WTBG - CHAPTER 1

4.7K 126 9
                                    

" Bakla! Si Fafa clint nasa labas ng classroom! " Biglang sigaw ng balyenang pangit este sirenang maganda't Sexy.

" Bakla makasigaw? kaharap mo lang ako gaga, akala mo nasa kabilang room ako ah! " Ganting sigaw ko naman sa kanya. Irita tong baklang sirenang to, Akala mo nasa ibang bansa ako or kabilang kalye para makasigaw eh. 

" Kasi naman! paghintayin ba naman si Fafa clint? Ano ka Chixx? " Sabe naman niya habang nagsusuklay ng buhok niya, Akala mo naman mahaba eh hindi pa nga umaabot sa edsa yang buhok niya eh, May Kuto pa kamo. Yuck! Joke lang :)

" Hindi ako sisiw o manok o itlog para maging chixx baliw kaba? Siya may kaylangan kaya siya ang pumasok dito. Ano siya chixx? " Sabat ko naman kay roberto aka Roberta na din at tinaas ang mga binti ko sa taas ng lamesa ko. Syempre siga lang, diba sabi ko may pagka boyish ako kaya ganyan ang pananalita ko at pagkilos.

" Ay ati? Ibalik lang saken yung tanong ko? Pero sige sasagutin kita diyan, Fyi! Hindi siya chiix! kasi isa siyang fried chicken, Ang sarap niyang kainin. " Pagkasabe niya nung bigla siyang nagkunwaring dumidila at naglipbite pa ang gaga, Hindi na nahiya! Kadiri!

" Bakla! Tigilan mo nga ako sa kakalandi mo, Kadiri kaya tignan mahiya ka naman pwede? " Biglang sabe ko sa kanya kaya naman binato niya ako ng papel. " Aw! Ba't mo ko binato? " Tanong ko sa kanya.

" Ang panget mo kasi! " Sabay takbo niya ulit papunta sa pinto kung asan si clint na naghihintay sakin. Ano ba kasing kaylangan nung palakang yun? 

Tumayo na ako sa upuan ko at lumapit sa pintuan kung saan kitang kita kong hinaharot nitong baklang balyena este sirena ang lalakeng palaka, Bagay sila. Omgg! Pero sorry tong balyenang to kasi si Sarah lang ang pwedeng lumandi kay clint at kay sarah lang lalandi yang palakang yan. Asa!

" Anong kaylangan mo? " Bored kong tanong sa kanya para iparating na hindi ko gusto na makausap siya. " Ikaw. " Sabe niya, Mukhang manhid pa ata tong palakang to kasi hindi manlang nakapansin na bored ako at wala sa mood makipagusap SA KANYA. Oo sa kanya lang.

" Basta. Halika na. " Sabay hila niya sa kamay ko at lumakad kami ulit ng magkasabay. Ano ba to? Pangalawalang cutting class ko na to sa umaga ha? patay nanaman ako nito kay sir. 

Habang naglalakad kaming dalawa palayo sa room ko, Naririnig ko pang nagsisigawan yung mga babae sa loob ng classroom namin, Hindi ko alam kung selos or kilig yung naramdaman nila pero for sure, Selos yan kasi hanggang ngayon hindi pa KUNWARI kami ni Clint kahit na pumayag na ako sa proposal na gagawin namin. Ngayon naman nangyare nanaman yung kahapon pero ngayon wala akong ideya sa gagawin nitong palakang to.

" San mo ba ako dadalhin ha? Baka rapin mo ko masasapak kita. " Babala ko sakanya habang naglalakad lang kami pababa ng hagdan galing sa second floor kung sa'n yung room. Bigla siya natawa. " Anong nakakatawa sa sinabe ko? " Tanong ko sa kanya kaya naman huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din siya at humarap sakin ng nakangiti.

" Baliw kaba? Borrowed girlfriend lang kita pero hindi rerapin okay? Huwag kang feeler please? " Pagkasabe niya nun bigla ulit siyang naglakad so pati ako napasabay nadin. Sa inis ko kinukurot ko yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko, Kairita siya! Malay naman natin biglang mangrapre to aba di pa ako handa noh! Tyaka di pwede kasi kay Jj lang to, Sino si jj? Syempre si joseph john, nickname niya po yung Jj. Okay?

Hanggang sa makarating nalang kami sa Covered court ng school namin at nakakapagtaka, Ba't ang linis nito ngayon? Kaninang naglalakbay ako dito hindi naman yan ganyan eh tyaka ba't may ibang tao dito? Anong meron?

WANTED: The Borrowed GIRLFRIEND. A JaDine FanFic - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon