                                    

 A/N: Comment sa gusto magpadedicate sa susunod na Chapter!!! :) Keep reading!! xoxo

~ ~ ~

Mary POV.

 

“ Gusto ko nito bakla! Please? “ Pagmamakaawa ni Roberto aka Roberta also. “ Please? Birthday ko na naman bukas eh. “ Hay nako, kung di lang kita bestfriend.

“ Hindi. “ Sagot ko sa kanya kaya naman ayun ang bakla sumimangot. “ Girl naman eh! “ Sabay pagmamaktol nito na parang bata. Hay nako bakla paawa effect.

Paano ba naman kasi ang pinabibili saking regalo niya isang Bathing suit susuutin niya daw sa swimming ng mga baklang kaibigan nito kasi beach party yung tema ng birthday niya. -.-‘’ Hay nako! Ma-imagine ko pa nga lang na suot niya nasusuka nako eh. Irita to. Para siyang baklang sisiw na buto’t balat paano ba naman kasi sobrang payat nitong baklang to -.-‘’

“ Sigurado kaba? “ Tanong ko sa kanya. “ Bakit diba bagay sakin? “ Tanong din nito sakin na gusto kong sagutin ng “ OO HINDI BAGAY SAYO! ASA KA NAMAN MAGMUMUKHA KA LANG DIYANG BAKLANG SISIW NA BUTO’T BALAT NA! “ Pero pinigilan ko yung bibig ko kasi alam ko tong baklang to magsabe lang ako ng totoo nako hahampasin ako nito at iiyak maya-maya -.-‘’

“ Ahmm, Pwede nadin pero wag na yan mamili ka nalang ng may net, Mas bagay sayo. “ Ngiting sabi kahit di totoo hay nako bakla ka talaga. Bigla nalang itong ngumiti sabay nauna saking maglakad papunta sa iba pang maniking na nasuot ng bathing suit. “ Eto bagay sakin! “ Sabay turo niya sang magandang bathing suit na kulay pink may strap sa likod and also may hat din ito and shades 3 in 1! Naks!

“ Ah, Okay lang cute naman. “ Pagkasabe ko nun hinawakan ko yung net na nakasabit dun sa may maniking kasama yung bathing suit. “ Pero... Ayoko niyan. “ Palabeng sabi niya kaya naming napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo niya.

“ Eh ano ba talagang gusto mo bakla? “ Tanong ko sa kanya sabay bumitiw ako dun sa hinahawakan kon net at tumayo ng tuwid sabay harap sa kanya. “ Ganto yan... Bukas, Yes birthday ko pero syempre kaylangan ko ng dalawang bathing suit so isa niyan at yon naman! “ Sabay turo naman sa isang bathing suit na lalong nakakuha ng atensiyon ko kasi ito yung kulay na gusto ko,Yes boyish ho ako kaya ganyan pero sa buong buhay ko di ako nagsusuot ng kahit anong damit na makikita ang katawan ko kahit likod hindi! NO WAY! -.-‘’

“ Ang ganda diba? “ Tanong nito sakin habang kausap yung sales lady at pinapakuha nito yung isang pink na bathing suit. “ Oo nga... “ tango tango kong sabe sa kanya habang nakatingin lang sa kulay blue na bathing suit.

“ Gusto mo? “ Pagkasabe niya nun bigla nalang akong napatingin sa kanya na nagkakunot ang noo. “ Bibilhin ko yan para sakin pero kung gusto mo girl, i’ll give it to you as a gift “ Sabay kindat nito na bigla nalang akong napangiti sabay palakpak niya naman na parang asa palaruan kaming dalawa. “ Omg! Napangiti din kitang babaita ka! “ Sigaw na sabe nito at lalo pang pinalakas yung palakpak niya na parang baliw na.

“ Baliw, Hindi ko birthday at alam mo naming di ako nagsusuot ng ganyan diba? “ Sabay nagtaas siya ng kilay kaya alam  kong di niya nagustuhan yung sinabe ko sa kanya. “ No no no... I don’t care kung di mo birthday o birthday mo gift ko yan as a friend not just ibig sabihin ay birthday baliw ka and also hindi porke’t hindi ka nagsusuot niyan dati habang buhay ka ng madre sa pagsususot mo ng mga damit na akala mo di ka na makakahinga akala mo suffocate ka na sa damit mo noh, Bago bago din girl. Change. “ Pagkasabe niya nun bigla siyang umalis sa harap ko at kinalabit yung sales lady at may pinagusapan sila na di ko naman narinig.

WANTED: The Borrowed GIRLFRIEND. A JaDine FanFic - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon