Mary POV.
" Bakla! Alam mo ba yung nangyare? " Biglang bungad sakin ni Roberto sa Canteen.
" Ano naman yun? " Tanong ko sa kanya habang nainom ng juice.
" Si Clint at si Sarah na ulit. " Pagkasabe niya nun bigla akong napaubo sa harap niya, bigla naman siyang lumapit sakin at binigyan ng tissue para punasan yung bibig ko.
Si Clint at Sarah? Sila na. Agad? Ang bilis. Pagkatapos ng lahat lahat kahapon ng naghintay siya sa garden? Yung nilagnat siya? yung pinatulog ko siya sa bahay? Ganun ganun nalang ang bubungad sakin na SILA NA AGAD?
" Ano nagsisisi ka naba sa ginawa mo? " Bigla akong napahinto sa pagmumiuni-muni ng magsalit si roberto. Nagsisisi nga ba ako?
" Wala namna akong magagawa kung pagsisihan ko yung nangyare eh. Ano bang gagawin o ipagsisikan ko yung sarili ko sa kanya na alam ko namang may mahal siyang iba at di niya masusuklian yung pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya ngayon? " Bigla nalang lumabas sa bibig ko yung mga salitang di ko naman inaasahang masasabe ko sa harap ng bestfriend ko.
" Ayon! Umamin ka din, dati todo tanggi ka na meron kang feelings sa kanya and then ngyon tignan kundi pa mangyayare lahat ng 'to di mo masasabe at matatanggap sa sarili mong di mo siya mahal or minahal. Alam mo tanga ka best. "
" Paanong ako ang tanga? Eh kasalanan ko bang mahuhulog ako sa tulad niya? Katangahan naba yung ganun? " Pagtatanong ko sa kanya. Katangahan nabang nagmahal ako ng taong hindi naman ako magagawang mahalin din?
" Alam mo yung time na sinusuyo ka niya di mo siya pinakinggan anong ginawa mo? Nagpabebe ka pa. Tapos ngayon magsisisi ka? Tanga. " Pagkasabe niya nun bigla siyang nagwalk-out sa harap ko. Eh diba dapat ako ang gagawa nun? -.-
Napailing nalang ako sabay tinignan ko yung phone ko baka sakaling may nagtext pero wala ni isa galing sa kanya. Siguro nga ito na yung hinihintay kong sign na tumigil nako sa mga nangyare at magmove-on na dahil tapos na lahat.
BIgla naman akong napatingin sa phone ko ng biglang may tumatawag kaya bigla kong sinagot yung phone nung malaman kong si clint yung natawag.
" Hello? " Bungad ko sa kanya, Naririnig ko pang maingay yung paligid niya.
" Meet me at the garden, right now. Pumunta ka man or hindi aabangan kita.. " Pagkasabe niya nun biglang namatay yung phone. end call....
Meet him for what? para sabihin saking sila na ulit? para sabihing okay na ang lahat tapos na ang lahat ng pagpapanggap kahit na dati ko pa tinapos? Para san? para saktan ako at ipamukha saking tanga ako at ako ang kawawa? fvck.
" Pupunta ba ako? " Tanong ko sa sarili ko. Kaya naman bigla nalang akong napatingin sa harapan ko ng may maramdaman akong may nakatayo sa harap ko....
" Sarah... " Yun lang ang nabigkas ko nung tignan ko siya bigla naman siyang umupo sa upuan na katabe ko." Ba't ka nandito? Bakit di mo kasama si clint? " Sabay tanong ko.
" Busy siya sa sorpresa niya eh. " Pagkasabe niya nun bigla akong napayuko. Tama kaya niya ako pinapapunta dun para ipakita na sila na ulit.
BINABASA MO ANG
WANTED: The Borrowed GIRLFRIEND. A JaDine FanFic - COMPLETE
FanfictionSi Mary Ann Gonzales ay isang simpleng babaeng walang hinangad kundi magaral at mahalin ang kaisa isa niyang boyfriend na si Joseph John Ramos na isang varsity player at napakabait na tao. Maayos naman ang lahat ng 'to kundi lang dumating yung taong...